Ara's Point of View
"Hoy Ara, bumangon ka na dyan. May bisita ka sa baba" sigawan ba naman ako sa tapat ng tenga ko. Ang sakit grabe.
"5 minutes pa please" tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Ang aga pa naman kasi. Mamaya pa yung klase ko.
Buti na lang hindi na nila ako kinulit. Antok na antok pa rin talaga ako eh. Bahala na sila dyan. Baka si Bang na naman yung bisita na sinasabi nila. Hindi nga pala bisita yun, bwisita pala.
"HOY VICTONARA! KANINA PA KITA HINIHINTAY SA BABA. TULOG MANTIKA KA TALAGANG BATA KA" halos mapatalon ako sa sobrang gulat. Napabangon ako bigla, medyo nahilo pa nga ako.
"Kuya Djun?" sinimangutan ako ni Kuya. "Anong ginagawa mo dito?"
Biglang nawala yung antok ko. Linapitan ko siya't niyakap. Ano namang ginagawa niya dito?
"Kung makayakap ka parang nakaligo ka na" reklamo ni Kuya. If I know, namiss niya talaga ako at gusto niya ring yinakap ko siya. "Bumaba ka na para makakain ka na ng breakfast"
Napa-pout na lang ako.
"Kadiri Victonara" aba namumuro na si Kuya sa pambubully sa akin. Pasalamat siya wala ako sa mood ngayon.
Makaligo na nga muna baka kung ano pang reklamo ang marinig ko kay Kuya. Gutom na rin naman ako. Aking mahal na breakfast hintayin mo ako.
"Parang fiesta ha. Bat ang dami mo namang dalang pagkain Kuya?" heaven ang feeling kapag ganitong napakadaming pagkain akong nakikita.
"Alam ko kasing matakaw ka kaya marami akong dinala" nagsisimula na naman ang magaling kong Kuya.
Tinawanan lang ako ng mga teammates ko.
"Ewan ko sa'yo Kuya" nagsimula na akong kumain. "Ano nga palang ipinunta mo dito sa Manila?" tanong ko ulit.
"Dadaanan ko si Tita Vicky. May pinabibigay si Mommy eh" tumango-tango na lamang ako. "Sakto namang wala akong klase" si Tita Vicky nga pala, kapatid ni Mommy. Miss ko na nga siya eh. Ang tagal ko na din siyang hindi nakikita.
"Ikumusta mo na lang ako sa kanya" tumango si Kuya. Puro na lang kami tanguan eh no?
Musta na kaya talaga si Tita Vicky? Last time na nakita ko siya, 5 yrs.old pa lang ako. Hindi ko na nga masyasdong maalala yung itsura niya kasi napakabata ko pa 'nun.
"Good morning girls. Good morning Ara!" that voice. Hala, bat ngayon niya pa naisipang pumunta dito? Nandito si Kuya eh.
Lumingon silang lahat dun sa sumigaw. Ako? Heto kumakain pa rin. Bahala na si batman kung anong mangyayari.
"Ehem" si Kuya. Nagulat si Thomas kay Kuya. Kilala niya kaya ang magaling kong kuya? Kasi si Kuya kilala niya si Thomas.
"Huh? May bisita pala kayo" napakamot ng ulo si Thomas. "Hi Ara" tumabi siya sa akin sabay akbay. Yung puso ko nagwawala na naman.
"H-hi Thomas" nauutal kong sabi. Si Kuya kasi ang sama ng tingin sa akin. "Si Kuya Djun nga pala" sabay turo kay Kuya.
Ang sama din ng tingin niya kay Thomas. "Oh Torres! Hindi mo man lang ba ko papansinin. Nako Ara, busted-in mo na 'to"
Ano daw?
"KUYAAAAA! Hindi siya nanliligaw sa akin" napalo ko siya ng malakas sa braso niya. Kaasar naman kasi siya eh. Hindi naman talaga siya nanliligaw sa akin.
"Soon pa lang Kuya Djun" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Thomas. Napangisi si Kuya sa akin. Anong binabalak niya?
"Torres, bago ka manligaw kay Ara kailangan mo munang dumaan sa akin. Maliwanag ba?"maangas na sabi ni Kuya. Napalunok si Thomas. Hala, natakot ata siya kay Kuya. Baka hindi na niya ko ligawan. Nooooo! Charot.
"KUYA" sigaw ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Handa po ako sa kung anong pagsubok ang ipagawa niyo sa akin. Seryoso po ako kay Ara at ngayon desidido na akong ligawan siya" napanganga ako sa sinabi ni Thomas. Kinkilig ako kainis.
"Tignan natin. Sige, mauuna na ko" ginulo ni Kuya ang buhok ko. "Mag-iingat ka palagi Ara, okay?" nginitian niya ko.
"Hatid na kita sa labas Kuya" naks naman. May dala pala siyang sasakyan. Ang taray ni Kuya. "Ingat sa pagda-drive Kuya" kinawayan ko siya habang paalis yung kotse niya.
Naalala ko yung sinabi ni Thomas. Liligawan na niya ako? Eh kese nemen eh. Ang kinakatakot ko lang naman, baka kung anu-anong gawin ni Kuya. Napaka-protective kasi nun eh. Kung sabagay, ayaw niya siguro masaktan ulit ako tulad ng ginawa sa akin ni nevermind na lang. Ayokong masira ang araw ko.
"Ang lalim ng iniisip mo ah" anak ng pating naman talaga. Kanina pa ako nagugulat ah.
"Sige manggulat ka, Thomas" napairap ako sa kanya pero syempre kunyari lang.
Linapitan niya ako't inakbayan na naman. Grabe talaga siya, hilig mang-akbay ha. Para tuloy akong nakukuryente. Ibang klase ka talaga Thomas.
"Ang cute mo" pinisil niya ang pisngi ko. "Wag ka ngang umirap dyan" binalik niya na naman ang kamay niya sa balikat ko.
"Masakit ha" mga bes. Nakukuryente talaga ako. "Tara na nga sa loob. Kakain uli ako" tumawa siya. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
Pumasok kami sa loob na nakaakbay siya sa akin. Sana ganito na lang kami forever. Charing! Ang sarap lang kasi sa feeling. Sobrang komportable ko sa kanya at feeling ko lagi akong safe sa kanya.
"Ang lalandi"
"Umagang-umaga"
"Umalis lang si Kuya Djun may ganyang eksena na"
"Uwian na. May nanalo na"
"Ginalingan din eh"
Ayan, tuloy-tuloy lang ang pang-aasar nila sa amin. Hay nako, bahala nga sila.
"Hoy kumain ka na" nahiya naman ako. Ako kumakain samantalang siya nakatanga lang sa akin. Inabutan ko siya ng plato. Buti na lang napilit ko siyang kumain.
Nice one, Victonara.
Third Person's Point of View
*dingdong dingdong
Lumabas ang katulong mula sa isang malaking bahay. "Sino pong kailangan nila, Ser?"
"Nandyan ba si Tita Vicky?" naiinip na tanong ni Djun. Hindi siya komportable na pumunta dito. "Sabihin mo sa kanya nandito si Djun Salas Galang" diniinan niya ang kanyang pangalan.
Agad namang pumasok ang katulong at paglabas nito pinapasok na siya nito.
"Djun, what's bring you here?" mataray na sabi ni Vicky. "Wag mo akong pag-antayin. Marami akong ginagawa"
"Tita Vicky, where's Vic?" galit ang boses ni Djun. "Tell me, where's my sister?" nakakuyom ang kanyang kamay. Kahit naman malaki ang kasalanan ng kanyang tiyahin, dapat niya pa rin itong irespeto.
Tumawa ng sarkastiko ang babae. "Wala sa akin si Victonara" matipid niyang sagot at tinapik ang balikat ni Djun. "At wala akong pakialalam sa kanya"
"Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Pwede ba Tita, ibalik niyo na siya sa amin? Ayoko ng magsinungaling pa kay Ara. Please, sabihin mo na kung nasaan siya" hinawakan niya ang balikat ng kanyang tiyahin.
"Kahit naman sabihin ko sa'yo kung nasaan siya, hindi rin naman siya babalik sa inyo" ngumisi ito. "Galit sa inyo si Vic kaya pwede ba, 'wag na kayong mag-aksaya pa ng oras" sinenyasan niya ang katulong para paalisin na si Djun. "Ako na ang pamilya niya ngayon at hindi kayo. Umalis ka na at 'wag na 'wag ka na bumalik pa dito" agad umalis si Vicky at walang nagawa si Djun kundi umalis na lamang.
Hindi pa rin titigil si Djun hanggang hindi niya nababawi ang kanyang kapatid. Ayaw na niyang patagalin pa ang pagsisinungaling dahil alam niyang masasaktan ito.
Simula nang kunin ng kanyang tiyahin ang kapatid niya, walang araw na hindi niya ito inisip. Pinangako niya sa kanyang sarili na habang nabubuhay pa siya hindi siya titigil sa paghahanap sa nawawalang kapatid. Lahat gagawin niya mabuo lang ang pamilya nila.
