@AraGalangLovers OMG! Spotted dating. @VSGalang @iamthomastorres #ThomAra *insert pic. of Ara&Thomas*
Saan nila ito nakuha? Grabe talaga ang mga ThomAra fans. Sinundan talaga kami? Paano na ang aming privacy? Char.
"Bet na bet!" asar ni Mika. Sabay sapak sa 'kin.
Ang sakit 'nun ah.
"Makasapak ka naman dyan. Pasalamat ka good mood ako." binato ko siya ng unan sabay tawa.
Hindi ko maitago ang kasiyahan ko. Kaya lang nakakahiya yun. Friends lang kami ni Thomas.
Oo, sinabi niyang manliligaw siya pero not now. Hindi pa nga yun masyado nagsi-sink sa akin eh.
"May lovelife na si Ara." pang-aasar ni Kim sabay sabunot.
Ang brutal talaga nila, ano?
"Friends lang kami ni Thomas." sabi ko sabay suklay sa buhok ko gamit ang kamay.
Humagalpak naman ng tawa yung dalawa. Parang mga tanga lang eh.
Anong nakakatawa sa sinabi ko? Aber.
"Friends lang? Eh bakit ka niya hinalikan?" tinaasan ako ng kilay ni Kim. Taray ni ateng.
"Talaga ba? Yung yakap lang ang alam ko eh." sabat naman ni Mika.
Inirapan ko silang dalawa.
"Hoy, yung kwento mo." naalala pa talaga ni Kim yun.
Kinuwento ko naman ang lahat sa kanila. Wala silang ginawa kundi sumigaw at asarin ako.
*toktoktok
"Ate Ara! Ate Ara! Ate Ara!"
Agad namang binuksan ni Mika ang pinto. Anong kayang nangyari? Bakit ako lang tinatawag nila? May emergency ba?
"Anong problema niyo girls?" tanong ni Kim.
Lumapit naman sa akin si Kianna at pinakita ang phone niya.
"Ate Ara, 8th spot trending ang ThomAra." nanlaki naman ang mata ko.
Paano nangyari yun?
"Ang daming ThomAra fans ang nagwawala ngayon sa twitter." singit naman ni Dawn.
"Padami na rin ng padami ang fan pages niyo. Hindi lang sa Twitter maski sa Facebook." nakangiting sabi ni Desiree.
Patay ako nito. Nakakakahiya! May class pa man din ako bukas. Ayoko ng ganitong issue.
"Artista lang ang peg niyo ni Thomas ah. Lakas maka-JaDine. Taray!" biro ni Kim.
Nagtawanan naman kaming lahat. Meron ding sa part kong gusto ang nangyari. Shiz. Kinikilig na naman ako.
"Kayo ba ni Thomas?" bungad sa 'kin ng classmate ko.
Kararating ko pa lang yun agad ang tinanong. Chismosa!
"Hindi. Friends lang kami ni Thomas." tanggi ko. Eh sa totoo namang friends lang kami.
Sana nga kami na lang. Ang landi. Chosera!
"Di nga?" ay ate. Edi wag kang maniwala. Buset naman oh.
"Oo nga. Ano ka ba?" sabay palo ko ng mahina sa braso niya.
"Pero bagay kayo. From now on ThomAra shipper na ako. Gumawa nga ako ng fan account ko sa twitter eh. Yie!" sabay yugyog niya sa braso ko.
What? Napa-facepalm na lang ako. Seryoso? Kinikilig talaga sila sa amin ni Thomas. Kung sabagay, ako nga kinikilig sila pa kaya?
"THOMARA THOMARA THOMARA THOMARA THOMARA!" sigaw ng Archers sa gym.
What is the meaning of this?
"Taray, dami niyong fans ah." siko ni Mika sa akin.
Nasa labas kami ng gym. Training na kaya namin. Pati ba naman ang Archers ThomAra shippers na rin?
"Tara na sa loob. Tapos na yata ang training nila." yaya ni Kim.
Nahihiya akong pumasok.
"Halika na Ara." hinatak ako ni Mika. Nakayuko lang ako.
Sana hindi nila ako makita pero imposibleng mangyari yun. Ano ba itong napasukan ko?
"Oh Thomas, nandito na si Ara mo." sigaw ni Kib.
Pulang-pula na ang mukha ko. Shit! Gusto ko ng umalis dito ngayon din. Hiyang-hiya na ako.
"THOMARA THOMARA THOMARA THOMARA"
Lalong lumakas ang hiyawan nila. Maski ang mga teammates ko nakisali na rin. Mga taksil kayo!
Nakita kong namumula si Thomas. Dahil yun sa hiya siguro.
Sigurado alam na ito ni Coach Ramil.
"Don't mind them." napatalon ako sa gulat. Nasa likod ko na pala si Thomas ng hindi ko namamalayan.
Tumango ako.
Nahihiya akong tumingin sa kanya. Kumakabog na naman ang puso ko. Bigla na naman akong nataranta. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Ganito na ba katindi pagkagusto ko kay Thomas. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Bakit ba hindi ako mapakali sa tuwing nandito siya sa tabi ko? Gulung-gulo na rin ako. Nababaliw na yata ako. Baliw na ako sa'yo Thomas Torres.
"Anong kaguluhan ito?" natahimik silang lahat sa presensya ni Coach Ramil. "Mukhang nagkakasiyahan kayo ah!"
Tinuro nila kaming dal'wa ni Thomas. Anak ng tokwa naman. Ipapahamak pa talaga ako.
"Anong meron Ara?" tanong ni Coach.
Napa-nganga lang ako. Anong sasabihin ko kay Coach?
"Natutuwa lang po sila sa amin ni Ara. Bagay daw po kami eh." sagot ni Thomas.
Sa dami ng pwede niyang sabihin, yun pa talaga? Umiling-iling naman si Coach pero nakangiti siya.
"Mga kabataan nga naman. Ano pang ginagawa niyo dito boys?" paalisin mo na sila Coach.
Nagsi-alisan na rin ang Archers, natakot yata kay Coach. Pero natuliro naman ako sa sinabi at ginawa ni Thomas.
"See you later, Ara. I'll pick you up. Bye!" sabay halik sa buhok ko at tumakbo na palabas ng gym.
Oh no. Sobrang pula na ng pisngi ko. Pati si Coach nanunukso na rin.
What the?
Thomas, anong ginagawa mo sa akin? Palagi mo na lang ako pinapakilig.
What he's doing?
Akala ko ba hindi pa niya ko liligawan? Akala ko ba friends lang muna kami? Pero bakit ganito ang ginagawa niya?
Hindi tugma ang mga salita sa mga kinikilos niya. Ayokong mahulog sa kanya ng ganun kabilis pero sa ginagawa niya mukhang hulog na ako sa kanya.
What have you done Thomas Christopher Bulado Torres?
Mahal ko na ba siya?