-39-

52 5 2
                                    

Ara's Point of View

Pagkadilat ko ay wala na si Thomas sa tabi ko pati rin si Tintin wala na sa crib. Patakbo akong lumabas ng kwarto.

"Thomas?!" Sigaw ko.

Nag-aalalang lumapit sa akin si Thomas. May dala pa siyang tyansi.

"Nawawala si Tintin sa crib!"

Ngumiti siya.

"Akala ko kung ano na ang nangyari. Nasa labas si Tintin. Pinapaarawan ni Manang."

What?!

Masyado akong paranoid.

"Don't worry that much, my princess. Nakakulong na si Bang, okay?" Tumango ako. "Sige na. I'll continue cooking baka masunog na."

Pumasok na din ako sa kwarto para makaligo na. Nagmessage nga pala sina Mika na pupunta sila ngayon dito.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakahain na si Thomas. Naroon na rin si Manang at Tintin na linapitan ko kaagad at kinarga.

"Kumain ka na muna, my princess." Si Thomas na nilalagyan ng kanin ang pinggan ko.

Sinunod ko si Thomas kahit na gusto ko pang kargahin si Tintin.

"I have something to tell you." Umupo ako sa hapag. Naglagay ako ng hotdog at bacon sa pinggan ko saka binalingan si Thomas. "I'll be graduating next month which is three weeks from now."

Napaawang ang labi ko.

"Talaga?!" Mabilis akong tumayo at yinakap siya. "Congratulations, my prince. I'm so proud of you!"

"Thank you, my princess."

Kumalas ako ng yakap sa kanya at bumalik sa upuan ko. Pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Kain tayo, Manang." Yaya ko sa kanya.

"Sabayan mo na kami, Manang. Kukunin ko lang yung stroller para makakain ka ng maayos."

Habang kinukuha ni Thomas yung stroller, kinuha ko naman si baby Tin.

"Good morning baby Tintin." Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa pisngi. Ang sarap talaga amuyin ng mga baby. "Are you hungry, baby? Ha? Do you want milk, hmm?" Ibinuka niya ang kanyang maliit na bibig.

"Nakakatuwa kayong tignan, Ma'am. Gusto sa'yo ni baby Tin, Ma'am. Hindi siya umiiyak kapag kinakarga niyo siya. 'Nung unang beses na kinarga ni Sir Thomas si baby, grabe ang iyak niya hanggang sa nasanay rin siya sa amoy ni Sir." Kwento ni Manang sa akin na ngumingiti pa.

"Ewan ko ba kung anong meron sa kanya, napakagaan ng loob ko sa kanya." Binalingan ko si Thomas na kalalabas lang ng kwarto habang tulak-tulak ang stroller.

Linagay ko kaagad si baby Tin roon.

"Kumain ka na muna, Manang." Tumango si Manang at sinimulan na ang pagkain.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon