-18-

105 2 0
                                    

Ara's Point of View

Nagstay muna si Thomas sa dorm. Nagmovie marathon lang kami maghapon. Wala na naman mga teammates ko. Busy pa ang mga yun sa kani-kanilang requirements.

Sa kalagitnaan ng panonood namin biglang bumukas ang pinto ng dorm. Padabog ang pagkakabukas. Napatingin kami ni Thomas dun. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Mabuhay ang bagong mag-jowa!" sigaw ng mga teammates ko. Binuhusan pa kami ng mga confetti. Akala ko may magnanakaw na kanina. Kinabahan ako ng bongga dun.

Napairap ako sa kanila. Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Thomas.

"Nakakagulat naman kayo girls. Akala ko masamang tao na" pareho kami ng naisip ni Thomas. We're meant to be talaga. Char

Linapitan ako ni Ate Kim at hinatak palayo kay Thomas. Ang sakit 'nun ha.

"Hoy Victonara, makasandal ka naman kay Thomas. Sumbong kita sa Kuya mo eh" panira talaga si Ate Kim. Pag ako nainis paiinumin ko siya ng gluta. Matanong nga yung kasama ni Jeanine noon kung ilan ang iniinom niyang gluta sa isang araw. Sobrang puti kasi talaga ng babaitang yun eh.

"Atleast ako sandal lang, eh ikaw nga kung makahalik kay Kuya Jeric parang ayaw mo ng pakawalan" ganti ko naman sa kanya. Akala niya ha. Nalipat kay Ate Kim ang atensyon nila. Sabay-sabay siyang binatukan ng teammates namin. Buti nga sa kanya.

Tumigil sila sa kakabatok kay Ate Kim dahil nagsalita si Thomas. Sinabi niyang magpapalechon siya ngayon dahil nga kami na. De joke lang, magpapa-pizza daw siya.

Pinagkaguluhan nila ang boyfriend ko. Jusko, basta talaga pagkain ang pinag-uusapan hyper na hyper sila. Yinakap nila at hinalikan ang boyfriend ko. Hindi yun pwede.

"Hep, tumabi nga kayo!" tinulak ko sila isa-isa palayo kay Thomas. "Simpleng pasasalamat lang okay na. Kailangan talagang may yakap at halik? May I remind you girls, akin lang ang Bimby ko. Akin lang ang BOYFRIEND ko!" dinuro-duro ko sila. Sinamaan nila ako ng tingin.

Aba, sila pa talaga ang may ganang mainis ha.

"Iyung-iyo si Bimby. Child abuse yan oy!" -Justine

"Basta ako, hindi ipagpapalit ang crush kong si Kib. 'Wag mo sabihin sa kanya ha, Kuya Thomas" -Desiree

"Naku, hindi ko ipagpapalit ang Jeric Teng ko!" -Ate Kim

"Posessive much, Ate Ara?" -Majoy

"Don't worry Ate A, may Dudut naman ako eh!" -Kianna

Hindi ko na lang sila pinansin. Sabay-sabay ba naman silang nagsalita. Ang ingay tuloy lalo rito. Ito ang isa sa mga mamimiss ko pag-alis dito.

Pagkatapos naming kumain, iniwan na kami ng mga teammates ko para daw sa privacy namin. Nagsi-akyatan na sila sa kani-kanilang mga kwarto. Mabuti naman at naisip nila yun. Gusto ko ring makapagsolo kami ni Thomas. Charot!

"Wala ng istorbo" bigla akong niyakap ni Thomas. Kinilig na naman ang ate girl niyo. Syempre hindi ko ipinahalata. "Lets stay like this for a while, please? Gusto ko lang yakapin ka ng matagal" Pabulong niyang sabi. Halos malagutan na ko ng hininga. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Buti na lang nakaupo kami.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon