Third Person's Point of View
"Hindi ko na kaya yung pinapagawa mo sa akin." bungad ni Bang. Hindi niya na kakayanin pa ang mga mangyayari sa kanya kung pinagpatuloy niya pa ang pagtulong dito.
"Sige 'wag mong gawin. Sa kulungan ang bagsak mo. Makaalis ka na." sinamaan niya ng tingin si Bang. Kung kinakailangang takutin ito, gagawin niya. Marami siyang alam tungkol kay Bang.
Namutla si Bang sa sinabi nito. Sino ba naman ang hindi? Ikaw ba naman ang may illegal na gawain. Hindi ka ba matatakot?
"Bina-blackmail mo ba ako, ha?" matapang na tanong ni Bang pero deep inside takot na takot na ito.
"Hindi kita bina-blackmail. Simple lang naman yung pinapagawa ko sa'yo. Gusto kong mapalapit ka sa kanya at alamin ang lahat ng nangyayari sa buhay niya." hinilot niya ang kayang sentido. Kailangang sundin ni Bang ang iniuutos niya kung ayaw niyang makulong. "Dodoblehin ko yung ibabayad ko sa'yo. Ano, ayaw mo pa ba? Baka gusto mong triplehin ko pa."
May kinuha siyang cheke at pinirmahan ito. Sagot niya na lang ang kulang. Alam niyang pera lang ang katapat ni Bang. Yun lang ang mahalaga sa kanya kahit sa masama pa galing ito.
"Pag-iisipan ko." sasagot pa sana siya pero bigla na lang itong umalis. Hindi siya nag-aalala dahil alam niyang babalik si Bang at susundin ang utos niya.
Paalis na sana siya nang biglang bumalik si Bang. Napangiti siya. Mukhang pera talaga ang babae. Wala pang isang oras nagdesisyon na agad ito.
"Pumapayag na ako. Siguraduhin mo lang na babayaran mo ako ng tama" tumawa lamang siya at inabot ang chekeng kanina niya pa binibigay.
"That's good to hear Sheila. Simulan mo na ngayon. According to my source, nasa Teng's Restaurant sila ngayon. Alam mo na ang gagawin?" tumango lang si Bang at napangiti. Gusto na rin niya ang kanyang pangugulo sa buhay nito. Kabayaran na rin sa mga ginawa nito sa kanya.
Kim's Point of View
I spend my one week vacation with Jeric. Nagtatampo na ang mahal kong boyfriend eh. Hindi kami nakapagcelebrate ng anniversary namin dahil busy ako school. Sa Baguio namin piniling magbakasyon dahil sobrang init dito sa Manila. Nakakapagod ang biyahe at nakakagutom pero worth it naman kasi I'm with him.
"I know you're hungry honeybunch" pinisil niya ang pisngi ko. Ang sakit nun ha.
"Good thing you know honeybunch" pakunyaring inirapan ko siya dahil trip ko lang.
"Don't worry andito naman na tayo sa restau." inihinto na niya ang kotse. "Let's go honeybunch"
Inilalayan niya akong bumaba ng sasakyan. Ang gentleman naman talaga niya. Hindi ko maiwasang kiligin. Nakakainis na talaga siya minsan. Wala na lang siyang ginawa kundi pakiligin ako.
"Good afternoon Ma'am/Sir" bati ni manong guard sa amin. Nginitian na lang namin si Manong. Palagi kami dito ni Jeric at mga kabigan ko kaya kilalang-kilala niya ako.
Palaging pinapa-reserve ni Jeric ang paborito naming table. Dito ko kasi siya sinagot. Naalala ko naman tuloy yun. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Kaasar talaga.
"Here's your food Ma'am/Sir" kakaupo pa lang namin nandito na agad yung food namin. Iba talaga kapag boyfriend mo ang may-ari ng restaurant. Iba talaga kapag Teng. Charot!
"Thank you" sabay naming sabi ni Jeric.
Nagniningning na naman ang mga mata ko. Parang ilang araw akong hindi kumakain dahil sa sobra kong gutom. Nakakahiya man sa boyfriend ko pero kakapalan ko na ang aking mukha. Pagkain yan eh. Sino ba namang tatangi sa pagkain? Aba, ang dami kayang mga pulubing hindi nakakakain. 'Wag ng mag-inarte. Lamon lang ng lamon.