-33-

83 4 0
                                    

Third Person's Point of View

"Ako na ang bahala kay Thomas. Maghanda ka na lang ng isusuot niya." Saad ni Kim. Pinagtulungan nilang buhatin ang binata patungo sa bakanteng kwarto.

"Sigurado ka, Kim?" Tumango ito. "Okay, ikaw bahala. Tawagin mo lang ako if you need help. Lilinisin ko na lang muna yung mga kalat sa living room."

Hindi naman talaga niya papaliguan si Thomas. Pupunasan niya lang ito. Pang-asar lang naman niya yun kay Bea na mukhang epektibo naman.

Mabilis rin namang natapos si Kim kay Thomas. Mabuti na lang at dumating si Jeric na siyang nobyo niya kaya ito na ang nagbihis sa binata.

"I feel pity for Thomas. Mabuti na lang nagpunta kayo rito baka kung ano na nagawa ng babaeng yun." Nakwento na kasi sa kanya ang nangyari kanina.

"Oo nga eh. Sino ba naman kasi ang gagong kumuha kay Ara at sinama pa yung baby?" Asik ni Mika. "Kaloka si Bimby. Ang dami niyang kalat. Buti na lang nagpunta ka rito, Kuya Jeric!"

Sa awa naman ng Diyos ay malinis na ulit ang condo.

"Kailangan nating bantayan si Thomas. Kung maaari ay samahan natin siya dito. Baka kung ano na naman ang gawin  ng syota ni Ara." Saad ni Kim. "Magluluto na muna ako ng makakain natin. Sinilip ko yung refrigerator nila, ang daming laman."

Ilang oras din ang hinintay nila bago magising si Thomas. Gulat na gulat ang binata pagkagising niya. Bumungad sa kanya si Mika, Kim at Jeric. Nagulat siya dahil nasa iba siyang kwarto.

"Why are you here? And why I'm here?" Tanong niya.

"Alam mo bang sa sobra mong kalasingan ay nahimatay ka na?" Si Mika.

Hindi siya nakaimik. Inalala niya ang mga nangyari.

"Where's Bea?"

Napairap si Mika sa tanong ni Thomas.

"Girls, iwan niyo muna kami. Kakausapin ko lang si Thomas." Saad ni Jeric.

Nang makaalis na ang dalawa ay dahan-dahang umupo si Thomas.

"Bro, ano bang nangyayari sa'yo? Nawawala na nga ang mag-ina mo, nagkakaganyan ka pa. You think that's the best solution?" Panimula ni Jeric. Naaawa siya sa binata pero hindi dapat ganito ang ginagawa niya.

"Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kailangang mangyari ito. Hindi ko alam kung saan sila hahanapin. Hindi ko alam kung sino ang kumuha sila. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy ang araw ko kung wala sila. Ang hirap, Jeric." Litanya niya. Hindi niya napigilan pa ang sarili sa pag-iyak.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon