-17-

106 3 0
                                    

Third Person's Point of View

Kinakabahan si Ara dahil ito na ang araw  para magcover sila ni Thomas.

"Hi ThomAra!" masiglang bati ni Maris pagdating niya sa rooftop. Doon nila napili ni Thomas dahil ito ang paborito nilang lugar sa La Salle. Tumayo sila para salubungin ito at para na rin bumeso sa kanya. "Handa na ba kayo?" nakangiti niyang tanong habang sinasabit sa kanyang balikat ang gitara.

Sabay silang tumango ni Thomas.

Nakahanda na ang camera. This is it pansit! Nagsimula ng mag-strum si Maris.

Ara

Sa hindi inaasahan ay nabuo ang ship na ito
May isa lang in-interview
Damang-dama na ang kilig dito

Maris

Di pa nagtapos ang pagship sa dalwa
At hinding-hindi na ipapatapos pa ito

Thomas

Isinisigaw pa nitong ThomAra
Ang katagang kumapit pa

Maris

Ba't 'di pa ligawan ang dalagang si Galang?
Kami'y umaasa mula pa nung una

Ara&Thomas

Razon ang tagpuan tuwing magtitraining na

Ara

Pwede bang kumilos ka?

Thomas

Saan nga ba patungo?
Kakapit pa kahit nasasaktan na

Ara

Ang barko ng THOMARA ay naglalayag pa rin sa isip at puso ko

Thomas

Ba't di pa sabihin ang tunay mong damdamin?

Maris

Si Torres ay nandyan at naghihintay pa rin

Thomas

'Wag mong ikatakot
Magulo ba ang puso mo?

Maris

Asahan mo ito
Ang end game ay kayo

Ara's Point of View

Sa wakas natapos din kami. Buti na lang hindi kami nagkamali kanina. Sobrang kinabahan pa man din ako.

"Salamat Maris sa tulong mo" linapitan ko siya't niyakap. "Alam naming busy ka pero nagkaoras ka pa rin sa amin. Salamat talaga" bigla akong inakbayan ni Thomas. Tumindig pa ang balahibo ko. Iba talaga epekto sa akin ng chinitong 'to.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon