Ara's Point of View
Sa wakas natapos na rin ang klase ko. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko eh. Makakain na nga muna.
"Hi Ara. Sabay na tayo maglunch" nanlaki ang mata ko. Grabehan talaga. "Oh bat parang nakakita ka ng multo" ikaw ba naman ang biglang sumulpot dyan sinong hindi magugulat, aber?
"Ysay? Anong ginagawa mo dito?" nakita ko namang lumungkot ang mukha niya. Guilty naman ako dun. "I mean, anong masamang hangin at naisipan mo pumunta dito?"
"Tss. Dindalaw lang naman kita. Masama ba yun?" aba ang lalaki, biglang nagpout.
"Wala naman ako sa hospital no? May padalaw-dalaw ka pang nalalaman dyan" ginulo niya ang buhok ko. Parang si Kuya naman ito. Hinatak ko siya papuntang cafeteria kasi nga kanina pa ko nagugutom.
Nakatingin sa amin yung ibang estudyante. Ikaw ba naman may kasamang Atenista diba? Childhood friend ko si Ysay since birth. Ang saya diba? Kasi kahit rivals yung University na pinapasukan naman hindi pa rin nawawala yung friendship namin. Hindi naman porket rivals ang school namin, magkaaway na rin kami.
"Matutunaw na ako sa mga titig nila" natawa ako sa sinabi ni Ysay. Totoo naman kasi. Yan kasi ang napapala niya. Pwede namang niya akong itext para magkita somewhere. Pinuntahan niya pa talaga ako dito.
"Dyan ka na muna. Order lang ako" nagwacky face ako sa kanya bago umalis. Trip ko lang eh. Bakit ba?
Buti na lang hindi mapili si Ysay sa pagkain. Kahit mayaman sila, kumakain yan ng kahit na ano basta walang lason. Matakaw yan eh. Dun kami nagkasundo. Pareho kaming mahilig kumain.
"Kaya mo pa ba?" nakakatawa yung mukha niya eh. Ang cute. Sarap pisilin ng pisngi niya.
"Kaya ko pa naman. Nakakahinga pa rin ako" agad niyang nilantakan yung in-order kong food. Nagpunta lang yata siya dito para magpalibre sa akin eh. Kuripot.
"So, bat ka nga pumunta dito?" imposible namang gusto niya lang akong puntahan dito. "I know you, Ysay. May problema ka ba or what? Hindi ka mag-aaksya ng gas para pumunta dito ng wala lang" tinaasan ko siya ng kilay. Well, kung may nakakakilala kay Ysay ng lubusan, ako yun.
"Oo na" napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Ikakasal na si ate. Gusto kong sabihin sa'yong gusto ka niya kuning maid of honor" oh my. Close kami ng ate niya. Kaya lang mula nang magcollege ako hindi na kami masyadong nakakapag-usap dahil bukod sa pag-aaral busy din ako sa training.
"OH MY GOSH! REALLY YSAY?" napasigaw ako sa sobrang saya. Ganito naman talaga ako. "I'm so happy for her" niyugyog ko yung dalawang braso niya. Excited na akong makita si ate at makausap. Sabi ko na nga ba sila ang magkakatuluyan.
Kami kaya ni Thomas. Kailan?
Ano ba 'tong iniisip ko? Hindi pa nga siya nanliligaw sa akin kasal na agad nasa isip ko.
"Ang cute mooo" pinisil niya ang pisngi ko. "Bat ka nagba-blush ha?" si Thomas kasi eh. Kasi naman eh kung anu-anong pinag-iisip ko. Pag si Thomas talaga ang pinag-uusapan hindi ko mapigilang hindi magblush.
Napangiti na naman ako. Magsasalita na sana ako pero nakita ko si Thomas kasama sina Jeron at Kib sa likuran ni Ysay. Nanlaki ang mata ko. Yung tipong lalabas na yung eyeballs. Joke lang. Napanganga na rin ako. Nasa pisngi ko pa rin yung kamay ni Ysay.
"Oh bakit?" tanong ni Ysay. Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa likuran niya.
Napatingin na rin siya sa likod niya. Inalis niya na rin ang pagkakakurot sa pisngi ko. Ang sakit kaya nun.
![](https://img.wattpad.com/cover/82260447-288-k692534.jpg)