-3-

264 14 0
                                        

Kanina pa ako nagtatanong kay Thomas kung saan kami pupunta pero hindi niya ako sinasagot. Kung hindi lang kita crush baka nasapak na kita kanina pa.

Hindi ko naman alam kung saang way ito.

Thomas, saan mo ako dadalhin?

"Relax ka lang, Ara. Wala naman akong gagawin sa'yo." sabi niyang nakatingin sa daan.

Inirapan ko siya. Naasar na ako eh. Para kaya akong nakikipag-usap sa hangin kanina.

Tumawa siya. "Uy, galit na!" tinusok niya ang tagiliran ko.

Halos mapasigaw ako sa ginawa niya. 'Wag dyan, may kiliti ako dyan. 'Wag dyan. Char!

"Saan ba kasi tayo pupunta?" naka-crossed-arms kong sabi.

"Secret." sabay belat.

Parang bata naman 'to.

Tinigil niya ang sasakyan sa isang drive thru. Gutom na ko. Buti naman at naisipan niya ito.

"Oh, the face Ara." mukha kasi akong nalugi sa itsura ko.

I'm hungry, Thomas.

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko.

Kalahating oras na kami bumabiyahe. Ang sakit na ng pwet ko kakaupo.

"We're here." hininto niya ang kotse.

Sumilip naman ako sa bintana. Nandito kami ngayon sa isang park. Hindi ko alam kung anong park ito, basta park siya.

Bigla akong na-excite.

Ang daming mga batang naglalaro. Ang sarap nilang panoorin lalo na yung mga nagtatakbuhan.

"Alam kong gutom ka na." linatag niya yung mat at inayos ang dala naming pagkain.

Umupo ako sa tabi niya. "Why are we here?" sabay subo ng fries.

Bumuntong-hininga siya.

"Ayaw mo ba dito?" na-guilty naman ako. Hindi naman sa ayaw ko dito, nagtataka lang ako.

"Masaya dito." matipid kong sabi.

"Mas gusto ko dito kesa sa mga restaurants. Gusto kong maging simple lang ang first date natin." he winks.

Jusko LORD. Ano bang mabuti kong ginawa at pinagpala mo ako ng ganito?

He said FIRST DATE. OMG I can't.

"Date?" nahihiya kong tanong. Hindi lang talaga ako makapaniwala.

Me and Thomas dating?

"Yes. Akala mo nagbibiro ako lang ako? No I'm not." seryoso niyang sabi.

Napainom naman ako ng softdrinks. Wala akong masabi. Speechless ang lola niyo.

"Alam kong naguguluhan ka pero iba ka sa lahat, Ara. Hindi ka mapagkunyari." napatingin ako sa kanya. He's serious.

"Okay." nagwawala na naman ang puso ko.

Ayaw ko ng ganito. Nakakainis na talaga.

"'Wag kang mag-alala, kung iniisip mong ginagawa kitang rebound. No, matagal na akong nakapagmove on. Ang gusto ko lang ngayon, maging kaibigan ka at makilala ka ng lubusan. Okay lang ba?" ngumiti siya sabay akbay sa 'kin.

Nakagat ko ang aking labi't tumango.

"Liligawan kita. Not now Ara. Soon!" nanlaki naman ang mata ko.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon