-31-

86 2 0
                                        

Third Person's Point of View

"Riri? Marivic Meneses?" Tanong ng babae kay Vic.

"Yes?"

"I'm a big fan of yours po. Pwedeng pa-picture?" Tumango siya. "Thank you so much po. Ano nga po palang ginagawa niyo dito?"

"May dinalaw lang akong kaibigan. I have to go. Bye!"

Mabilis na nagmaneho si Vic patungo sa Bulacan. Doon dinala ni Bang si Ara at ang anak nito.

Nang makita siya ng mga tauhan ni Bang ay agad siyang pinagbuksan ng pinto. Nasa may abandonadong gusali sila.

"Hindi pa ba nagigising yan?" Tanong niya kay Bang. Umiling siya. "Nasan yung bata?" Tinuro niya ang isang kwarto.

"'Wag mo ng alalahanin pa yun. Ako na ang bahala roon." Nakangising sabi ni Bang sabay buga ng usok mula sa kanyang sigarilyo.

"Siguraduhin mong hindi masasaktan ang bata at siguraduhin mong hinding-hindi na makikita pa ni Ara ang anak niya!"

Dadagdagan pa sana ni Vic ang sasabihin niya pero kumatok ang tauhan ni Bang dahil may naghahanap sa kanila sa labas.

"Si Doctor Pineda nga pala, Vic." Tumango si Vic at nakipagkamay sa doktor.

"Napag-usapan na namin ni Bang ang tungkol rito. Tuturukan namin si Ara ng isang drug upang mabura ang lahat ng kanyang memorya. Papayag ka ba doon? Bilang isang kapatid" Napatingin si Vic kay Bang na naghihintay din ng sagot.

"Iwan mo muna kami Bang." Nag-aalangan pa siyang umalis pero iniwan din sila agad.

Pagkauwi ni Thomas ng condo ay agad siyang dumiretso ng kwarto nila ni Ara.

"Ara, my princess. Andito na ako. Baby Grace, andito na si Papa!" Bumungad kay Thomas ang blanko at madilim na kwarto. Walang Ara at lalung-lalong walang baby Grace.

Hinimas niya ang likod ng ulo niya atsaka umiling.

"Baka may binili lang sila. Okay, I will wait. Matutulog na muna ako para paggising mukha ni Ara'ng maganda at magandang ngiti ni baby Grace ang bumungad sa akin."

Padabog siyang sumampa sa kama. Pagkapikit niya ay mukha ni Ara ang kanyang nakikita. Pilit man niyang 'wag isipin ang nangyari ay hindi niya magawa. Nawawala si Ara at ang kanilang anak. Walang nakakaalam kung nasaan sila at kahit matulog siya walang bubungad sa kanyang Ara kasama ang anak nila.

Kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Ginawa niya na ang lahat ng paraan para antukin pero wala pa rin. Inalala niya na lang ang una nilang pagkikita nila Ara.

Thomas' Point of View

Flashback

I still remember the first time I saw Ara's face. That day, I was waiting for my teammates sa Razon. Napaaga ako ng punta for our training. Hindi pa tapos ang Lady Spikers. So, nanood muna ako. All of them are really good naman talaga but Ara got my attention. Hindi ko alam na may tao pa lang pwedeng maging cute at maganda at the same time. Ang lakas ng mga spikes niya. And I can't imagine na sa mala-anghel niyang mukha ay kaya niyang magpapalo ng ganyan kalakas.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon