-1-

606 14 0
                                    

"Hoy Ara! Itsura mo naman." puna ni Kim. Nananahimik na nga lang ako dito, pinansin pa.

Sapakin ko kaya 'to?

Inirapan ko lang ang negra. Palibhasa kasi kasama niya si kuya Jeric, boyfriend niya. Ako nga lang ang walang partner eh. Si Mika naman, girlfriend ni Jeron. Edi sila na ang may jowang Teng.

Ang saklap.

"Thomas is on his way na." sigaw ni Jeron. Kailangan talagang isigaw?

Nandito nga pala kami sa bahay ng mga Teng. Nilalanggam na ako sa ka-sweet-an ng mga magjowa dito eh.

"Yieeeh! May kinikilig." tili naman ni Mika.

"Alam ko kung sino." nakisali naman si Kim.

Porket nalaman lang nila na crush ko si Thomas, inaasar na nila ako ng ganito.

Hustisya para kay Victonara. Charot!

"Tigilan niyo ko kung gusto niyong samahan ko pa kayo sa mga dates niyo." pagalit kong sabi. Nakakahiya naman kasi talaga. Ayokong inaasar nila ako kay Thomas lalo na't nandito si Jeron na bestfriend niya.

"Don't worry safe ang secret mo sa akin, Ars." singit ni Jeron.

Talagang sa'yo safe. Eh sa dalawa kong kaibigan, hindi. Sa daldal ba nilang yan. Jusko!

Tinanguan ko lang si Jeron. Wala ako sa mood ngayon makipag-asaran.

*beep beep

"Si Thomas na siguro yun." sabi ni kuya Jeric. May huminto kasing kotse sa tapat ng bahay nila.

Sumilip naman si Jeron. "Siya nga yan."

Bigla na lang akong nataranta. Kinuha ko ang aking phone at tinignan ang mukha ko.

"Bro!" sigaw ni kuya Jeric sabay fistbump kay Thomas na kararating lang. Ganun din ang ginawa ni Jeron.

Mga lalaki talaga.

Oh no. Andyan na si crush. Kumusta naman ang hair ko. Buti na lang hindi na dry ang hair ko 'coz I came prepared nag-Palmolive ako. Ilugay ang hair sumabay lang sa flow with Palmolive come on let's go.

Napakanta tuloy ako. Tss!

Shiz. Sumulyap siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Nahihiya ako.

"Nandito pala si Ara. Akala ko wala na naman akong partner." tumabi sa 'kin si Thomas. Nagwawala na naman ang puso ko.

What does he mean?

"Ayaw mo 'nun may partner ka na." sabi ni kuya Jeric. "Pareho kayong chaperon tuwing may mga dates kami." sabay tawa.

Kuya Jeric naman eh. Ipamukha ba namang chaperon kami. Oo na, kami na walang jowa.

"Uy bagay. Parehong chaperon." sabat ni Kim. Ayan na sila. Hindi na ako magtataka kung sumingit na din si Mika. Bully yang mga yan eh.

"Tumigil nga." irap ko ulit.

Tumawa silang lahat maski si Thomas. Nawala tuloy ang kanyang chinito eyes.

Nakakakita pa kaya ito?

"Bakit kasi hindi na lang kayo?" biro ni Mika. "Bagay naman kayo ah. Diba nga may loveteam na kayo? #ThomAra" kinikilig na sabi ni Mika. Nakita ko namang siniko siya ni Jeron.

Buti pa si Jeron hindi nahahawa kay Mika samantalang si Kim, nahawaan agad si kuya Jeric.

"Yun ay kung payag si Ara. Wala namang problema sa akin. She's single, I'm single we're meant to be." nakangising sabi ni Thomas.

Nanlaki naman ang mata ko. Sigurado, namumula na ang pisngi ko.

Nakisabay pa kasi si Thomas.

"Aaahhhhhhhhhh" sabay na tili ni Mika at Kim. Halos mapatalon pa ko sa gulat.

"Kayo talaga. Let's eat na nga." umiiling na sabi ni Jeron pero nakangiti ito.

Kinikilig ako. Ngayon ko lang nakasama si Thomas. Nai-kwento rin sa akin ng dalawa kong mabait na kaibigan na tuwing hindi ako nakakasama sa mga dates nila, si Thomas ang sumasama.

Parang hindi naman kapani-paniwalang walang girlfriend si Thomas. Sa gwapo ba namang yan. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa kanya?

Ako ngang pusong-bakal nagkagusto sa kanya, yung ibang babae pa kaya?

"Mauna ka na, Ara. Pupunta pa kami sa restaurant nila Tito Alvin." paalam ni Mika.

"Sumabay ka na lang kay Thomas. Sa Taft din naman punta niyan eh!" dagdag ni Jeron.

Ano ba yan? Alam na nga nilang nahihiya ako kay Thomas eh. May magagawa pa ba ako? Chance ko na rin ito kay Thomas. Char!

"Hoy Torres. Ingatan mo si Ara ah!" paalala naman ni Kim. Grabe siya oh!

"No problem. Sige ingat kayo!" sabi ni Thomas. "Let's go?" baling niya sa akin.

Tumango lang ako.

"Pasok ka na." pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya. Gentleman ang baby ko. Inalalayan niya rin ako. Para namang mapahahamak ako nito.

"Salamat." sabay sara ko ng pinto.

Pumasok na rin siya't ini-start ang kotse. Ang cute niya talaga. I want to pinch his cute cheeks.

"Put your seatbelt na." oo nga pala. I forgot.

Ikakabit ko na sana pero inunahan niya ako. Kaya pala inihinto niya ang kotse.

Lumapit siya sa akin at halos ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko ang kanyang pabango, nakakalasing. Pwede bang forever na kaming ganito?

"Ako na." ngumiti ako. Naiilang kasi ako sa titig niya parang matutunaw na ako. "Continue driving." saad ko.

Tumango lang siya. "So Ara, hindi ba natin pagbibigyan ang ThomAra fans natin?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Anong pagbigyan?

"Ano?" yun lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko gets eh.

"Nothing." ngumiti siya.

Ang gulo naman ng lalaking ito.

*riiingggg riiiingggg

"Ara, can you please answer my phone? Paki-loudspeaker na lang. Thanks." nakatingin lang siya sa daan.

Ginawa ko naman. Si Kuya Axel yung tumawag.

"Hello kuya?" mahinahong sabi ni Thomas.

|Asan ka? Nasiraan ako ng kotse. Pick me up.|

"On my way to Taft na ko eh. Where are you ba?" ang conyo talaga ng Bimby ko. Ang cute talaga.

|Teng's restau. Akala ko nandito ka. Nandito ang Teng brother's with their girlfriends|

"Sumabay ka na lang kay Jeron. Sa Taft din naman ang punta mo diba?" ang bad naman ni Thomas ko. Gusto yata akong masolo eh. Joke lang.

|Sino bang kasama mo?|

"Ara Galang." sumulyap siya sa akin. Nakita kong namula ang pisngi niya. Nahiya siguro.

|Tss. Kaya pala. Sige na. Bye|

Anong ibig sabihin ng kaya pala niya?

Ayokong mag-assume pero hindi kaya crush ako ni Thomas? No. Erase erase. Imposible yun.

Nevermind it na lang Ara. Wala lang yun.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon