Ara's Point of View
Hindi ako nakatulog kagabi. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ako makahinga. Hinihintay namin si Coach Ayo at Coach Ramil. Ngayon namin sasabihin ang tungkol sa sitwasyon ko. Biglang bumukas ang pinto ng office at niluwa 'nun ang aming coaches. Napatayo kami ni Thomas at binati sila.
"Maupo kayo" Tinuro ni Coach Ayo ang kinauupuan naming sofa. "Ano ang importante niyong sasabihin?" Nagkatinginan kami ni Thomas. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
Huminga ng malalim si Thomas. "It's about Ara's health" Tumingin silang lahat sa akin, mas lalo akong kinabahan. "She's 3 weeks pregnant po!" Napayuko ako. I'm starting to cry again. Hinagod ni Thomas ang likod ko.
Tumikhim si Coach Ramil."I'm so disappointed to the both of you!" Umiling siya. "Pero hanga ako sa inyo. Maigi ng sinabi niyo ng maaga baka kung ano pa ang nangyari sa'yo, Ara, lalo na sa magiging anak niyo" Tinapik ni Coach ang balikat ni Coach Ayo. "Anong masasabi mo, Aldin?"
"Well, wala na tayong magagawa Ramil. Gaya ng sabi mo, baka kung ano pa ang mangyari kay Ara at sa magiging anak nila kung paglalaruin pa natin siya. May balak ka pa bang maglaro, Thomas?" Tumingin ako sa kanya. It's his last playing year, hindi pwedeng hindi niya gamitin yun dahil lang sa pagbubuntis ko.
"Yes po. Maglalaro pa rin po si Thomas!" Ako ang sumagot sa tanong ni Coach Ayo. "Hindi ako papayag na hindi siya maglalaro lalo na't last playing year niya na" Nginitian ko si Thomas, sinuklian niya naman ako ng halik sa noo.
Para akong nabunutan ng tinik matapos naming mag-usap. Huminga rin ako ng tawad sa F2 Logistics dahil sa sitwasyon ko. Naiintindihan nila ako atsaka blessing sa akin ang baby ko.
Nagskip ng game si Thomas. Uuwi kami ng Pampanga para sabihin sa parents ko ang sitwasyon.
Kinusot ko ang aking mata. Narito na ako sa kwarto ko. Ganun ba kasarap ang tulog ko't hindi ko man lang namalayang binuhat ako?
Dahan-dahan akong bumangon. Nasa may gilid ko si Thomas, pinapanood ako.
"Anong oras tayo nakarating?" Tanong ko habang humihikab-hikab pa. Sinipat niya ang kanyang relo.
"One hour ago, my princess" He opened his arms, yumakap ako sa kanya. "Hindi na kita ginising. Ang sarap ng tulog mo and I know you're tired" Hinalikan niya ang buhok ko. I really feel safe to his arms.
Niyaya ko siyang bumababa na. Nagugutom na ako. May nakahanda ng meryenda sa mesa. Mabilis akong umupo roon at kumain. Narinig kong bumusina ang kotse ni Daddy. Lumabas ang kasambahay namin at pinagbuksan sila ng gate. Sinalubong ko naman sila ng yakap.
Mapanuri ang mata ni Mommy. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nabuhay na naman ang nerbiyos ko.
"Nananaba ka yata, anak!" Hinagod niya uli ako ng tingin. Nagtagal ang mata niya sa tiyan ko. Tatlong linggo pa lang akong buntis, hindi pa halatang buntis ako. Tipid lang akong ngumiti sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/82260447-288-k692534.jpg)