Third Person's POV
Araw-araw niyang sinusubaybayan ang kanyang kapatid. Gusto niyang malaman ang lahat ng ginagawa nito. Alam niyang wala pa rin itong kaalam-alam na may kaKAMBAL pala siya. Hindi siya papayag na maging masaya siya at pamilya nila samantalang heto siya nasasaktan pa rin kahit ang tagal na nang mga nangyari.
"Hey, tulala ka na naman dyan." napatingin siya sa kanyang girlfriend.
Napangiti lang ito.
"Nag-aalala na ako sa'yo. Palagi mo na lang minamanmanan ang kambal mo." pag-aalala nito.
"Don't mind me. Gusto ko lang malaman lahat ng kinikilos niya para alam ko kung paano maghihiganti sa kanya at sa pamilya namin." saad niya.
Niyakap niya ito.
"Tumigil ka na please. Wala namang mabuting maidudulot yan sa'yo. Pamilya mo sila. You don't have to do that." hindi na lamang siya sumagot. Hinalikan nito ang buhok nang kanyang girlfriend at hinaplos ito.
Wala nang makakapagpigil pa sa kanya. Maghihiganti talaga siya lalo na sa kanyang Mommy. Kailangan din niyang masaktan tulad ng naranasan ko noon sabi nito sa isip niya. Matagal niya itong inantay at hinding-hindi siya papayag na mabalewala lang ang lahat ng 'yon.
Ara's POV
Hay. Mabuti na lang may one week kaming vacation. Makakapagpahinga rin ako sa wakas at makakauwi sa probinsya namin, sa Pampanga.
"MOMMMMMY!" sigaw ko pagkapasok sa bahay. Nagulat naman siya.
May hawak siyang envelope. Tungkol na naman siguro sa business namin. Gustuhin ko mang tumulong, ayaw ni Mommy magfocus na lang raw muna ako sa pag-aaral.
"Ara, anak." lumapit siya sa akin at yinakap ako. "Hindi ka man lang tumawag para nasundo kita."
Ngumuso ako.
"No need Mom. Kaya ko naman atsaka ayokong istorbohin pa kayo." saad ko.
"Hindi ka magiging istorbo. Anak kita, okay? Kung maaari nga, sunduin pa kita sa Manila." saad ni Mommy.
Ginagawa akong bata ni Mommy. Busy siyang tao pero kailanman hindi siya nagkulang sa akin. That's why I really love her. She's the best mother to me.
"Pahinga po muna ako." paalam ko. Dumiretso ako sa kwarto.
Naalala ko yung mukha ni Mommy kaninang pagdating ko. Para siyang gulat na gulat na ewan. Is something wrong? Kung about sa business I think, hindi naman ganun ang magiging reaction niya. Feeling ko tuloy may tinatago siya pero she promised me na no secrets. Alam nga lahat ni Mommy ang mga nangyayari sa akin maski yung pagkakagusto ko kay Thomas.
"Kuyaaaaa!" sinalubong ko ng yakap si kuya Djun. Ang sweet kong kapatid, diba?
"Ano ba Victonara hindi ako makahinga." reklamo niya. Ang arte. Pasalamat nga siya may yumayakap pa sa kanya eh.
"Ewan ko sa'yo kuya. Ganyan ka na pala. Hindi mo ako namimiss." ngumuso ako at nagkunyaring nagtatampo. Tignan ko nga kung uubra ang charm ko kay kuya.
"Ay jusko, tampo ka na nyan?" ginulo niya ang buhok ko't yinakap ako.
See. Iba talaga ang alindog ng isang Victonara. Joke lang. Nag-iisa kasi akong unica hija kaya maski si kuya ginagawa akong baby.
"Ganyan ka na sa akin porket may girlfriend ka na." ngumuso ako. Sarap pagtrip-an ni Kuya.
"Naku Victonara 'wag kang magpacute dahil hindi ka cute." ngumisi-ngisi si Kuya. "Eh ikaw nga dyan, kalat na kalat na mga pictures niyo ni Bimby sa social media. Bata pa 'yun. Lagot ka kay Kris Aquino."
![](https://img.wattpad.com/cover/82260447-288-k692534.jpg)