Ara's Point of View
Nakakainis talaga si Bang. Hindi ko na talaga mapagilan ang sarili ko. Ang kapal ng mukha niya. Nakakahiya kay Thomas. Panigurado turn off na ko.
"Hindi na naman maipinta pagmumukha mo dyan" andito pala si Mika. Hindi ko siya napansin sa sobrang pagkabwisit ko kay Bang.
"Kainis kasi yang si Bang. Parang kabute kung makasulpot" asik ko sa kanya. "Nakakahiya kay Thomas kanina. Panira siya"
"Asus. Sino ba kasi si Bang sa buhay mo?" tanong niya.
Hindi ko nga pala na-kwento pa sa kanya. Si Kim palang ang nakakaalam ng past relationship namin. Iba din ang babaeng yun eh. Napaka-chismosa.
"Ex-girlfriend ko and she wants me back daw. Duh! How can I get rid of her?" nakanguso kong sabi. "Nakakatawang isipin na pinatulan ko siya. Buti na lang nagbalik-alindog na ko"
"Siraulo ka talaga, Ara. May balik-alindog ka pang nalalaman dyan" sabay batok sa akin. "Kung ako nasa sitwasyon mo, mahihirapan din akong iwasan si Bang lalo na't bawat galaw mo alam niya"
Bakit pa kasi bumalik ang babaeng yun? Nakaka-stress na siya. Nakakabawas ng ganda ha.
I do, cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I do love you still....Akala ko kung sino na yung kumakanta habang papasok ng kwarto, si Kim pala. Buti pa siya walang kaproble-problema. Engaged na ang negra sa pinakamamahal niyang si Jeric Teng. Iba rin eh!
"Oh anong tinitingin-tingin niyo dyan?" sungit naman ng babaitang ito. Sapakin ko kaya?
"Oo na. Ikaw na ang engaged" sigaw ko sa kanya. Tinarayan niya kami pwes tatarayan ko din siya.
"Talaga!" tinaas niya pa ang kanyang kamay para ipakita ang diamond niyang singsing. "Wag ka ngang bitter Ara" irap niya pa.
"Congratulations Kimmy Dora" bati ni Mika kay Kim at yinakap pa ang negra. "Sa wakas, soon-to-be Mrs. Teng ka na" masayang sabi pa nito.
Parang na-touch naman si Kim kay Mika. Oo masungit si Kim pero napakalambot ng puso ng babaeng yan.
"Oy Kim congrats. Saksi ako sa pagproposed ni Kuya Jeric kanina" syempre yinakap ko din siya. Masaya ako para kay Kim. Si kuya Jeric ang first boyfriend niya pero tignan mo nga naman, nagproposed na ito sa kanya. Swerte sila sa isa't-isa.
Nagyakapan kaming tatlo. Kami ang pinakaclose sa team and we are WAFS. Char!
"Thank you KaRa!" ang tamad naman nitong si Kim. Yung shipname na lang namin ni Mika ang sinabi. "At ikaw Ara, ingay mo kanina. Kawawa naman si Bang"
Pinaalala pa talaga niya yun eh. Pero dahil masaya ngayon si Kim, hindi ko muna siya aawayin. Kilala niyo naman ako diba?
-
"Asan na daw si Jessey?" tanong ko kay Mika. Nandito kami ngayon sa MOA. Nagpasama kasi 'tong si Mika na makipagkita sa bestfriend niya.
"Ayun na sila" tinuro niya yung dalwang papalapit sa amin. Kilala ko si Jessey syempre nakakalaban namin siya sa UAAP, she's from UST.
Kumaway si Mika kina Jessey. Parang di naman kami makikita, sa tangkad niyang yan? Imposible. Buti na lang hindi ako naririnig ni Mika kundi kanina pa ko nabatukan nito.
"Bf!!!" nagulat naman ako kay Jessey. Bigla ba namang sumigaw. Magbestfriend talaga sila. "Hi Ara!"
Tumango na lamang ako.
"Bf, namiss kita!" sigaw rin ni Mika. Parang ang layo nila sa isa't-isa eh sobrang lapit naman. Kailangan talagang sumigaw?
"Namiss din kita bf" saad ni Jessey. Napatingin siya sa katabi niya. "Si Ria nga pala, teammate ko. Kilala niyo naman siguro siya diba?" sabay tapik sa balikat ni Ria.
I know her. Magaling din siya magvolleyball pero hindi siya first six. Astig din 'tong si Ria, grabe din mangblocked ito.
"Hi Ria!" sabay naming bati sa kanya. Sasali kasi kami ni Mika sa sabayang-pagbigkas. Char lang.
After ng konting chismisan, nagpasya na muna kaming kumain. Kakagutom din yun ha. Sabagay, palagi naman akong gutom.
"Kami na mag-oorder ni bf ha. Dyan na muna kayo" saad ni Mika. Mabuti na rin yun kesa naman ako ang mag-order no?
Ang tahimik naman nitong si Ria. Pangiti-ngiti lang tapos kanina nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Sobra ko bang ganda? Hindi naman siguro magkakagusto sa 'kin si Ria. Kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Kaasar naman oh!
Ano kayang pwedeng itanong sa kanya?
"Uy girl, magsalita ka naman dyan. 'Wag kang mahiya sa akin. Wala naman akong hiya eh!" hinampas ko siya ng mahina sa braso sabay tawa. Baka mapanis na laway ko nito kung hindi pa ko magsasalita.
"Ang jolly mo pala Victonara. Seryosong-seryoso ka kasi sa court kaya nag-aalangan akong kausapin ka" nye. Kung sabagay tama naman siya. Ako nga ngayon ko lang din siya na-meet I mean off-court.
"Ara na lang itawag mo sa akin" suway ko sa kanya. Victonara talaga eh. Ngumiti ulit siya. "Ang tahimik mo naman"
Napakamot siya ng ulo. "Sorry. Ganito talaga ako. Tahimik lang"
Tumango na lang ako. Wala na rin akong masabi sa kanya eh. Ayoko namang magfeeling close sa kanya. Nakakahiya din yun.
"We're here" sigaw ni Mika. "Grabe gutom na ako" nilapag na niya ang order namin.
"Hindi halatang gutom ka Ye" sinamaan niya ko ng tingin. "Diba Jessey?"
"Ganyan talaga yan kapag busog" sabay apir sa akin ni Jessey. "Kumain na nga tayo. Oh Riri, 'wag ka mahihiya ha"
Tumango lang siya.
"Pinagtulungan niyo pa talaga ako. Buti pa si Ria hindi ako binubully" nakapout na sabi ni Mika. Naku ang damulag, nagtatampo.
"Tss. Hay naku, nahihiya lang yan. Mas bully pa sa akin yan eh" si Jessey. Hala binuking na niya si Ria.
"Ewan ko sa'yong daga ka" nakangising sabi ni Ria. Inirapan naman siya ni Jessey.
"Tignan niyo" tumawa naman kaming lahat. Para kasing bata na nagmamaktol si Jessey may padyak pang kasama.
After naming kumain namasyal na kami. Kung saan-saan na nga kami nakarating eh. Nakakapagod man pero atleast nag-enjoy naman kami. Nakikisali na rin si Ria sa mga trip namin. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Ewan ko ba. Parang ang tagal ko na siyang kilala. Kung ano man ang feeling na ito, isa lang ang ibig sabihin nun. Gusto ko siyang maging kaibigan.
May napansin din ako kanina kay Ria at Jessey. Parang may something sa kanila eh. Ayoko namang itanong sa kanila dahil nahihiya ako. Basta yung mga tinginan nila kanina parang they care and love each other.
Ang tsismosa ko talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/82260447-288-k692534.jpg)