-15-

191 8 1
                                    

Ara's Point of View

Nandito na kami ni Thomas sa bahay nila. Parang gusto kong dito na lang sa loob ng kotse. Hindi naman ito yung unang pagkakataon na makita ang pamilya niya pero nahihiya pa rin ako.

"Halika na, Ara" hinawakan ni Thomas ang kamay ko. Hinatak ko siya paatras. Nahihiya talaga akong humarap sa pamilya niya. "Nandito naman ako eh. 'Wag ka ng mahiya, okay?" saad niya sabay halik sa noo ko.

Okay. Hingang malalim, Ara. Kaya mo yan.

Iniwan muna ako ni Thomas sa may living room. Pumunta siya sa garden, nandun kasi si Tita Jane. Nilibot ko ang paningin ko sa kanilang bahay. Maganda at malaki ito kumpara sa amin.

"Wala dito mga kapatid ko. Wala akong kaagaw sa'yo" tinabihan ako ni Thomas. Baliw talaga siya.

Inirapan ko siya.

"Ewan ko sa'yo Thomas" inakbayan niya ako at inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya.

Ilang minuto ding ganun ang ayos namin. May biglang tumikhim sa likuran namin kaya umayos ako sa pagkakaupo.

"Sorry po Ma'am at Sir. Pinatawag na kayo ni Ma'am Jane. Handa na po ang meryenda. Sa garden po tayo" saad ng katulong.

Sumunod na kami ni Thomas roon. Namangha ako sa garden nila. Sobrang ganda. Ang daming roses. Makikita mo talagang alagang-alaga siya. Wala akong masabi.

"Ara hija. Welcome sa bahay namin" lumapit ako kay Tita Jane at bumeso sa kanya pati na rin kay Tito Rino.

Hinatak ni Thomas yung upuan sa harap ng parents niya at pinaupo ako. Nginitian ko lang siya.

"Matagal ko nang sinasabi kay Thomas na papuntahin ka rito" si Tito Rino.

"Gusto ko kasi Pa, kapag pinapunta ko na dito si Ara girlfriend ko na siya" tumingin sa akin si Thomas pero umiwas ako ng tingin. Nahihiya pa rin ako kapag tumitingin siya sa akin.

"So, ibig sabihin girlfriend mo na si Ara?" nanlaki ang mata ko. Napakamot ng ulo si Thomas at umiling.

Tumawa lang silang mag-asawa. Nakakatawa naman talaga yung reaction ni Thomas maski ako nga natawa eh.

"Mabuti pa kumain na tayo" si Tita Jane. Nilagyan naman ni Thomas ng isang slice ng cake yung plato ko. "Ako nagbake n'yan. Hope you like it, Ara" nakangiting saad ni Tita Jane.

Yung totoo? Sobrang sarap. I'm speechless. Muntik ko na ngang makalimutan pangalan ko eh. Char.

"Grabe ang sarap po Tita Jane" ngumiti si Tita sa akin. Nilagyan ulit ni Thomas ang plato ko ng isang slice. Nakakahiya.

"Alam kong kulang sa'yo ang isang slice" tumatawang sabi ni Thomas. Pinandilatan ko siya sabay sipa sa paa niya. "What? 'Wag ka na mahiya, Ara. Dibale masasanay ka rin kapag pinakasalan na kita"

Namilog ang mata ko sa sinabi niya.

Tumawa si Tita Jane. "Naku, advance ka naman masyado anak. Hindi ka pa nga sinasagot ni Ara eh pero okay sakin yun" kinindatan ako ni Tita. Inakbayan naman siya ni Tito.

Hindi ko na kaya. Hiyang-hiya na ko dito. Si Thomas naman tuwang-tuwa.

Nauna na akong lumabas ng bahay nila Thomas dahil mag-uusap pa sila ng parents niya. May babaeng palinga-linga sa may gate nila. Maganda siya, sexy at ang kinis ng balat.

Sino kayang kailangan niya?

"Hi Miss" lumapit ako sa gate. "Sinong hinahanap mo?" muntik na siyang mapasigaw sa gulat. Nakaawang lang ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin.

Problema nito? Maganda sana kaso may sapak yata sa utak.

"Ara, anong ginagawa mo dyan?" nakasandal si Thomas sa kanyang kotse. "Let's go. Baka ma-traffic tayo pauwi"

Lumapit ako sa kanya. "May babae sa labas ng gate niyo" lumingon ako dun pero wala na siya. "Nasaan na yun?"

Hinatak ako ni Thomas at pinapasok na sa kotse niya.
"Baka kaibigan ni Manang. Hayaan mo na yun" tumango na lamang ako. Siguro nga.

Binuksan ko yung radyo sa kotse niya. Ang tahimik kasi eh.

Bat di papatulan ang pagsuyong nagkulang
Ako'y umaasa hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo

"Bat ka nakatingin sa akin?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Kainis naman oh. Nahuli pa ako. Tumingin na lang ako sa may bintana. "What if gumawa tayo ng cover. What do you think?" this time napatingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Anong cover pinagsasabi mo? Di ko gets, Thomas" napairap ako sa kanya. Nababaliw na yata si Thomas.

Napailing lang si Thomas at inihinto ang kotse. Nandito na pala kami sa dorm. Bago pa ko makalabas eh, agad niya na akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. Gentleman talaga.

"Thank you" napangiti lang ako. Hindi pa nga pala nasasagot ni Thomas yung tanong ko sa kanya. "Ano nga pala yung sinasabi mong gagawa tayo ng cover? Cover ng alin?" binuksan ko ang pinto ng dorm. Andito pa rin si Kuya Jeric. Grabe ha, hindi maiwanan si negra.

"Let's cover a song" ginulo niya ang buhok ko. "Remember yung ginawang lyrics ng isang ThomAra fan in tune of Tadhana?" naalala ko nga yun. Ano ba 'tong naiisip ni Thomas? Seryoso siya dun?

"Siraulo ka talaga!" sinapak ko siya sa braso. Tumawa-tawa lang siya. Baliw talaga siya.

Bumaling ako kay Kim na naghahain. Linutuan pala ang kanyang future husband. Ang sweet naman.

"Naks naman, Kimmy" lumapit ako sa hapag at tinignan ang niluto niya. "Handa ka na talagang mag-asawa" tumawa ako. Sinamaan niya naman ako ng tingin sabay sapak sa akin. Ang brutal talaga ng negrang 'to.

Lumapit sa amin si Kuya Jeric. "Nag-aasaran na naman kayo dyan" tinabihan niya si Kimmy at inakbayan.

"Kain na tayo. Ara, tawagin mo na si Thomas. Sumabay na kayo sa amin ni Jeric" si Kimmy.

Mabilis pa kay Flash ang paglapit ni Thomas sa hapag. Hindi rin halatang gutom siya.

"Asan nga pala sila?" tanong ko kay Kim. Ang tahimik kasi ngayon dito sa dorm.

"May mga lakad. Ewan ko ba kung saan sila nagpunta. Sabay-sabay pa talaga eh" saad niya habang nilalagyan ng rice at ulam ang plato ni Kuya Jeric. Nagkibit-balikat lang ako at kumain na rin.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na rin si Thomas at Kuya Jeric. Ako na ang nagprisintang maghugas ng mga pinggan. Nakakahiya naman kay Kimmy, siya na nga ang nagluto.

Naligo ako dahil feeling ko ang lagkit ng katawan ko. Pagkabihis ko ng pantulog, napansin kong nakatingin sa akin si Kimmy.

"Sobrang ganda ko ba?" biro ko sa kanya. Bigla niya akong binato ng unan. "Grabe ka talaga, Kimmy" ngumuso ako.

"Kadiri ka, Ara. Tigilan mo yang pag-nguso mo. Mukha ka ng pato" ayan tayo eh. Binully na naman ako ng nag-iisang Kim Fajardo. "Pero maiba tayo. Kailan mo balak sagutin si Thomas?" matagal ko na siyang gustong sagutin pero gaya ng sabi ko, kapag sasagutin ko siya gusto ko maging memorable. Nag-iisip pa ako ng magandang plano.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Hay naku! Bilis-bilisan mo naman. Sagutin mo na siya lalo na ngayong may umaaligid sa kanya" alam ko naman yun. Marami talagang nagkakagusto kay Thomas at sila pa mismo ang gumagawa ng paraan para mapansin sila ni Thomas.

Kailangan ko na talagang i-finalize yung plano ko. I'm excited to be Thomas Christopher Bulado Torres' girlfriend.

Hintayin mo lang ako, Thomas.

A/N: Happy 1k reads. Thank you so much guys. :)

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon