Ara's Point of View
Unti-unti kong minulat ang mata ko. May dalawang mukhang bumungad sa akin. Grabe naman. Ano bang meron at nandito sila sa kama ko?
"Oh problema niyo?" bumangon na ako. Dumiretso ako agad sa banyo para maghilamos at magmumog.
Pero teka lang. Paano ako nakapunta dito sa kama ko? Sa pagkakaalam ko, sa kotse ako ni Thomas nakatulog at wala akong maalalang ginising niya ako.Don't tell me.....
"Kwento na dali" pagkalabas ko ng banyo yun agad ang bumungad sa akin. Kinikilig na naman si Mika at Kim.
"Oo nga. Ang haba ng hair mo sleeping beauty" si Kim.
Sleeping beauty?
"Tatanga ka na lang ba dyan, Ara?" tinaasan ako ng kilay ni Kim. "Ah, siguro nagulat ka kung bakit paggising mo andyan ka na sa kama mo. Binuhat ka ni Thomas"
Napatakip ako ng bibig.
"Nakakakilig nga kayo kagabi eh. Parang bagong kasal lang" pumalakpak pa si Mika pagkasabi niya nun. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
Dahil maaga pa, humilata muna ako sa kama. Makapag-facebook, twitter at instagram nga muna. Sabog ang notifs ko dahil sa ni-tag ng mga fans ko pero mas nagulat ako sa isang tweet na naka-mention ako.
Kinikilig naman ang lola niyo sa simpleng "good morning" niya. Umagang-umaga nagpapakilig si Thomas. Nakakainis.Ni-reply-an ko naman siya ng:
Wala pang isang minuto, sabog na agad notifs ko. Pinatay ko na ang phone ko't naghanda na para pumasok sa school.
-
"Ara" palabas na ko ng room dahil tapos na ang class ko nang may biglang tumawag sa akin.
Si Jeanine.
"Hi Jeanine" lumapit ako sa kanya tsaka bumeso. Ang ganda niya. Close ako sa kanya hindi lang dahil sa siya ang csr namin kundi mabait talaga siya't marunong makisama.