Ara's Point of View
Hindi na ako makapaghintay pa. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at tumakbo. Wala akong pakialam sa mga nakakakita sa akin. Naririnig ko ang sigaw sa akin ni Grethcel at 'nung isang pulis. Napapatingin sa akin yung mga taong nadadaanan ko. Ikaw ba naman habulin ng pulis diba? Akala siguro nila nagnakaw ako or something. Bahala kayo diyan. Ang importante sa akin ngayon ay makauwi na.
Hingal na hingal ako nang makarating sa building ng condo ni Thomas. Ang tagal bumukas ng elevator kaya naghagdan na lang ako. Buti na lang at athlete ako. Sisiw lang sa akin ang pagtakbo. Mas mahirap pa nga ang training namin dito eh. Panay din ang tunog ng phone ko. Nang nasa floor na ako ng unit ni Thomas ay naglakad na lang ako.
Nakatayo si Thomas sa harap ng unit niya, nakaharap sa akin. Natulala ako sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napakalakas pa rin ng epekto ng lalaking ito sa akin. Wala pa ring nagbabago. Parang tumigil yung ikot ng mundo, yung parang bang nagslowmotion ang lahat ng nasa paligid.
Lumabo ang paningin ko dahil sa luha ko.
"Thomas" bulong ko.
Napangiti ako't tumakbo palapit sa kanya. Open arms niya akong sinalubong. Tumalon ako't nagpabuhat sa kanya. Pinulupot ko ang aking hita sa kanyang bewang samantalang ang kamay ko nama'y nasa leeg niya. Nakaalalay naman ang kanyang kamay sa may likuran ko.
Hindi kami nagsalita. Gusto lang namin i-seize ang moment na 'to.
Naramdamanan ko ang labi ni Thomas sa aking labi. Tinugunan ko ang bawat halik niya.
How I miss this guy.
May narinig kaming mga nagsisinghapan kaya binababa na ako ni Thomas. Nasa paligid lang naman namin ang aming mga kaibigan at pamilya.
Niyakap ko silang lahat.
Niyaya ko silang pumasok na sa loob ng condo dahil nakakahiya sa mga tao.
Kinuwento ko ang lahat nang nangyari sa akin. Maliban sa naging plano ni Vic at nang ginawa niya.
"Napakasama ng babaeng 'yan. Dapat lang na mabulok siya sa kulungan. Dinamay pa ang apo ko." Nanggagalaiting sabi ni Mommy. Inaawat siya ni Daddy dahil baka ma-highblood siya.
Pinagpahinga muna nila ako. Hinatid ako ni Thomas sa kwarto namin. Nadatnan namin ang isang katulong roon, may binabantayang baby sa may crib.
"Ako na po ang bahala kay Ernestine. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako." Saad ni Thomas. Agad namang lumabas ng kwarto namin ang katulong.
"Kaninong anak itong napakacute na baby?" Hindi ko maiwasang haplusin ang pisngi ng baby.
"I adopt her." Napaawang ang labi ko. Magsasalita sana ako pero pinigil ko. "Nakita ko siya sa labas ng unit natin. Hindi ko alam kung sino ang walang pusong nang-iwan ng kawawang bata. I checked the CCTV footages but wala eh, hindi makita ang mukha ng tao kahit i-zoom pa ito." Nagising ang baby. Hindi siya umiyak. Nakangiti siya habang nakatingala. Hindi ko alam kung may naaaninag na ba siya or something.