Chapter 98: Memories back

1.2K 38 0
                                    

Dylhan's POV

*********************

"Jhaison bilis itatago pa natin tong time machine natin" sabi ng batang babae

"Sandali lang naghuhukay pa ako!" sabi ko habang naghuhukay sa isang lupa na malapit sa malaking ugat ng isang... isang malaking puno.

"Ayan tapos na akong maghukay, lagay mo na yung time machine natin" tuwang tuwa kong sabi Inilagay na ng batang babae ang time machine kung saan ako naghukay.

Pagkalagay nya sa hukay ng time machine agad ko itong tinabunan ng lupa.
"Wait gusto ko magpromise ka muna dito na friends tayo forever!" sabi ng batang babae

"Promise?" tanong ng batang babae

"Promise" sabi ko at hinawakan ang kamay ng batang babae
Naaaninag ko na sya.. unti unti.. unti unti kong nakikita ang ang muka nya.

Yung bata parang... parang familiar sakin.
Matapos ang kaganapang yun tila nagbago ang lugar kung saan kami naroroon.

"Jhaison bili mo ako ng ice cream!" utos sa akin ng batang babae

At dahil nasa kabilang kalsada ang nagtitinda ng ice cream tumawid ako.
"Bata eto na yung ice cream mo mukang hinihintay ka'na nung batang kasama mo dun!" sabi ng tindero

Binayaran ko na ang ice cream at dahil sa sabik na sabik akong ibigay ang ice cream sa batang babae,
Walang alinlangan akong tumawid ng kalsada.

* .. Beep beep beep .. *

"Jhaison!!!!!!!!!!!!!!" isang tinig ng batang babae ang narinig ko

*******************

Y-yung kaganapang yun napanaginipan ko na naman. Bigla ko namang naalala yung muka nung bata, pilit kong iniisip kung saan ko sya nakita noon.

Tama! Yung litrato, yung litrato ni Yass sa bahay nila.
Bigla namang nagflash sa isip ko yung litrato kaya sumakit yung ulo.

"Uhhh!" May nagflash ulit sa isip ko yung puno sa panaginip ko nung isang gabi.

"Uhhh!" napalakas yung pag-ungol ko dahil sa sakit ng ulo ko

Yung time machine, yung katabing bahay nila Yass, yung malaking puno, yung pangalan namin nung bata sa puno, yung litrato at yung bata paulit ulit nagpaflash sa utak ko kaya lalong sumakit yung ulo ko.

"UURRRRRRGGGGGGGHHHHHHHHHH! TAAAAMMAAAA NAAAAAA!" sigaw ko at napaupo na ako sa kama ko

Napansin ko namang may pumasok sa kwarto ko. "Dylhan anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba?"

"Mom--- uhhh ansakit!" sabi ko habang nakahawak sa ulo ko

"Anak! Dylhan okay ka lang ba?" lumapit na sakin si mommy at unti unting nagbablock yung paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

-O- -O- -O- -O- -O- -O- -O-

Paggising ko nakita ko si mommy sa tabi ko, natutulog sya.
"Mom! mom gising na!"

"Hmm!"

"Mom!"

"Dylhan anak sa wakas gising ka na!" "Mom nasaan ako?"

"Nasa hospital ka!"
Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina.

"Mom may kilala ba kayong Lelie? Kilala nyo ba si Yass?"

"A-ano ka ba anak kung ano anong iniisip mo kaya ka nagkakaganyan ehh! Yan tuloy hindi ka nakapunta sa libing ng kaibigan mo!" sabi ni mommy na para bang kabado

Hayst! Oo nga pala ngayon na yung libing ni Annica, bakit pa ngayon nangyari toh?

"MOM! ANO BA TINATANONG KITA BAKIT HINDI KA MAKASAGOT NG MAAYOS?" hindi na ako nakapagpigil at nasigawan ko si mommy.

"I'm sorry!" Bigla naman dumating yung doctor.

"Doc bakit po nagkakaganito yung anak ko? May nakita ba kayong-----" pinutol na ni Doc. yung sinasabi ni mommy

"Dadaretsuhin ko na po kayo Mrs. Enriquez!"

"A-ano po yun doc.?"

"Congrats at unti unti nang nakakarecover ang anak nyo Mrs. Enriquez!"

"Nakakarecover?" taka kong tanong
Si mommy parang gulat na gulat pa din sa sinabi ni doc.

"Oo hijo congrats at unti unti mo nang naaalala ang lahat!" tuwang tuwa na sagot ni doc.

Hindi ko maintindihan, ano bang sibasabi ni doc.
"Naaalala? Sandali hindi kita maintindihan doc?" Sandaling napatingin kay mommy si doc at tumingin na ulit sya sakin.

"Sa tingin ko hijo sa mommy mo na lang itanong, hmm! Mrs. Enriquez I have to go madami pa akong pasyente!" at umalis na ito.

"Mom ano yung sinasabi ni doc? Hindi ko sya maintindihan?"

"A-anak si L-Leslie at Y-Yass ay iisa!" sabi ni mommy

Pansamantala akong natulala.
"Mom ano ba? Hindi ko na naiintindihan ang nangyayare? Ano yung sinasabi ni Doc.? Paanong iisa si Yass at Leslie?" sunod sunod kong tanong

"Anak makinig kang mabuti kay mommy at sana wag kang magalit!"

"Mom pwede ba daretsuhin mo na ako!"

"Anak I'm sorry naglihim ako sayo!"
Pinipilit kong maging kampante kahit gusto kong magalit kay mommy.

"Nagkaamnesia ka dahil sa aksidente 4 yeras old ka pa lang non! Inilihim ko sayo yun kase ayoko ng maalala mo pa yung nakaraan mo nun!" naluluhang sabi pa ni mommy

"Anong kinalaman ni Yass sa nakaraan ko mom? Bakit gabe gabe napapanaginipan ko sya? Hindi ko maintindihan andaming gumugulo sa utak ko!"

"Anak si Yass sya ang kaibigan mo, bata palang kayo magkaibigan na kayo halos hindi kayo mapaghiway! Kaya nung naaksidente ka dahil sa kanya inilayo kita sa kanya lumipat tayo ng bahay nun!"

"Lumipat ng bahay?"

"Oo anak! Yung katabing bahay nila Yass yun ang dati nating bahay, ibinenta yun ng daddy mo at lumipat tayo para lang makalayo kay Yass. Kaya lang sadyang mapaglaro ang tadhana muli kayong pinagtagpo na naman, nung una akala ko kahit nasa Manila pa din tayo hindi na kayo magtatagpo ni Yass pero naging tanga ako." sandali syang tumigil

"Nung muli kayong nagtagpo gusto ko sanang paglayuin kayo pero ano pa bang magagawa ko malapit na naman kayo sa isa't isa. At malalaki na kayo kaya kampante na ako nun na hindi nyo na maaalala ang nakaraan ng isa't isa pero nagkamali na naman ako!"
Biglang dumating si daddy.

"Anong nangyayare dito?" tanong ni daddy nang mapansing umiiyak si mommy

"Ang anak natin nakakaalala na sya!" sagot ni mommy tulad ng reaksyon kanina ni mommy nagulat din si daddy

"Mga sinungaling kayo, anong klaseng magulang kayo?"

"Anak pinoprotektahan ka lang namin kasi ayaw namin ng dad mo na mapahamak ka na naman dahil kay Yass!" sagot ni mommy

"Ilabas nyo ako dito sa hospital na toh!" sabi ko

"Pero anak----"

"SABING ILABAS NYO AKO DITO!"
Tumayo na si mommy at lumabas ng kwarto ko si daddy naiwan lang na nakatayo.

Maya maya lang may dumating na nurse at doctor, okay na naman daw ako kaya pwede na akong lumabas.
Tinanggal nung nurse yung dextrouse ko at kinausap ni doc si mommy pero hindi ko sila pinansin at umalis na ako.

Hanggang ngayon may gumugulo pa din sa utak ko kahit sinabi na ni mommy ang lahat.
Paanong hindi ako kilala ni Yass nung muli kaming nagkita? Hindi naman sya nagkaamnesia right? Or maybe sobrang pa nun ni Yass para maalala pa nya yun.



Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon