-41-

68 3 0
                                        

Ara's Point of View

Nagulat ako dahil naroon ang family ko, family ni Thomas at mga kaibigan namin. Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Anong meron?" Naguguluhan kong tanong. Lumapit sa akin si Thomas. Linibot ko ang aking tingin. Naroon na rin si Kim at Manang na buhat si baby Tin.

Nilahad ni Thomas ang kanyang kamay. Linapat ko ang kamay ko roon. Nagpatianod lang ako sa paghatak niya sa akin hanggang sa makalapit kami sa aming mga pamilya at kaibigan.

"This is ours, my princess." Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. "GT's Restaurant is ours, my princess."

Umiling ako.

"Paanong nangyaring sa atin itong GT's Restaurant?" Kinagat ko ang aking labi. "GT? Galang-Torres Restaurant?" Tumango siya.

"Yes, my princess. Habang nawawala ka, napag-isipan kong magtayo ng sarili nating restaurant. Sabi ko sa sarili kong, hindi ko ito bubuksan hanggat nawawala ka kahit na kumpleto na ang mga empleyado. I hope you like it!"

Hindi ulit nakapagsalita. Niyakap ko lang siya at hinalikan. Wala akong pakialam kahit nasa harapan pa namin ang aming pamilya. Nagsihiyawan  sila sa ginawa ko.

"I love you, Thomas!"

"I love you more, Victonara!"

Linibot ako ni Thomas sa buong restaurant. Masasabi kong napakaganda ng napili niyang building. Pinakilala niya ako sa mga Chefs pati na rin sa waiters and waitress.

"This is our office." Giya niya sa akin pag-akyat namin sa ikalawang palapag. Malawak yung office. May tig-isa kaming table at may isang kwarto pa kung saan ay pwede kaming matulog. "What can you say?"

"I'm speechless. I'm so proud of you, Thomas." Niyakap ko ulit siya.

Ang swerte ko naman sa lalaking ito.

"Let's go downstairs. Baka gutom ka na. Ayokong nagugutom ang princess ko."

Magkahawak-kamay kaming bumaba. Kumakain na ang mga kasama namin. Nakisalo na kami sa kanila.

Napatingin ako kay Mika na busy'ng kumakain katabi si Kim. Nasa harapan niya lang naman kasi si Jeron at Jeanine. Ang awkward.

"Asan nga pala si Kuya Jeric?" Tanong ko sabay tingin kay Kim. Tipid siyang ngumiti.

Napansin ko ang pag-iling ni Kim kay Jeron.

"Busy si Kuya." Sagot ni Jeron.

Magtatanong pa sana ulit ko kaya lang biglang tumili si baby Tin.

Natawa kaming lahat.

"Manang, pakidala na lang dito si baby Tin para makakain ka na. Kami na muna ang bahala sa kanya." Saad ko. Pinaggitnaan namin ni Thomas si baby Tin. "Gusto mo na ring kumain, baby?" Lumabi ako't hinawakan ang baba niya. Ngumiti siya kaya't nawala na naman ang singkit niyang mata.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon