-11-

139 8 1
                                        

Ara's Point of View

Katatapos lang ng training namin. Malapit na ang finals. Ito na rin ang last season namin ni Mika. Nakakalungkot naman. Puspusan na talaga kami sa pagtraining lalo na't Ateneo ang makakalaban namin.

Paalis na ako ng gym nang biglang may umagaw ng atensyon ko.....

"Hi" nakangiti siya sa akin. Lalong sumingkit ang mga mata niya. "Sumama ka sa akin" hinila niya ako kaya nagpahila na lang ako.

"Saan ba tayo pupunta?" nasa labas na kami ng University. Kailangan kong umuwi ng maaga.

Ngumiti lang siya. Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse niya at tinulak ako. Grabe siya oh. Pasalamat siya, crush ko siya kundi nasapak ko na siya.

"Uy Thomas, san nga kasi tayo pupunta? Pagagalitan ako ni Coach Ramil kapag na-late ako bukas ng umaga sa training" mukha kasing malayo yung pupuntahan namin atsaka naka-shorts lang ako. Kakaligo ko nga lang kasi nga diba katatapos lang ng training namin.

"Nagpaalam na ako kay Coach kahapon pa. Check your phone. For sure ni-text ka ni Kim na hapon kayo magti-training bukas" cool niyang saad. Ini-start niya na ang kotse at nagsimulang magdrive. Na-plano niya na pala 'to. Ang galing niya ha. Knowing Coach na sobrang strict when it comes to training. Grabe.

Hindi na lang ako umimik. Kapagod kaya yung ginawa namin kanina. Talagang binigay ko yung 101% ko sa training para all out na para sa mismong game.

Nagugutom na ako.

"Kainin mo muna 'to" inabot niya sa akin yung monde mamon at isang bottled water."Alam kong gutom ka na" nabasa niya ba yung nasa isip ko?

"Thanks Thomas" ngumiti lang siya at focus na naman sa pagda-drive. Lalo siyang guma-gwapo kapag seryoso ang mukha niya. Uminit na naman tuloy ang pisngi ko. Kaasar ka talaga Thomas.

Binuksan ko yung radyo sa sasakyan niya.

Ba't di papatulan ang pagsuyong nagkulang
Ako'y umaasa hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo

Yun talaga yung kanta eh. Naalala ko tuloy yung ginawang kanta ng isang ThomAra fan. Hindi ko mapigilang di mapangiti. Kabisado ko kasi yung ginawa niyang lyrics na in tune of Tadhana. Napatingin naman ako kay Thomas. Nagulat ako kasi nakangiti din siya.

"Alam ko kung anong iniisip mo, Ara" hinawakan niya ang kamay ko. Heto na naman yung nararamdaman kong kuryente. Hindi ko na lang siya pinansin.

-

Hinila ako ni Thomas papasok ng ABS-CBN. Ngayon ko lang naalala na may GGV taping pala sila ni Axel. Ang pinagtataka ko lang, bakit kailangang kasama ako? Nandito yung Mama't Papa ni Thomas pati na rin yung mga kapatid niya. Nakakahiya.

"Hi Thomas. Hi Ara!" may lumapit sa aming isang bakla. "Halika na Ara nang ma-make up-an na kita"

Nanlaki ang mata ko.

"Make up?" naguguluhan kong tanong. Bakit kailangan kong magmake up?

"Hindi mo ba sinabihan si Miss Ara?" tanong nung bakla kay Thomas. Umiling siya sabay ngiti sa akin.

"Sumama ka na sa kanya Ara. Nandun na rin yung isusuot mo" pagkasabi nun ni Thomas hinatak na ko nung bakla. Hala, kinakabahan ako.

Pagpasok ko sa dressing room agad pinasuot nung bakla yung jumpshort na batman. Ang cute naman nito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Si Thomas ang bumili niyan. Nagpatulong siya sa mga kaibigan mo" napangiti na naman ako. "Ang swerte mo sa boyfriend mo"

Sinimulan niya na akong lagyan ng make up. Sinabihan ko siyang light make up lang. Sobrang kinakabahan ako sa mga mangyayari. Bahala na nga si batman.

"Ang pretty pretty mo talaga" pumalakpak yung bakla. "Palagi akong nanoood ng games niyo. Sobrang gandang-ganda talaga ako sa'yo. Wala ka pang make up nun ha. Mas lalo kang gumanda ngayon. Iba talaga kapag inlove"

Tinignan ko naman ang sarili ko saa salamin baka niloloko lang ako nung bakla eh. "Oh my gosh. Ako ba 'to?!" ang galing naman ng baklang 'to. Ginalingan talaga eh.

Nilagyan niya ko ng hair extensions. Ang iksi kasi ng buhok ko eh.

"Chuva ka!" pinalo niya ako ng mahina. "Ang oa mo ha. Matagal ka ng maganda. Lalong maiinlove jowa mo nyan"

Ngumiti ako. "Hindi ko boyfriend yun" napanganga naman siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi.

"Maniwala ako sa'yo. Mabuti pa isuot mo na itong sapatos mo. Malapit na magsimula yung show" sabay kaming lumabas ng dressing room. Nasa labas na yung family ni Thomas. Ako na lang ang hinihintay.

Lumapit ako sa kanila. "Ang ganda mo talaga ate Ara" hinila ako nung isang kapatid na babae ni Thomas.

"Oo nga. Kailan mo sasagutin si kuya?" napanganga ako sa tanong nung isang kapatid ni Thomas.

Sinuway naman sila ng Mama nila. "Tara na" hinila ako ni Tita Jane. "Pagpasensyahan mo na yung dalwang kapatid ni Thom. Gustong-gusto ka kasi nila"

Ngumiti ako. "Okay lang po Tita" katabi ko si Tita dahil baka daw pag-agawan ako nung dalwang babaeng kapatid ni Thomas.

Nakatingin sa akin yung ibang tao dito sa studio. Nagulat siguro sila kung bakit ako nandito. Ako nga rin eh nagtataka kung bakit ako nandito. Ano kayang binabalak ni Thomas?

Hinawakan ni Tita Jane yung kamay ko. "Relax ka lang hija" ngumiti na lang ako.

Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko pagkasabi nung isa sa mga staff na magsisimula na ang GGV.

Relax lang Ara. Relax!

A/N: Sorry maiksi lang siya. Mag-update ulit ako mamaya.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon