Ara's Point of View
Ilang linggo pa lamang ang lumipas heto na naman ako, sasabak na naman ulit sa paglalaro ng volleyball pero this time sa PSL na.
Thomas Torres calling .......
"Hello Thom?" bungad ko sa kanya. Nandito lang ako sa dorm. Tapos na lahat ng requirements ko. Naghihintay na lang ako ng graduation. Sabay kami ga-graduate ni Carol. Ang saya.
[Wala. I just miss you princess. Kita naman tayo?]
Natawa ako. "Asan ka ba ngayon?" matagal-tagal na rin mula nang di kami nakakapagkita. Hanggang text, tawag at video call lang kami. Naging busy ako dahil sa thesis at ganun din siya. Sayang nga lang at di kami sabay na makaka-graduate.
[Dorm lang ako. Puntahan kita dyan. You want?]
"Okay. Tapos na naman ako sa thesis. Ikaw ba?" syempre, asikasuhin muna ang pag-aaral bago ang landi. Charot.
[I'm done na rin. Wait me ha. Papunta na ko dyan. See you. Iloveyou Ara]
Sasagot pa sana ako pero binabaan na ko pero okay na rin yun. Ayokong malaman niya na sobra akong kinikilig sa kanya. Nagsink-in na rin sa utak ko yung panliligaw kuno niya sa akin. Araw-araw niya akong pinapakilig, sinasabihan niya na mahal niya ako pero dahil pakipot ako di ako sumasagot. Gusto ko kapag sasagutin ko na siya maging memorable.
"What do you want to do?" tanong ko kay Thomas. May dala siyang donuts. Heaven.
"I want to kiss you princess" inirapan ko siya. Ang harot pero bet ko yun. Charot.
"Tumigil ka nga dyan" binuksan ko na lang yun TV. Showtime na. "Gutom na ako. Kainin na natin 'to"
Tumango si Thomas. "Okay. Labas tayo mamaya. Gusto mo?" kumuha na siya donut sabay kagat. Ang arte niya kumain.
Sasagot na sana ako pero bigla na lamang bumukas yung pinto at linuwa nun si Kim kasama si kuya Jeric.
"Wow donut" agad siya dumampot at agad nilamon yun. Parang hindi naman siya pinapakain ng jowa niyang Teng eh ang sasarap kaya ng mga pagkain sa Teng's Restau.
Enjoy na enjoy ako sa panonood ng may biglang may umakbay sa akin. Anak naman ng tipaklong Thomas. Hindi ko na lang siya pinansin baka malaman niya pang kinikilig ako. Nakakahiya yun.
Umilaw yung phone ni Thomas. May tumatawag. Si Tita Jane. Agad niya namang sinagot yun.
"Hello ma?" bungad niya. "Andito ako sa dorm nina Ara. Ngayon na ba, Ma? Hays, sige po papunta na ko"
Tumingin siya sa akin. "Ara my princess" kumunot ang noo ko. Tumatawa naman si Kim. Wala namang nakakatawa sa pinapanood namin dahil commercial na. "I have to go. May iniuutos si Mama eh. Next time na tayo lumabas. I'm really sorry"
Nalungkot ako dun pero hindi ko pinakita sa kanya. Nginitian ko siya. "Ayos lang. Marami pa namang next time. Sige na, umalis ka na"
Tinutok ko na lang ang mata ko sa tv.
"Okay" hinalikan niya ako sa pisngi. Shet. Dapat nagtatampo ako eh. "Babawi ako, pangako" naks naman ang Bimby ko. Tagalog na tagalog ah.
Hinatid ko siya hanggang sa may pinto. Nang unti-unti na siyang nawala sa paningin ko, bumalik na ko kina Kim.
"Alam mo Ara, wag ka nga magtampo dyan. Pasalamat ka nga at mama ni Thomas yun eh dahil kung ibang babae yan..." umiling-iling siya. "...matakot ka na"