-30-

87 3 0
                                    

Thomas' Point of View

Rated SPG: Lenggwahe

Tatlong araw ng nasa ospital si Ara. Ito ang advice sa amin ng doktor. This week na ang due date niya.

Si Mommy Betchay at Daddy Tito ang madalas na nagbabantay sa kanya maghapon dahil may class ako pero pagdating ng gabi ay pinapalitan ko naman sila.

Sa tuwing may natatanggap akong message ay kinakabahan ako. Mas ako pa ang hindi mapakali kesa kay Ara.

Speaking of text messages, nagtext na si Mommy Betch.

From: Mommy Betch

Manganganak na si Ara. Dinala na siya sa Delivery Room.

Saktong katatapos lang ng klase ko. Nagmadali akong nagpunta sa hospital.

Hingal na hingal ako pagkarating. Nasa may hallway ang buong pamilya namin ni Ara.

"How's Ara? Is she okay? Can I go inside?" Sunud-sunod kong tanong. Tinapik ni Papa ang balikat ko.

"Huminahon ka anak. Ayos lang si Ara. Kami ang kinakabahan sa'yo eh. Maupo ka muna!" Hinatak ako paupo ni Mama.

Kainis naman. Ang tagal naman. Gusto ko na makita ang mag-ina ko. Gusto ko na mahawakan at mabuhat ang anak ko.

"Excuse me po. Nakakaabala ho kayo sa mga dumaraan dito. Sobrang dami niyo po kasi. Kung maaari po ay sa Chapel na lang po muna kayo." Pakiusap sa amin ng isang nurse.

Anong sa Chapel? Nanganganak ang girlfriend ko sa loob. Siraulo ba sila.

"I'm sorry Miss. Mabuti pa nga't sa Chapel na lang tayo." Si Papa. Nagsialisan na silang maliban sa akin. "Let's go Thomas!"

"But Pa, ayokong iwan ang mag-ina ko. I'm staying here. Hindi naman po ako manggugulo eh!" Pagmamatigas ko.

Bumuntong hininga si Papa.

"Thomas Christopher!" Mariin niyang tawag sa akin.

"Fine!" Saad ko. Umiiling ako habang sumusunod kay Papa patungo sa Chapel. 

Nasalubong pa namin sina Mika.

"Kumusta si Ara?" Pambungad tanong ni Kim.

"She's still in the DR. Sa Chapel muna tayo!" Sumunod naman sila ng tahimik sa amin.

Halos ma-occupy na namin ang buong chapel. Ang dami naming naghihintay kay Ara.

God, please. Sana safe ang mag-ina ko.

Dahil hindi ako mapakali ay nagpalakad-lakad ako. Hinayaan na lang nila akong gawin yun. Maski sila rin ay hindi mapakali.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon