Ara's Point of View
Tumayo kaming lahat dahil nag-go signal na yung isang staff. Heto na magsisimula na ang GGV. Grabe, parang lalabas na yung puso ko.
"Gandang Gabi kapamilya" sigaw ni Vice.
"Gandang Gabi Vice" sigaw naman ng audience.
"Kay gaganda naman talaga nating lahat. Ganyan nga, ganyan nga. Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. Sigurado akong matutuwa kayo sa mga bisita natin ngayong gabi. Please welcome, Axel Torres and Thomas Torres"
Nagsihiyawan ang mga tao sa studio. Parang magigiba na 'tong building sa sobrang lakas ng sigawan. Napatingin ako kay Thomas, ang gwapo talaga. Tumingin siya sa akin sabay kindat. Grabe, yung puso ko.
"Yieeeeee" sabay na sabi ng mga kapatid ni Thomas. Ang bully din pala ng mga ito. Tinawanan ko na lang sila.
Bumaling na uli ako kina Thomas.
"Magandang Gabi Vice" sabay na sabi ni Thomas at Axel kay Vice.
"Kumusta naman kayong magkapatid?" tanong ni Vice.
"Ayos naman" si Thomas ang sumagot. "Kahit busy sa school gumagawa kami ng way para makapagbonding kasama yung iba naming kapatid" tinuro ni Thomas yung mga kapatid niya sa likuran namin nila Tita at Tito.
"Ang saya naman" napatingin sa amin si Vice. Bigla akong kinabahan nung nagtama ang mga mata namin ni Vice. Ngumiti na lamang ako. "Nandito ang buong family ninyo. Very supportive pero teka lang ha, may familiar face akong nakita na kasama ng family niyo"
Bigla namang ni-focus ni kuyang cameramen sa akin yung camera. Napahawak ako sa kamay ni Tita Jane. Kasi naman eh nakakahiya.
"Syempre kailangan ni Thomas ng inspirasyon" sabat naman ni Axel sabay apir kay Vice. "Tignan mo naman si Thomas ngayon, inlove na inlove oh"
Nagtilian na naman yung mga tao.
"Ano namang masasabi mo Thomas sa sinabi ni Axel na inlove na inlove ka daw?" tanong ni Vice sabay tingin sa akin.
Napakamot ng ulo si Thomas.
"Idi-deny ko pa ba?" lalong lumakas yung tibok ng puso ko kasabay ng tilian ng mga tao.
"ThomAra ThomAra ThomAra ThomAra ThomAra ThomAra" sigaw ng mga tao kasama dun si Axel pati na rin yung kapatid nila sa likuran namin.
"Ano yun? ThomAra?" tumawa si Vice sabay tingin sa amin ni Thomas. "So Thomas, ano bang meron sa inyo ni Ara Galang?"
Nagsitilian na naman yung mga tao. Hindi ba sumasakit ang lalamunan ng mga 'to? Kanina pa sila sigawan ng sigawan eh.
"We're friends and umm of course she's very special to me. I don't want to lose her. Ayokong mawala ang isang Ara Galang sa buhay ko" habang sinasagot yun ni Thomas nakatingin siya sa akin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
"Friends lang talaga?" tanong uli ni Vice. "Wala ka bang balak jowain si Ara?"
Ayan na naman yung tilian nila.
"Syempre may balak akong ligawan siya" kinindatan niya ako. "Matagal ko nang sinabi yun sa kanya na liligawan ko siya at sa tingin ko ito na ang right time para ligawan siya. Baka maunahan pa ko, mahirap na"
"So, ibig mong sabihin mula araw na 'to you're officially courting Ara Galang?"
Tilian na naman yung mga tao.
"Oo naman" ewan ko pero bigla na lang akong napangiti. Alam kong kanina pa ako namumula dito. Nahihiya tuloy ako sa parents niya.
Biglang lumapit sa akin si Vice. "Excuse me Mother. Kakausapin ko lang ang future daughter-in-law niyo" tumabi sa akin si Vice. "Ang ganda naman talaga ng batang 'to. So, anong masasabi mo kay Thomas? Liligawan ka na raw niya"
Anong sasabihin ko?
"Syempre nung una niyang sinabi sa akin yun nagulat ako. Napaisip ako na bakit ako pa?" napangiti ako. "Simpleng babae lang ako na tshirt at pants lang ang suot eh okay na ko"
"Yan yung nagustuhan ko sa'yo simple ka lang. Actually, rookie pa lang ako napansin na kita pero that time may girlfriend pa ko so hanggang tingin na lamang ako sa'yo" nanlaki na naman ang mata ko. Ngayon ko lang yun nalaman. Nakakatuwang isipin na napansin niya na pala ako nun. Akala ko, ako lang nakakapansin sa kanya.
"Eh 'wag ka nga Thomas" napanguso na lang ako. Speechless ang lola niyo. Kainis ka talaga Thomas.
"Magbabalik ang face to face" biglang sabat ni Vice. Napatawa na lang ako. "Kaloka kayong dalwa. Heto na lang Ara, may pag-asa ba si Thomas sa'yo?"
Hindi niya na kailangang manligaw dahil sasagutin ko din siya agad. Kung pwede nga lang yun na ang sabihin ko eh. Pero nakakahiya naman yun. Dalagang Filipina kaya ako.
"Oo naman. Kasi kung wala, from the start pa lang sasabihan ko na siya na walang pag-asa. Si Thomas kasi sweet yan eh, gentleman pa. Na sa kanya na ang lahat. Aarte pa ba ako?" nakatitig ako kay Thomas habang sinasabi yun. Hindi ko alam kung saan ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin yun sa harap ng pamilya niya at sa harap ng napakaraming tao.
Ang dami pang mga tinanong ni Vice tungkol sa amin pati na rin kay Axel. Natatakot ako sa mga magiging reaction ng mga tao kapag ini-air na nila ang episode na ito. Hindi pa ako handa sa mga mangyayari pero bahala na talaga si batman.
"Are you okay?" hinaplos ni Thomas ang pisngi ko. Napangiti na naman ako.
"Yeah. I'm just tired and sleepy" napahikab pa ko. Hindi ko na kaya. Inaantok na talaga ako.
"I'm sorry. Matulog ka na. Gigisingin na lang kita kapag nasa dorm niyo na tayo, okay?" tumango ako. Hinalikan niya ang noo ko at pinaandar na ang kotse. "Goodnight my princess"
Pumikit akong nakangiti. Iba talaga ang epekto niya sa akin. I think I'm in love with you Thomas Christoher Torres.
A/N: Hindi ko alam kung matutuwa kayo sa update na 'to. Sorry ulit kung waley pero sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa. Thank you :)