RATED SPG!!!
Ara's Point of View
Graduation Day!
Sa condo ni Kuya kami ng parents ko tumuloy kagabi. Talagang pinaghandaan nila ang araw na ito. Mula sa isusuot kong dress, stilletos at naghire pa sila ng make up artist ko. Pagkaligo ko ay lumabas na ako agad ng kwarto. Naroon na ang make up artist.
"Good morning, Miss Ara!" Nakangiti niyang bati sa akin at bumeso.
"Good morning po" Ngiti ko sa kanya. "Magsisimula na ba tayo?" Nakahanda na sa sala ang mga gamit niya.
"Kumain ka na muna, Miss" Tumango ako. Niyaya ko rin siyang mag-almusal pero tumanggi siya.
Mabilis akong kumain ng almusal. Kinuha ko muna ang phone ko bago lumapit sa make up artist. Ang daming kong messages pero yung kay Thomas ang inuna kong basahin.
From: Bimby Ko
Good morning, my princess. Congratulations. I'm so proud of you, Ara. I'm sorry I can't attend to your graduation dahil may game kami. But don't worry pupunta ako sa party mo. I love you.
Napangiti ako sa text niya. Nagtipa agad ako ng reply.
To: My Prince
Thank you so much, Thomas. See you later. I love you too.
Inuna 'nung bakla yung mukha ko. Pinanood ko lang siya sa salamin habang naglalagay ng make up sa pagmumukha ko. Panay naman ang kuha ng pictures ni Mommy sa akin. Sinunod niya ang buhok ko. Dahil maiksi ang buhok ko, nilagyan niya ako ng hair extensions. Magaling yung bakla. Mabilis kami natapos.
"Magbihis ka na, Ara!" Si Mommy. Nakabihis na silang lahat. Ako na lang ang hindi.
Off-shoulder dress na itim ang suot ko at stilletos na itim din. Mga 4 inches siguro ang heels nito. Tumangkad ako lalo. Kinuha ko agad ang toga ko at nilagay sa kanang braso ko. Nagpicture pa ulit kami bago tumungo sa PICC. Nakita ko agad si Carol pagkarating namin. Puro pagseselfie ang ginawa namin hanggang sa nagsimula na ang ceremony na tumagal ng limang oras.
Kinagabihan, sinundo ako ni Thomas sa condo ni Kuya. Katatapos lang ng game nila syempre panalo ulit sila. Hindi ako nakapanood ng game dahil may munting salu-salo rito, kailangang asikasuhin ang mga bisita lalo na't galing pa sila ng Pampanga. Si Kuya na lang ang naiwan rito sa condo. Ewan ko ba, madalas na siya rito sa Manila. May importante raw siyang aasikasuhin kaya hindi siya makakasama sa party ko ngayong gabi. Sa isang bar yun gaganapin. Sila Mommy ang nag-organize 'nun.
"Kuya, aalis na kami!" Paalam namin ni Thomas kay Kuya.
"Okay, ingat kayo!" Nagfistbump sila ni Thomas bago kami umalis.
Nakaakbay sa akin si Thomas habang papunta kami ng parking lot.
"Congratulations, my princess" Umakyat ang kamay niya sa baba ko. "I've seen your pictures. You're so beautiful, Ara!" Linapit niya ang kanyang mukha at dinampian ng halik ang labi ko.
Medyo natagalan kami bago makarating ng bar dahil sa traffic. Naroon na lahat ng friends ko. Sinalubong nila ako ng kanilang mga bati. Sa isang private room kami para iwas gulo.
"Congrats Ara!" Nakangiting bati ni Jeron. Nakaakbay siya kay Mika. Pansin kong parang pumayat si Jeron. Hindi na rin siya ganun kasigla tulad ng dati.
![](https://img.wattpad.com/cover/82260447-288-k692534.jpg)