Chapter 73: Fiance

1.3K 46 0
                                    

Yasha's POV

Kinakabahan ako, ewan ko ba iba yung kaba ko ngayon ihh! Para bang may mangyayaring hindi maganda.

"Andito na tayo!" sabi ni Tracy

Hindi pa din ako lumalabas sa kotse.
"Bakit may problema ba?"

"W-wala naman! Kinakabahan lang ako!" sagot ko

"Wag ka ng kabahan ako bahala sayo!"
Sabay na kaming lumabas ng kotse at naglakas na kami papasok sa loob.

Habang naglalakad kami hinawakan nya yung kamay ko.

"Kinakabahan ako Tracy!" bulong ko

"Wag kang kabahan relax ka lang ha!" Tumango na lang ako

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay nila Tracy, May nakita akong isang babaeng kung titingnan mo mas matanda pa samin ng isang taon, At isa namang batang pito o anim na taon.

"Waaahh! Noona!" sabi nung bata at tumakbo sakin

Tumingin ako kay Tracy nginitian nya langa ako.

Lumuhod ako para maging magkasing taas lang kami.

"Hello! Anung name mo?" tanong ko

"Trixie po! Ang ganda nyo pala sa personal Ate Yasha!" sagot ni Trixie
Haha kabata bata bolero :D

"Wow! Ang cute naman ng name mo Trixie!"

Lumapit na samin yung isang babae.
"Hi! Kiami nga pala Ate nila!"

"Ahh hello po A-Ate Kiami!"

"Nope! Kiami na lang!" Bigla namang may babae't lalaking medyo may edad na ang bumababa sa hagdan at lumapit ito samin.

"Dad! Mom! Yasha po girlfriend ko!" pakilala ni Tracy

"Hmm. Magandang bata!" sabi ng mommy ni Tracy

"Hehe s-salamat po!"
Nakipaglaro muna ako kay Trixie sa kwarto nya dahil 3 oclock pa lang naman. Mamaya pang mga 6 yung dinner, hayst!

Si Tracy naman kinakausap daw ng mom and dad nya, Kinakabahan ako baka sinasabi nila kay Tracy na ayaw nila sakin.

Aish! Over thinking na siguro ako hahaha XD "Ate Yasha picture tayo!" sabi ni Trixie tapos inabot nya sakin yung Ipod nya.

"Sure! Game bibilang ako ng tatlo ha! ONE! TWO! THREE SMILE!"

*CLICK*

"Dito naman sa cellphone ko baby!" kinuha ko yung cellphone ko at inilagay ko na ito sa camera.

"ONE! TWO! THREE SMILE!"

*CLICK*

"Wow! Ang cute mo Trixie hahaha!"
Naglaro na ulit kami ni Trixie hahaha isip bata lang XD Bigla namang pumasok si Ate Kiami.

"Mukang nagkakasiyahan kayo ahh!" Nagkatinginan naman kami ni Trixie sabay hampas kay Ate Kiami ng unan.

Hahaha pillow fight kasi yung laro namin pero syempre mahina lang yung hampas ko kay Trixie baka mapasama ihh.

"T-teka-- aray!--- ahh yan pala ang gusto nyo huh!" kumuha ng unan si Ate Kiami tapos nakisali na.

Naghampasan lang kami ng naghampasan tapos may pumasok sa kwarto si Tracy lang pala.

"Ayst! Wala na dumating na yung lolo nyo, ayawan na!" sabi ni Ate Kiami

"SALEEEE!" tapos akmang kukuha ng unan si Tracy

* . . BOOGSH . . *

"Gago sabing ayaw na namin sasali ka pa!" Hahaha nakakatawa si Ate Kiami hampasin ba naman ng unan si Tracy sa muka.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon