Ara's Point of View
Pagkauwi namin ni Thomas ay naroon si Mika at Kim. Kumakain sila habang tutok na tutok sa television. Hindi man lang napansin ang pagdating namin.
"HOY!" Sigaw ko sabay talon sa sofa. "Anong ginagawa niyo rito?" Pupulot sana ako sa chichirya na kinakain nila pero agad na nilayo ni Mika.
"Ara, don't jump. Baka kung anong mangyari sa baby natin. Magbibihis lang ako." Mabilis na naglakad si Thomas papasok sa kwarto namin.
Tumawa ang dalawa kong kaibigan.
"Ang oa ha! Dugo pa lang naman yang nariyan sa tiyan mo." Saad ni Mika na um-apir pa kay Ate Kim.
Sasabat sana ako kaya lang lumapit si Mommy sa akin sabay kurot sa tagiliran ko.
"Sa susunod na aalis ka, magpaalam ka. Pinag-alala mo ako bata ka. Tinatawagan ko ang phone mo, naiwan mo naman sa kwarto niyo." Sige pa rin sa pagkurot sa akin si Mommy. Panay naman ang iwas ko sa kanya.
"Sorry na, Mom. Binigay ko lang naman yung phone ni Thom dahil naiwan niya." Saad ko. Yun naman talaga ang totoo. Hindi ko pwede sabihing inaway ko si Bea. Mas lalo siyang magagalit sa akin.
"Naku. Patay na patay ka lang dyan sa syota mo. Maiwan ko na muna kayo. Magluluto pa ako." Nagmartasa pabalik si Mommy patungo sa kitchen.
Umirap ako sa likod ni Mommy. Anong patay na patay? Paano kaya kung sa kanya nangyari yun? Yung may malanding magtetext kay Daddy. Ewan ko lang maging reaksyon niya. Baka mas masahol pa yung gawin niya sa ginawa ko sa espasol na yun.
Nagulat ako sa biglaang paghalik sa pisngi ko. Si Thomas. Bagong ligo at nakabihis pamasok na. Humahalimuyak ang manly perfume niya. Ang bango ng Bimby ko.
"I have to go na, my princess. I have class pa eh." Ngumuso ako. "I'll go home before lunch, okay?" Tumango ako.
Pumunta siya sa kitchen para magpaalam kay Mommy saka siya bumalik sa amin. Tinanguan niya sina Mika. Hinalikan niya ulit ang pisngi atsaka noo ko.
"Baka maiwan mo na naman yung phone mo ha!" Paalala ko sa kanya. Baka may magtext na naman at mapasugod ulit ako.
Inangat niya ang kanya phone at ngumiti.
"Don't worry dala ko. Bibili ako ng new sim card. I'll text you later. Okay?" Nagthumbs up ako sa kanya. Kumaway muna siya bago tuluyang lumabas.
Kinulit ako ng dalwa kong kaibigan kung bakit bibili ng bagong sim card si Thomas. Niyaya ko muna silang pumunta sa kwarto. Baka marinig pa ni Mommy, lagot ako. Kinuwento ko ang nangyari. Walang labis, walang kulang. Buong-buo. Tawa sila ng tawa matapos ko magkwento. Hindi raw sila makapaniwala na nagawa ko yun. Pinagbabato ko sila ng unan.
"Pwede ka ba mamaya, Ara?" Biglaang tanong ni Ate Kim.
"Anong meron?" Si Mika ang nagtanong. Intrimitida talaga. Parang siya ang tinanong.
"Binigyan ako ni Achi Almira ng ticket for Mega Fashion Week. Tatlo yun, syempre yung isa saken tas yung isa kay Mika. Sa'yo sana yung isa kung pwede ka."