Ara's Point of View
Nagising ako sa sunod-sunod na pagbeep ng phone. Wala na si Thomas sa tabi ko. Ni-check ko ang wall clock, alas sais na ng umaga. Dahan-dahan akong bumagon at kinuha ang phone sa may bed side table. Shiz, phone 'to ni Thomas. Naiwan niya siguro sa pagmamadali.
In-open ko yung agad yung messages baka emergency or something pero mas naagaw ng atensyon ko yung unknown number.
From: 0915*******
Good morning, Thom. I saw you kanina sa Razon. You're so early as always. By the way, gusto mo bang sumabay sa akin magbreakfast? If it's okay with you pero okay lang naman kung hindi ka pwede. Hihintayin kita :)
Nagkasalubong ang kilay ko. Ini-scroll ko pa pataas. Ang dami niyang mensahe kay Thomas pero ni isa wala siyang reply. Umusok yata lahat ng butas sa katawan ko nang mabasa ko kung sino itong unknown number na nagtetext sa boyfriend ko.
"Ang kapal ng mukha mo, Bea Escudero. Mukha ka namang espasol!" Patakbo akong pumasok sa banyo. Naduduwal na naman ako. Diretso na rin ako sa pagligo.
Nagmadali akong kumain ng breakfast ko. Nagtiptoe akong tumungo sa kwarto ni Mommy. Sinungaw ko ang ulo ko sa ko loob, wala siya roon. Lumapit ako sa banyo, narinig ko ang bukas na gripo. Baka naliligo siya. Nagmadali akong lumabas ng kwarto.
Nagsuot ako ang isang floral dress. Tinali ko sa beywang ko ang jacket ko. Kinuha ko ang wallet ko at phone ni Thomas. Patakbo akong lumabas ng condo.
Hingal na hingal ako pagkarating ng La Salle, walking distance lang naman mula sa condo papunta rito. Inayos ko muna ang aking sarili bago pumunta sa cafeteria kung saan naroon yung babaeng espasol. Sinuot ko ang jacket at nilagay ang hood. Sumilip muna ako bago pumasok. Nakita ko agad si Bea na parang tangang nakaupo. Hindi niya ako napansin. Dito niya pa talaga gusto kung saan wala masyadong tao.
Dumiretso ako sa counter at um-order.
Hindi ako nag-alinlangang lumapit kay Bea. Tinanggal ko ang hood sa ulo ko.
"BEA ESCUDERO!" Mariin kong tawag sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya pagkakita sa akin. "Pwede pa-share ng table with you?" I tried to be friendly but I can't. Sarkastiko ang naging boses ko.
"S-sure why not?" Nauutal niyang sabi. Aba'y dapat lang. Ngumisi ako sa kanya.
"Really? Wala ka bang inaantay or something?" Hinila ko ang upuan sa harap niya. Tinaasan ko siya ng kilay saka pekeng ngumiti.
"Wala." Sabay iling.
"Talaga ba, Bea?" Pinagmasdan ko siya. Ni hindi siya makatingin sa akin. "Akala mo hindi ko alam? That you're into my boyfriend? That you're texting him?" Pinakita ko ang phone ni Thomas na naglalaman ng texts niya.
Namutla siya.
"So what if I text him? So what if I'm into him. Are you threatened?" Ngumisi siya sa akin.
Hanga naman talaga ako sa kakapalan ng pagmumukha niya.
"Nope. Hindi ikaw ang tipo na dapat katakutan." Nakakuyom ang kanang kamay ko sa ilalim ng mesa.
"And you have Thomas' phone. Wala ka bang tiwala sa kanya?" She gave me a bitchy look.