Ara's Point of View
Maaga akong nagising kinabukasan. Sunday ngayon, panigurado magsisimba kami lalo na't kumpleto kami. Naligo ako agad. Pumili ako ng komportableng damit. Naisip kong baka magyayang gumala si Kuya.
Kumatok ako sa guest room agad din namang bumukas yun.
"Good morning, princess" Salubong sa akin ni Thomas. Hinalikan niya ako sa pisngi.
Nakabihis na rin siya tulad ko.
"Good morning, Thomas" bati ko din sa kanya. "Musta ang tulog mo?" Hinuli niya ang kamay ko.
"Ayos naman. Nakatulog ako ng maayos" Magkahawak kamay kaming bumaba.
Naroon na silang lahat sa hapag. Kami na lang ang hinihintay nila. Bumati kami sa kanila saka umupo para makakain na. Sinabi ni Mommy na after naming magsimba ay sa farm ang tuloy namin.
Ganun nga ang ginawa namin. Van ang ginamit naming sasakyan. Hindi kami kasya sa kotse ni Kuya.
"Ipasyal mo muna si Thomas sa farm, Ara. Kami na ang bahala rito" Si Mommy. Hinahanda nila ang pagkaing lulutuin. Dito kami maglalunch. Yun ang gusto nila eh. Maganda nga naman yan kesa naman kumain pa kami sa labas.
Masarap ang hangin. Hindi mo mararamdaman ang init ng araw. Dinala ko si Thomas sa tree-house kung saan ako palagi. Kitang-kita rito ang buong farm. Tinuro ko sa kanya ang lupang pinagtataniman namin. Maski yung mga alaga naming baka at kambing.
"Ang sarap sigurong manirahan rito. Simple lang ang pamumuhay!" Saad ni Thomas habang tinitignan ang nagsasayawang mga puno.
"Oo naman. Hindi mo na kailangan pang bumili ng gulay na iluluto mo. Magsipag ka lang sa pagtatanim tiyak hindi ka magugutom rito. Yun nga lang, mahina ang signal" Humiga ako sa papag. Inunan ko ang aking kamay.
Tumabi sa akin si Thomas. Inunat niya ang kanyang braso.
"Dito ka umunan" Nginuso niya ang kanyang braso. Hindi na ako nag-inarte pa. Agad na rin akong umunan roon.
Nakangiti kaming humarap sa isa't-isa. Linapit niya ang kanyang mukha sa akin. Hinalikan niya ang noo ko, ilong ko at pisngi ko. Dinampian niya rin ng halik ang labi ko. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. Hinalikan niya uli ako sa labi ko. Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang halik na yun. Hindi ko namalayang tinutugunan ko na rin ang halik niya. Habol ang hininga namin nang maghiwalay ang aming labi at hindi nawala ang ngiti namin sa isa't-isa.
"Wala pa tayong picture mula nang maging tayo" Saad niya.
Oo nga no? Hindi ko naman kasi naiisip yun kapag magkasama kami.
"Edi let's take a picture. Here" Inabot ko sa kanya ang phone niya.
Maraming shots ang ginawa namin. Siya raw ang magpopost 'non. Hindi ko na siya kinontra.
Niyaya ko na rin siyang bumalik sa may kubo. Alas onse y media na. Mamaya na ang balik namin sa Manila.
Djun's Point of View
"Nariyan na pala ang dalawa" Saad ni Dad habang tinuturo si Thomas at Ara. Talaga namang todo alaay ang nobyo ng kapatid ko. Babaeng-babae na talaga siya at nasisiyahan ako doon. Nakikita kong masaya ang kapatid ko kay Thomas.
May tiwala ako kay Thomas at naniniwala akong hindi niya lolokohin ang kapatid ko tulad nang ginawa ng Bang na yun. Abot hanggang langit ang galit ko sa babaeng yun. Ang kapal ng mukha niyang lokohin ang kapatid ko.
