Ara's Point of View
Sinamahan kami ni Thomas sa Taft. Bibisitahin ko ang teammates ko and to check Kim na din. I'm with baby Tin. Maggo-grocery din kasi kami after.
I'm wearing white shirt and maong shorts, nakahantad ang legs ko kaya medyo nagalit si Thomas. He's wearing white shirt din and maong shorts pati rin si baby Tin na buhat-buhat ko.
Pinagkaguluhan nila si baby Tin pagkarating namin sa Razon. Si Thomas naman nakipagkumustahan sa mga dati niyang teammates na naroon.
Hawak ngayon ni Ate Cyd si baby Tin kaya lumapit ako kay Kim na nakikigulo din.
"Kimmydora, how are you na?" Nagulat pa siya sa akin. Inirapan niya ako.
"Nakakagulat 'to!" Pagsusungit niya sa akin. "I'm fine, Ara." Tinitigan ko siya. "Oh, bakit?"
Umiling ako.
Biglang umiyak si baby Tin kaya kinarga ko muna siya. Tumigil naman siya pagkakarga ko sa kanya.
Batang 'to talaga. Miss ako agad!
"Andito na si Mama. Don't cry na, Tin." Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi. "Mga Tita po mga yan." Pinakilala ko isa-isa mga teammates ko kay Tin na para bang naiintindihan niya.
Tinukso pa ako ng teammates kong sanay na sanay sa pag-aalaga kay baby Tin.
"Mauuna na ko guys!" Si Kim. "Andyan na sundo ko." Nakangiting sabi niya pa.
Kuya Jeric is here. Meaning, okay pa sila pero hanggang kailan?
Pinanood lang namin siyang paalis ng Razon habang nakaakbay sa kanya si Kuya Jeric.
"Aalis na rin kami." Saad ni Coach Ramil. "Yung mga may klase pa dyan, kumilos na."
Napangiti ako. Hindi lang siya basta Coach sa amin, he's also like our father.
"Bye, Lolo Ramil, Lolo Noel and Lolo Boc!" I wave Tin's hand.
Nagsipaalam na yung mga teammates ko. Si Mika na lang ang naiwan, lumapit siya sa akin habang umiiling.
"I think, alam mo na yung sitwasyon ni Kimmy." Umiling siya ulit. Napatingin ako sa kanya. "Naghiwalay na sila eh pero nagkabalikan ulit. Ang rupok ni Kimmy." Hinalikan niya si baby Tin. "Don't gaya your Tita Kim and Tita Mika ha. 'Wag kang mainlove sa Intsik, okay?" Sinapak ko si Mika na tatawa-tawa.
"Baby pa ang anak ko, Ye." Inabot ko sa kanya si Tin. "Alam kong gusto mo siyang buhatin eh."
Nagkwentuhan kami ni Mika ng kung anu-ano hanggang sa lumapit na sa amin si Thomas. Nag-aya na siyang maggrocery. Umirap pa si Mika kay Thomas. Parang bata talaga ang babaitang 'to.
Si Thomas ang nagtutulak ng cart samantalang ako'y tinutulak ang stroller ni Tin. Binigay ko ang listahan ng mga bibilhin kaya pinabayaan ko na lang siya pumulot ng mga items. Nakasunod lamang ako sa kanya.
"My prince, gutom na ako!" Nakanguso kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko.
"Okay. Let's after I pay all of this." He kiss my lips. Shemay, PDA naman nitong soon to be husband ko.