-16-

264 10 0
                                    

Ara's Point of View

Pumayag ako sa gusto ni Thomas na i-cover namin yung ginawang lyrics ng isang ThomAra fan na in tune of Tadhana. Ilang araw na rin namin 'tong pina-practice. Syempre, nakakahiya naman kung basta na lang kaming magko-cover diba? Kailangan talaga naming aralin yung kanta.

"Ayan, malapit na nating ma-perfect!" tili ni Maris at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. Tama si Maris Racal ng PBB. Sa sobrang hectic ng schedule niya, naisingit pa niya ito. Siya ang guitarist namin. Laking pasasalamat talaga namin sa kanya at kay Kuya Axel, na siyang kumontak kay Maris.

"Salamat sa pagtitiyaga, Maris" tapos na ang rehearsal namin. Kailangan niya na ring umalis ng maaga dahil may taping pa siya.

"Naku, okay lang yun ate Ara. Ang cute niyo ngang dalwa eh. Basta tandaan niyo lang po mga sinabi ko sa inyo. Siguro by next week pwede na tayong mag-cover" sobrang bait naman talaga nitong si Maris. Kaya maraming nagmamahal sa kanya eh at isa na ako dun.

"Salamat talaga, Maris" si Thomas. Ihahatid na namin si Maris sa labas dahil nandun na rin yung sundo niya.

Nakaka-tatlong oras kami sa isang araw sa pagrehearse ng kanta. Pasalamat talaga si Thomas at pumayag ako sa gusto niyang mag-cover ng kanta.

"Dinner na tayo?" tumango ako. Kanina pa ako gutom buti na lang nagyaya siya. Pinagbuksan ako ni Thomas ng pinto ng kotse niya para makapasok. Natutuwa akong kahit ang tagal na niyang nanliligaw sa akin, hindi siya nagbago since first day.

Sa may malapit na fast food restau. lang kami kakain para makauwi din kami kaagad. Agad na akong naghanap ng mauupuan habang si Thomas nag-oorder ng food namin.

May dalawang familiar face akong nakita. Hindi nila ako nakita dahil busy sila sa pag-uusap. Pinakinggan ko yung pag-uusap nila dahil malapit lang naman yung table namin sa table nila.

"So, what's your decision na Ate Kim?" si Kianna talaga. Siguro nilibre niya si Kimmy ngayon. Liniligawan niya para magstay pa siya ng isang taon para maglaro sa UAAP.

Tumawa si Kimmy.

"Paano kung hindi ako magstay?" ang bully talaga nitong si Kimmy.

Bumuntong-hininga si Kianna.
"I'm gonna cry, Ate Kim" lumungkot ang boses niya.

"Wag ka ngang malungkot dyan. Basta, malalaman mo rin decision ko, okay?"

Hindi ko na narinig yung sagot ni Kianna kasi nandito na si Thomas.

"Sorry my princess natagalan. Ang daming tao eh" kinikilig talaga ako kapag tinatawag niyang akong princess. Thomas naman kasi eh.

"Okay lang. Kain na tayo para makapagpahinga na rin. Alam kong pagod ka" nginitian niya ako't hinawakan ang kamay ko. Tumindig ang balahibo ko sa simpleng paghawak niya sa akin.

My GOD! Hanggang kailan ako magiging ganito?

"You're blushing again" kinurot niya ang pisngi ko. Ngumuso ako. "Sana ako lang ang nakakapag-blush sa'yo"

Tinignan ko siya sa mata.
"Ikaw lang talaga" pagkasabi ko nun, agad akong yumuko. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig.

Pagkatapos naming kumain, nagpahatid na ako kay Thomas.

"Salamat Thomas" bubuksan ko na sana yung pinto ng dorm pero bigla niya na lang ako hinatak paharap sa kanya.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Bigla niyang hinapit ang beywang ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Napayuko ako pero inangat niya ang baba ko kaya nagkasalubong ang aming tingin. Inayos niya ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Ngumiti siya.

"You are so beautiful, Ara. I can't wait you to be mine" bulong niya. Shit, ang sexy ng boses niya.
"I love you, Victonara" seryoso niyang sabi sabay halik sa aking noo. Napangiti ako.

Hindi ako makapagsalita. Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Ganito ang nagagawa ng isang Thomas Torres sa akin. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya, mahal na mahal pero hindi pa ito ang tamang panahon. Maghintay ka lang, Thomas.

"Ehem. Dito pa talaga kayo maglalandian ha!" nabitawan ako ni Thomas at natumba kami sa sahig sa sobrang gulat namin dun sa biglang sumulpot na parang kabute.

Namilog ang mga mata ko ng mapagtantong nasa ibabaw ako ni Thomas. Isang galaw lang namin, pwede ng magkadikit ang aming labi.

"Can we stay forever like this?" natauhan ako sa sinabi ni Thomas. Tumayo ako't tinalikuran siya. Nakakahiya.

Tumawa siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Kung hindi lang talaga ganito ang nangyari malamang napapangiti na ako ngayon.

"Sa sobra niyong kaharutan ayan, nahulog na kayo sa isa't-isa" tumatawang saad ni Kim. Panira talaga ng moment ang negrang 'to.

Inirapan ko siya.

"Stop it nga, Ate Kim" awat sa kanya ni Kianna. "Ituloy niyo lang ang pag-uusap, Ate A. Papasok na kami sa loob" kinaladkad niya papasok si Kim. Tumango lang ako sa kanya.

Ilang minuto kaming natahimik. Buti na lang nagsalita na si Thomas. Nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Mas lalo akong hindi makatingin sa kanya.

"Aalis na ko, Ara" sumulyap ako sa kanya pero di ako direktang tumingin sa kanya.
"Good night, Ara. I love you" linapitan niya ako't niyakap. Saglit lang yung yakapan namin dahil baka may sumingit na naman.

Huminga ako ng malalim.

"G-good night, Thomas. Ingat ka" kaasar nauutal ako. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
"Malapit na. Sana 'wag kang magsawang maghintay" pagkasabi ko nun, hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at agad akong kumaripas ng takbo papasok sa loob.

Sinilip ko si Thomas sa bintana. Nandun pa rin siya. Tulala habang hinahaplos ang pingi niyang hinalikan ko.

Kinuhaan ko siya ng picture. Ang cute niya talaga.

@VSGalang: Ang cuuuttteeee moooo @iamthomastorres
pic.twitter.com/tk54shsgaha

Lalong kumabog ang puso ko. Kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor. Hindi na normal tong madalas na pagkabog ng puso ko lalo na kapag kasama ko si Thomas.

Konting tiis na lang talaga, Thomas. Nasasabik na akong maging girlfriend mo. Handang-handa na talaga ako.

I love you Thomas.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon