Isang linggo na ang lumipas mula nang nakasama ko si Thomas sa bahay ng mga Teng. Masasabi kong nag-improved naman kami, I mean everytime na nagkakasalubong kami palagi na niya akong pinapansin unlike before na parang hangin lang ako sa kanya.
"Ara?" napalingon ako sa tumawag ng maganda kong pangalan.
His voice sounds familiar.
"Thomas?" nanlaki naman ang mata ko.
What he's doing here?
Nandito ako sa rooftop ng La Salle. Ito ang favorite place ko, ang sarap ng hangin eh.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Lumapit ito. Nakatingin lang siya sa malayo.
"Wala. Favorite spot ko lang dito." sagot kong nakatingin sa kanya.
May problema ba ito?
"Ah, see. Palagi akong nandito kapag may gumugulo sa isipan ko." nakatingin na rin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya.
Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Ang lakas talaga ng epekto sa akin ng lalaking ito. Titig pa lang yun. Paano na kaya kung nagkadikit ang mga balat namin.
Ang lakas ng kabog ng puso ko. Daig ko pa ang tumakbo. Naiinis na rin ako minsan sa sarili ko. Wala namang ginagawa si Thomas pero natataranta na ako.
"So, what's bothering you?" tanong ko pero hindi siya sumagot.
Wrong question, Ara.
"Okay lang kung ayaw mo sagutin o mapag-usapan." pinilit kong ngumiti. Aatakihin na yata ako sa puso.
I can't breathe. Charot!
He sighed. "It's about my past, about my ex-girlfriend." umiba ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Para bang kinurot.
"After she fool me?" umiling-iling siya. "Magpaparamdam siya ng ganun ganun lang?" naka-kuyom na ang kanyang mga kamay.
Mahal niya pa ba ang kanyang "ex-girlfriend"?
"Anong balak mo?" tanong ko. "Mahal mo pa ba siya?" nagkatinginan kami ulit kami pero umiwas ako ng tingin.
"Matapos niya akong lokohin? Kung may nararamdaman man ako sa kanya, galit yun. Minahal ko siya at pinaglaban sa pamilya ko tapos ganito lang ginawa niya. Dalawang taon niya akong niloko." sinuntok-suntok niya yung pader.
Nagulat ako sa ginawa niya. Nakakatakot siya kapag galit. Parang hindi siya ang Thomas na nakikita kong palaging nakangiti.
"Thomas, tama na." awat ko sa kanya. Natakot ako sa ginawa niya.
Nagdudugo na ang kamay niya dahil sa pagsuntok sa pader. Thomas naman eh. 'Wag mong saktan ang sarili mo.
Humarap siya sa akin at yinakap ako. Yinakap ko rin siya pabalik.
"I'm sorry kung natakot kita." paumnahin niya. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko.
"Ayos lang ako, Thomas." kumalas ako ng pagkakayakap. "Don't hurt your self!" napatingin ako sa kanya. Nawala na ang galit sa mata niya.
Ginulo niya ang buhok ko. "Okay." ngumiti siya.
Shiz. Nasa langit na ba ako? Para akong lumilipad dahil sa ngiti niyang yan.
"Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo basta 'wag mong saktan ang sarili mo. Isigaw mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya." sabi ko.
Lumayo siya ng konti at nagsimula ng sumigaw.
"MANLOLOKO KANG BABAE KA! WALA KANG KWENTA. NAPAKA-KAPAL NG PAGMUMUKHA MONG MAGPAKITA SA AKIN! KUNG INAAKALA MONG MAHAL PA RIN KITA PWES MALI KANG MANLOLOKO KA!" Sumakit ang tenga ko dun pero okay lang kesa naman saktan niya ang kanyang sarili.
Nginitian niya ako't yinakap. "Thanks Ara!" yinakap ko na rin siya. Kota na ako sa kakayakap ni Thomas sa akin.
"Nandito lang ako kung kailangan mo ng makakausap o kaibigan." bulong ko.
Ang sarap yakapin ng Bimby ko. Ang bango pa. Tss! Stop it, Ara.
Ang tanga lang ng babaeng nanloko sa kanya. Feeling ko naman masarap magmahal si Thomas. Ngayon pa nga lang, alam ko ng sweet siya.
"Come with me." bigla niya akong hinatak at ako namang si tanga nagpahatak.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nakakahiya tuloy. Hawak pa ni Thomas ang kamay ko. Oh my gosh!
"Thomas, wait lang!" hinihingal kong sabi. Ang layo kaya ng tinakbo namin. Hindi yun basta-basta, ano?
Huminto naman siya bigla kaya napasubsob ako sa likod niya. Shocks! Ang bango niya talaga.
"Sorry Ara!" tumawa siya. Hinaplos niya ang buhok ko.
"Yung sugat mo gamutin natin." inangat ko naman ang kamay niyang nagdudugo.
Kumunot ang noo niya. "'Wag na. Malayo 'to sa bituka." he chuckled.
Ngumuso ako.
"Don't do that." nakatitig siya sa akin.
'Wag ka ngang ganyan, Thomas. Natutunaw ako eh.
"Pinagsasabi mo?" pagtataka ko. Wala naman akong ginagawa.
"'Wag kang ngumuso baka mahalikan kita ng wala sa oras." nanlaki naman ang mata ko.
Pakshet! Eh kung ngumuso na lang ako palagi para mahalikan mo ako?
Landi mo, Victonara.
"Ewan ko sa'yo. Gamutin na natin yang sugat mo." ako naman ngayon ang humatak sa kanya papuntang dorm.
Ayokong makita niyang namumula ang pisngi ko. Pinipigilan kong ngumiti. Kinikilig ako.
"Umupo ka lang muna dyan. Kukuha lang ako ng gamot." paalam ko.
Pumanhik ako sa kwarto. Tumalon ako sa aking kama at gumulung-gulong habang naka-ngiti.
Si Thomas ang salarin kung bakit ako nagkakaganito. Grabe magpakilig ang lalaking yun.
Inayos ko muna ang sarili ko at kinuha ang mga gamot. Betadine lang naman at bulak ang kinuha ko natagalan pa ako dahil sa kaharutan ko.
"Ang tagal mo ah." naka-ngiti niyang sabi.
"Hinanap ko lang yung betadine." sabay kamot sa ulo.
Tumango naman siya.
Matapos kong gamutin ang sugat niya bigla na naman niya akong hinatak.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Kinakabahan tuloy ako. Baka itapon niya ako sa dagat. Oh no!
"Hep hep, saan mo dadalhin si Ara?" muntik na akong mapatalon. Grabe kung manggulat ang negra.
Nagkibit-balikat lang ako.
"May date kami." nanlaki naman ang mata ko.
Magdi-date kami ni Thomas? Totoo ba ang narinig ng dalawa kong tenga.
"Talandi ka, Ara. Hindi ka man lang nagkwento na hdsshaasssshgd" tinakpan ko ang bibig ni Kim. Baka kung ano pa ang masabi niya eh.
Bumaling ako kay Thomas na naka-ngiti.
"Anong ngiti yan, Bimby?" napatakip naman ako ng bibig.
Nasabi ko talaga yung, Bimby?
Napatakip ako ng mukha. Nakakahiya ka, Ara.
Lamunin na ako ng lupa. Sigurado akong pulang-pula na ang pisngi ko.
"Mauna na kami, Kim. May date pa kami ni Ara." paalam ni Thomas. Naiwan naman si Kim na nakangiti.
Lagot ako mamayang pag-uwi. Sigurado ipagkakalat ni Kim ang nalaman niya, hindi lang sa buong dorm. Hanggang sa UST at Ateneo aabot ang tsismis na ito. Knowing Kim Fajardo?
I'm DEAD!
