-34-

71 4 0
                                    

Thomas' Point of View

Paalis na kami ng condo nang biglang tumunog ang phone ko. Ngayon ang tungo namin sa Davao. Tumatawag si Mommy Betchay. Nauna akong lumabas para sagutin ang tawag.

"Thomas, hijo. Papunta kami ngayon sa prisinto. Nahuli na yung nang-utos para kidnapin sina Ara. Itetext ko sa'yo yung address."

Kinuyom ko ang aking kamay. Humanda siya sa akin. Siguraduhin niya lang na ligtas ang mag-ina ko kung hindi, baka mapatay ko siya.

Binalikan ko sa loob ang mga kaibigan ko. Muntik ko pang mahalikan si Kim dahil pagkabukas ko ng pinto ay siya ang bumungad.

"Guys, nahuli na raw ang mastermind sa pagkawala nila Ara. Pupunta na ako ngayon doon. I'm sorry I can't go with you guys."

Hindi ko na inantay pa ang reaksyon nila. Mabilis akong tumakbo patungo sa parking lot.

"Ika-cancel ko yung flight natin. Take care bro."  I heard na sinabi ni Jeric. I just wave my hand as my answer.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. Buti na lang maluwag ang trapiko ngayon.
Sina Mama ang bumungad sa akin pagkarating ko. Tinanong ko kung saan ang selda. Tinuro naman nila agad sa akin.

I saw Mommy Betchay crying. May kausap siyang babaeng kamukhang-kamukha niya. Inaalo naman siya ni Daddy Tito.

"Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Marivic. Alam kong masama ang loob niya sa inyo pero hindi ko maatim na nakagawa siya ng krimen dahil doon." Saad 'nung babae na kamukha ni Mommy Betchay. "How can she do this to her twin sister?"

Twin sister?

"Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko pinamigay si Vic, hindi ito mangyayari. Wala akong kwentang ina." Iyak ni Mommy Betchay.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Walang nabanggit sa akin si Ara na may kakambal siya.

"Don't blame your self, Betchay. Hindi mo kasalanan kung bakit nagkasakit si Ara 'nung bata pa siya. Walang may gusto nito. Walang ibang dapat sisihin kundi ako lang. Hindi ko sinabi kay Vic na walang maalala si Ara mula nang maoperahan siya. Ayokong masaktan siya. Alam niyo naman kung gaano niya kamahal ang kambal niya."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili.

"What's happening here?"

Nagulat sila sa presensya ko. Ikinuwento nila ang lahat sa akin. I feel pity for Ara and to her twin sister. She can't remember anything from her childhood pero mali pa rin ang ginawa ni Marivic. Magkahalong galit at awa ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tinakbo ni Bang si Ara. Inutos ni Marivic na ilayo ang baby namin kay Ara at hindi niya alam kung saan niya dinala ang baby namin.

"Marivic Meneses." Tawag ko sa kanya. Nagulat pa siya sa aking presensya.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon