-44-

97 2 0
                                        

RATED SPG!!!!

Ara's Point of View

Binibihisan ko ang makulit na si Tin. Galaw siya ng galaw at ang hirap bihisan. Apat na buwan na siya ngayon. Si Thomas ay tatawa-tawang kinukuhanan kami ng video. Hindi man lang ako tulungan ng lalaking ito. Pupuntahan namin ngayon si Kim. Naka-confine siya sa hospital. Hindi naman masabi sa akin ni Mika kung anong dahilan.

"Ang kulit mo, Tintin ah!" Bumungisngis siya kaya napatawa na din ako.

Few minutes later, nabihisan ko na din sa wakas si Tin. Kahit aircon ang room namin ay pinagpawisan talaga ako. Day off ngayon ni Manang kaya kami lang ni Thomas ang maghahatid kay Tin kina Mama Jane, namimiss na daw nila ang baby namin. Ayoko namang isama siya sa ospital, baka makasagap pa ng sakit.

"Bye our little princess!" Hinalikan ko sa pisngi si Tin. Ni-close open niya naman ang kanyang kanang kamay. Natawa na lang kami ni Thomas. Ang bibong bata talaga ng anak namin.

Mabilis kaming nakarating sa ospital. Nadatnan kong kumakain si Mika, hindi na ako nagulat doon. Malungkot na tumingin sa akin si Kim. Linapitan ko siya kaagad.

"Anong nangyari, Kim?" Hinaplos niya ang kanyang tiyan saka mapait na ngumiti. "Buntis ka?" Tumango siya.

Naiinis ako kay Kim. Na-pipi na ba siya? Hindi man lang magsalita ang babaeng ito.

"Isang buwan na akong buntis at isang buwan na rin mula nang iwan ako ni Jeric." Hindi ako kumibo. Nangingilid ang luha sa kanyang mata. "Na-depressed ako. Isang buwan akong depressed. Iniwan ako ng taong mahal na mahal ko. May kanser si Tita Susan at pabagsak na ang negosyo ng mga Teng. Gusto kong tumulong sa pamilya nila pero paano? Hindi kami mayaman. Wala kaming negosyo at ang masaklap sa lahat, hindi ako Chinese." Yinakap ko si Kim. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. 'Nung una, si Mika ngayon naman si Kim. Gusto kong magalit sa mga Teng pero may pinagdadaanan din sila. Kaka-survive lang ni Jeron sa kanser pero sumunod naman sa kanya ngayon si Tita Susan. "Magpapakasal na sila ni Ate Wensh." Ngumiti siya't hinaplos na naman ang kanyang tiyan. "Ngayon ko lang din nalaman na buntis na pala ako. Kung alam ko lang edi sana pala 'di ako nagpabaya sa katawan. I'm sorry, anak." Tuluyan nang humagulgol si Kim.

Binigyan kami ni Mika ng tig-isang tubig. Hinagod ni Thomas ang likod ko at niyakap. Nang naging mahinahon na si Kim ay tinananong ko ulit siya.

"Ano na ang balak mo ngayon?" Anuman ang maging desisyon niya ay susuportahan ko bilang kaibigan niya.

"Uuwi akong Batangas. Doon na muna siguro ako. Baka sakaling makalimutan ko si Jeric kahit na alam kong mahirap."

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon