Ara's Point of View
"Ano ba ang iniiyak-iyak mo, Victonara? Naririndi na ako sa'yo ha!" Pabagsak na humiga si Mika sa kama niya. "Nakita mo ba ang itsura ni Thomas?" Umiling pa siya at hinilot ang kanyang sintido.
"Kailan ka pa natutong mag-inarte?" Si Ate Kim. Nawawalan na rin siya ng pasensya.
Hindi ko sila sinagot. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa napagod ako't nakatulog. Shocks, tanghali ako nakatulog kahapon tapos umaga na ako nagising. Nahihilo ako at agad na tumakbo sa CR para magsuka. Ano bang nagyayari sa akin? Mga isang linggo na akong ganito tuwing umaga. Madalas rin akong magcrave. Ayaw na ayaw kong makita si Ate Kimmy, nanggigil ako sa kanya atsaka si baby Kib, miss ko na siya. Miss ko na ang kacute-an niya. Isang linggo na rin kaming hindi nakakapag-usap ni Thomas, miss ko na siya. Kapag kinakausap niya ako palagi ko siyang inaaway. Wala kaming training ngayon, aalis kami nina Mika. Magpapacheck up ako. Nahihirapan na kasi ako. Wala naman sana akong sakit.
"You're 3 weeks pregnant, Miss Galang!" Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. "Normal lang yan sa nagdadalang-tao" Hindi ako makapaniwala. Nasapo ko ang aking noo.
Bago kami umuwi ay bumili ako ng Pregnancy Test. Hindi talaga ako makapaniwalang buntis ako. Nagsearch din ako ng sintomas ng isang buntis. Nagtutugma yun sa mga nararamdaman ko tuwing umaga. Kinabukasan, ni-try kong magP.T. Nakaabang ang dalawa kong kaibigan sa akin pagkalabas ko ng CR. Inabot ko agad yun sa kanila.
"POSITIVE?!" Sabay nilang sigaw. Tumango ako.
Hindi na ako makakapaglaro pa ng volleyball. Paano ako magiging ina? 21 yrs. old lang ako. Paano ko ito sasabihin sa pamilya ko? Kay Coach Ramil? Kay Thomas? Hindi ako natatakot na hindi niya papanindigan. May tiwala ako sa kanya. Natatakot ako baka hindi ko magampanan ang pagiging isang ina ko sa murang edad. Napayakap ako sa dalawa kong kaibigan.
"We're just here, Ara. We always got your back, okay?" Tinapik ni Mika ang balikat ko. Bumuntong hininga lang ako.
"Ano na ang plano mo?" Tanong ni Ate Kim.
Kumalas ako ng yakap sa kanila. Inayos ko ang aking sarili. Kinuha ko ang P.T at nilagay sa box.
"Pupuntahan ko si Thomas. Siya ang dapat na makaalam nito bukod sa inyo" Ngumiti ako. Hinaplos ko ang tiyan ko. Baby, makikilala mo na ang Papa mo maya-maya lang.
Sinamahan ako ng dalawa papunta sa dorm nila Thomas.
"Kailan niyo ginawa si baby?" Biglang tanong ni Ate Kim. Sinapak siya ni Mika. "Aray naman. Nagtatanong lang ako eh!"
Tumawa ako.
"Noong graduation party ko!"
Kung anu-ano ang pinagtatanong nila. Hindi ko sila sinagot. Tinawanan ko lang ang bawat tanong nila.
Pinapasok kami agad ni Abu at ni Ben na kumindat pa kay Ate Kim. Lakas talaga ng kamandag ng negrang 'to. Hinanap agad ng mata ko si Kib. Pinagkukurot ko ang kanyang pisngi.
"Ang cute mo talaga!" Nilibot ko ang tingin sa dorm nila. "Si Thomas nga pala. Asan siya?" Tinulak ko si Kib. Shocks, hindi ko gusto ang pabango niya. Hinatak ako ni Ate Kim palayo kay Kib.