-45-

182 4 2
                                        

Ara's Point of View

Kanina pa may tunog nang tunog na cellphone. Istorbo naman sa pagtulog. Dahan-dahan kong inabot ang phone sa bed-side table. Nakapatong kasi ang braso ni Thomas sa tiyan ko baka magising siya. Ang bigat pa naman niya. Phone pala ni Thomas yung kanina pa tumutunog.

Jeron calling ....

"Damn it. Why you took so long to answer my damn call, Thom?!" Nailayo ko sa tainga ko ang phone. Sumigaw ba naman si Jeron. Sakit sa eardrums.

"He's sleeping, Je. Ano bang sasabihin mo? Sasabihin ko na lang sa kanya pagkagising niya." Sinulyapan ko si Thomas na mahimbing pa rin ang tulog. Ang gwapo talaga!

"Sorry Ara. Nandito kasi ako sa unit niyo. Kanina pa ako nagdodoorbell but no one wants to open it."

"Okay, wait lang ha. Lalabas na ako." I ended the call. Tinanggal ko ang braso ni Thomas sa tiyan ko. Tinapik ko ang mukha niya. "Thomas, gising na. Nasa labas si Jeron." Nanatili siyang tulog. Grabe naman ang lalaking 'to.

Napahaplos ako sa sikmura ko. Gutom na ako. Hindi nga pala kami nakakain ng dinner kagabi dahil nakailang rounds kami. Nagkalat ang mga damit namin sa sahig. Shemay. Nagbihis na muna ako saka naghilamos bago lumabas para patuluyin si Jeron.

"Pasok kayo!" Kasama niya pala si Jeanine. Mas lalo tuloy akong nahiya. Giniya ko sila sa sofa. "Sorry kakagising ko lang. What guys you want? Juice? Coffee or what?" Napakamot ako ng ulo.

"Coffee na lang." Jeron answered. Tumango lang ako at dumiretso sa kitchen para magtimpla ng kape nilang dalawa.

In-open ko yung stove para initin yung ulam namin kagabi. Pwede pa naman ito dahil kakaluto ko lang naman yun kagabi.

"WIFE?!" Rinig kong sigaw ni Thomas. "JT's, you're here pala guys?" Bigla na lang silang tumawa. Hindi ko narinig ang sinabi ni Jeron. Bahala nga sila.

Nakangiti akong lumapit sa kanila. Tumabi ako kay Thomas na naka-topless, nasa tapat namin ang JT's. Nagpasalamat sila sa tinimpla kong kape.

"We're here to gave your invitation sa wedding namin." Panimula ni Jeanine. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang ma-engaged silang dalawa. Inabot niya sa amin ang invitation.

Binasa ko yung nilalaman ng invitation. Abay kaming dalawa ni Thomas and sa China ito gaganapin. Ang bongga naman! Pero nawindang ako kasi sabay na ikakasal si Jeron at Kuya Jeric. Shems, double wedding.

"Congratulations Jeron & Jeanine." Bati ko sa kanila. Nilapag ko sa center table yung invitation. "Ikakasal na rin pala si Kuya Jeric at Ate Wensh?" Hinagod ni Thomas ang likod ko. Napayuko naman ang JT's. "It's okay. Nagulat lang ako kasi last month lang nang i-announce na engaged na sila tapos ikakasal na pala si Kuya Jeric." Nginitian ko sila para iparating sa kanilang ayos lang ako kahit na nasasaktan ako para sa mga kaibigan ko.

Tumikhim si Jeron.

"Itetext na lang namin kayo para sa fitting ng gowns at tux." Tumango kami ni Thomas. "Aasahan namin kayo ha. Hindi na rin kami magtatagal. Aalis na kami. Let's go babe." Magkahawak kamay na tumayo ang dalawa. Nakasunod lang kami sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon