-35-

60 2 0
                                    

Ara's Point of View

Nagising ako sa munting ingay mula sa labas ng kwartong kinaroroonan ko. Nagpanggap akong tulog para mapakinggan ang pinag-uusapan nila dahil narinig ko ang pangalan ko.

"Wala pa rin ba siyang naaalala, Sheila?" Saad ng babae.

"Wala pa rin, Tita. Sana 'wag na bumalik ang alaala ni Vic." Saad ni Bang.

Yun ang akala mo dahil kailan man, hindi nawala ang memories ko. Salamat kay Doc Pineda na Tita ni Bang.

Alam ko ang lahat ng tungkol sa balak nila ni Marivic dahil sinabi sa akin ng kakambal ko. Palagi kaming nagkikita ng patago mula nang may maalala ako na kapatid ko siya. At kinasabwat namin ang Tita ni Bang. Hindi naman talaga niya ako in-inject-an ng drug pero yun nga lang niloko ni Bang si Marivic, matagal na siyang may kutob na tatraydurin siya nito. Isinuplong niya sa mga pulis ang kakambal ko at tinakas niya ako kaya nandito kami ngayon sa Davao City. At yung anak ko, nawawala. Hindi ko alam kung saan dinala ni Bang. Yun ang kailangan kong malaman. Nagkamali din ako sa pagtitiwala kay Marivic. Trinaydor din ako ng kapatid ko. Nagpadala siya sa kanyang galit.

Napakahirap para sa akin ang magpigil ng galit lalo na't araw-araw kaming magkasama.

Lumubog ang kama na kinahihigaan ko. Unti-unti kong dinalat ang aking mga mata, nasa tabi ko si Bang na nakangiti.

"Good morning, love. Nagising ba kita?" Umiling ako at umupo.

"Good morning din." Saad ko. "Nagugutom na ako. Nakaluto ka na ba ng breakfast?" Tumango naman siya.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Nakakainis. Ang iksi na ng buhok ko pero angat pa din ang ganda ko kay Bang. Sinabi niya sa aking lesbian ako at matagal na kaming magkarelasyon.

Nakahain na si Bang pagkalabas ko. Ganito naman araw-araw. Hindi niya ako hinahayaang kumilos. Kumbaga, buhay reyna ako rito.

"Aalis nga pala ako bukas, love. May konting aberya lang sa negosyo." Nagkunyari akong malungkot at napansin niya naman kaagad. "'Wag ka ng malungkot, 1 week lang siguro ako dun."

"Alam mo namang mamimiss kita eh. Gusto kitang makausap araw-araw but I don't have phone naman. Paano yun, love?" Shiz. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi ko.

"Oo nga no? Dibale, I'll give you money. Ikaw na lang bumili ng phone mo para makapili ka ng gusto mo." Tumayo ako at niyakap siya as my thank you.

Kinabukasan, maagang umalis si Bang. Hindi ko na siya naabutan nang magising ako pero binilin niya ako sa mga tauhan niya. Nakahanda na rin ang breakfast sa hapag.

Akala ko ihahatid lang ako ng mga tauhan sa mall pero nagkamali ako, kahit saan ako pumunta ay nakasunod sila. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na mukha, sinundan ko siya. Mabuti na lang sa CR ang tungo niya, ibig sabihin hindi makakasunod yung mga tauhan.

"Grethcel Soltones!" Tawag ko sa kanya pagkapasok ng banyo. Nanlaki pa ang mata niyang singkit.

"Ara?!" Tinakpan niya ang kanyang bibig. "Alam na ba nila Thomas na nandito ka sa Davao?"

"Tulungan mo ako, Grethcel!"

Thomas' Point of View

Habang naglalakad pauwi galing sa gym, may nakita akong something sa labas ng unit ko. Umuwi si Mika sa bahay nila baka raw kalbuhin siya ni Ara kapag nalamang sa condo ko siya natulog ng kaming dalwa lang. Mabuti raw sana kung meron si Kim.

Fuck.

Sinong tarantado ang nang-iwan ng baby dito at talagang sa unit ko pa? At parang kapapanganak niya pa lang.

Tumingin ako sa paligid, it's clear. Walang tao. Binuhat ko yung baby at pinasok sa loob.

Anong gagawin ko dito?

One person comes first to my mind. Si Mika.

Tinawagan ko siya habang nasa lap ko yung baby. Buti na lang hindi siya iyakin.

I want to tell din sana kay Kim at Jeric kaya lang baka bigla silang umuwi, masira ko pa vacation nila.

"Paano ka nagawang iwan kung saan ng mga magulang mo? You're so cute baby."

May kamukha ang baby na to. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ako or something.

Paano kung siya pala ang anak namin? Paano kung si baby Grace pala itong karga ko?

Pero imposible. Talagang imposible.

Few minutes later, Mika arrives na.

Gulat na gulat siya dahil may dala akong baby. Hindi ko kasi sinabi sa kanya. Sinabi ko lang na may emergency.

"Kaninong baby yan?" Tumabi sa akin si Mika at hinawakan ang kamay ni baby. "Hala. She looks like Ara."

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari.

"Akala ko I'm just hallucinating kanina. Napansin mo rin palang she looks like Ara." Kinuha niya na sa akin yung baby dahil hindi ko raw alam magbuhat. Baka mapilay ko daw. Kawawa naman.

"Parang I know what's on your mind, Thomas." Umiling-iling siya. "May mga tao talagang magkakamukha kahit hindi naman magkadugo. Anyways, anong gagawin natin kay baby?"

I want to adopt this child in a legal way. Magaan ang loob ko sa batang ito. Ewan ko ba kung bakit.

"Stay here, Miks. I'll check lang the CCTV footage sa may security."

Tinanong ako nung staff if bakit ko gustong makita yung footage, sinabi ko na lang na may nag-iwan ng gift sa unit ko and I want to know if who it is. Pinakita sa akin yung CCTV footage. Isang lalaki ang nag-iwan nung baby.

Dahil hindi namin alam ni Mika kung anong gagawin, dinala ko yung baby sa house namin. Nagulat din ang family ko tulad ni Mika.

Binuhat agad ni Mama yung bata while si Papa malalim ang iniisip.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Thomas? Hindi madali maging isang ama." Tanong ni Papa. Sinabi ko sa kanila ang balak kong gawin.

"Yes Pa. I want to adopt this child. Baby is a blessing. Kung ang mga magulang ng bata na 'to ay tinapon siya pwes ako I will treat her like my real daughter." Hindi ko alam pero magaan talaga ang loob ko sa bata.

May kakilala si Mama para mapadali ang pag-adopt ko sa bata. Habang di pa ko graduate ay kina Mama na muna yung bata.

"Ano ipapangalan mo sa kanya, Thom? May naisip ka na ba?" Tanong ni Mika.

"Yes." Ngumiti ako. "I will name her Ernestine Torres."

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon