Ara's Point of View
Nakangiti akong nakaharap sa salamin habang hinihimas ang tiyan ko. Malaki na ang tiyan ko at ilang na kembot na lang mahahawakan ko na si baby Grace.
"Princess, tara na. Baka ma-late tayo sa mass." Yinakap ako ni Thomas mula sa aking likuran. "How's our baby Grace? Gusto mo na bang lumabas?" Umupo siya sa harapan ko at dinikit ang kanyang tenga sa tiyan ko.
"Yes daw sabi ni baby Grace. Naramdaman mo ba yun, my prince? Sumipa siya." Tumango siya. Nakakatuwa lang na kahit nasa sinapupunan ko pa lamang siya ay nakikipagkomunikasyon na siya sa amin.
Magsisimba kami ngayon ni Thomas at after nun ay pupunta kami sa bahay nila. Baby shower ngayon ng baby namin na hinanda ng aming pamilya at kaibigan.
"Nariyan na ang mag-asawa!" Sigaw ni Mika.
Bumalik na siya sa dati niyang sigla. Medyo tanggap niya na hindi talaga sila ni Jeron ang para sa isa't-isa. Nakasurvive na rin si Jeron sa sakit niya. Si Ate Kim naman, matibay pa rin ang relasyon nila ni Kuya Jeric.
"Mag-asawa ka dyan. Hindi pa kami kasal no?" Sagot ko sa kanya. Nakaalalay sa likuran ko si Thomas, paliyad na kasi ako kung maglakad. Siya ang may dala ng bag ko.
"Asus, dun din naman ang tuloy niyo." Hinatak ako ni Mika palayo kay Thomas. Sinamaan siya ng tingin ni Thomas. "Sorry. Excited lang kasi ako eh. Kayo na lang kasi ang wala at saka sina Kimmydora. Alam mo naman ang babaitang yun, palaging grand entrance ang gusto kahit hindi naman siya ang bida." Nakairap niyang sabi.
Siya na ang umalalay sa akin patungo sa living room. Naroon na ang both family namin at mga kaibigan maliban nga lang kay Ate Kim at Kuya Jeric.
Pumunta sa gitna si Kib at Mika sa mini stage na ginawa nila. May hawak pa silang papel at microphone. Ang effort naman nila.
"Before we start the program, may I request, Ara Galang and Thomas Torres to sit in their respective seats." Saad ni Kib. Sinenyasan niya si Ben, Jason at Abu na agad pumunta sa amin. Giniya niya kami sa dalwang upuan sa may gitna.
Nagkatinginan kami ni Thomas at sabay na tumawa.
"Thank you guys. Okay, let's start the prog---" Natigil sa pagsasalita si Mika. Napatingin kaming lahat sa tinitignan niya.
Si Ate Kim lang naman yung paparating pero natulala kami sa kanya. Para siyang isang super model kung maglakad. Tinalo niya pa si Majoy eh. Ang taray nga niya eh. Naka-white turtleneck dress siya na hapit na hapit sa kanyang katawan.Lumilitaw pa ang cleavage niya. Ang taas ng heels niya. Halos magkasingtangkad na nga sila ni Kuya Jeric eh. Nakasabit sa kanyang kanang braso ang bag niya habang hawak naman ng kaliwang kamay niya ang malaking paper bag.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Miss Fajardo, pwede mo na bang ilagay dyan ang gifts niyo at maupo na kayo. Magsisimula na ang program." Bumalik ang tingin naming lahat kina Mika.
Grabe namang entrance yun. Lahat kami natulala sa kanya. Nag-uunahan pa sina Ben na alalayan si Ate Kim. Napapailing na lang si Kuya Jeric at sinasamaan ng tingin yung tatlo.
Iba talaga ang alindog ng isang Kim Fajardo.
Nagpatuloy ang programa. Si Ate Cyd ang naglead ng prayer. Nag-intermission number pa ang buong Green Archers team.
