-27-

98 4 0
                                    

Ara's Point of View

Nasasanay na ako na gumigising ng sumusuka. Wala na si Thomas sa tabi ko. Magpapacheck up kami mamaya. Mag-aapat na linggo na ang baby namin. Hindi ko mapigilang ngumiti habang hinahaplos ang tiyan ko.

Dumiretso na ako sa pagligo para makakain na rin ng almsual.

Ate Kimmy calling ......

"Good morning. Napatawag ka?" Bungad ko sa kanya.

"Game namin mamaya. Nood ka. Na kay Thomas na yung tickets."

"Pumayag siya? Magpapacheck up kami later eh."

"Oo. Sabi nga niya, buti raw at binigyan ko siya ng ticket."

"Okay. See you later. Goodluck sa game niyo."

"Sige. Bye!"

Nakakamiss maglaro pero hindi ko pinagsisihang nabuntis ako. Blessing kaya ang baby.

Alas kwatro pa ang game nila kaya paniguradong makakaabot kami ni Thomas.

"How are you, my princess?" Salubong sa akin ni Thomas pagdating niya ng condo.

"Mabuti naman kahit bagot ako." Hinila ko siya sa may kusina. "Kain na tayo. Pakitawag na lang si Mommy sa room niya. Maghahain lang ako." Sinunod niya naman ako. Akala ko hindi niya na naman akong pakikilusin.

Sinigang na baboy ang ulam namin. Yun ang request ko kay Mommy. Palagi niya akong tinatanong kung anong gusto kong kainin. Spoiled nga ako sa kanya eh pero ang sabi niya, ngayon lang daw dahil buntis ako.

"Diretso nga pala kami later sa game nila Kim, Mommy!" Muntik na akong mabulunan. Anong tawag ni Thomas kay Mommy? "Dahan-dahan lang, princess. Hindi ka mauubusan." Inasar niya pa talaga ako.

"You called my Mom Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Jusko, anong gusto mong itawag sa akin ni Thomas? Betchay lang?!" Tinaasan ako ng kilay ni Mommy.

"Hindi naman po. Nagulat lang naman ako eh!" Hindi na ako nagsalita. Nakinig na lang ako sa pinag-uusapan nila.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para makapagbihis na.

Shorts at tshirt ang suot ko. Sa ganitong ayos ako komportable. Kumunot ang noo ko sa suot ni Thomas. Seryoso siya?

"Bakit mo ako ginagaya?" Tinignan ko siya from head to foot. Mas mahaba nga lang yung shorts niya.

"I don't know we'll wear the same." Nakatawa niyang sabi. "We look cute, my princess. Come here!" Hinatak niya ako palapit sa kanya. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang phone niya saka kami nagselfie.

Nagpaalam muna kami kay Mommy bago umalis.

"Miss Galang, normal na ang lahat sa'yo pero 3-4 months mo pang mararanasan ang morning sickness." Natuwa naman ako sa sinabi ng doctor.

Swabe ang daloy ng trapiko ngayon kaya mabilis kaming nakarating ng San Juan.

Nahirapan pa kaming makapasok dahil panay ang papicture ng mga nasasalubong namin. Mabuti na lang at may dumating na bouncer para ihatid kami sa aming upuan.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon