"Salamat sa paghatid, Thomas." nagdinner lang naman kami.
"Nakailang thank you ka na?" ginulo niya ang buhok ko.
Ngumuso lang ako. Wala na akong masabi eh.
"Hoy ThomAra. Pumasok nga muna kayo sa loob. Dyan talaga maglandian." sita ni Mika. Inggit lang siya dahil wala si Jeron.
Pumasok naman kami sa loob.
"May binili nga pala akong foods para sa inyo, girls." sabay lapag ng pizza at donuts sa mesa. Kaya gustung-gusto siya ng mga teammates ko.
"Wow. Thanks Thomas." biglang lapit naman ni Kim sa amin at agad linantakan ang dala ni Thomas.
Basta talaga pagkain ang pinag-uusapan, game na game sila.
"May bisita ka nga pala, Ars." sabay turo naman ni Mika sa babaeng nakaupo sa sofa. May tao pala dun.
Napatingin naman ako't nagulat. Ginagawa ng babaeng yan dito? Kapal muks ni ate girl ah.
"Hi Vic!" tumayo siya't bumeso sa akin. Duh! Kung wala lang tao dito tinulak ko na siya.
I smile fakely. Kairita naman talaga her face. Sapak you want, ate girl?
"Si ano nga pala, Bang. Kababayan ko." walang ganang pagpapakilala ko sa kanila.
Binati naman siya ng teammates ko maski nga si Thomas. Jusko, kung alam niyo lang talaga kung sino ang babaeng 'to.
"Kim, abutan mo nga si Bang ng makakain." utos ko. "Ikaw Thomas, what do you want?" nakangiti kong sabi.
Yan tayo eh. Basta si Thomas ang caring ko. Ganyan ako lumandi eh. Joke lang po.
"Ikaw lang naman ang gusto ko." sabay kindat.
Pusang ina.
"Talanders kayo. Pag-untugin ko kayo eh." sigaw ni Carol.
Nagtawanan naman silang lahat. Kinikilig ako besh. Walang hiya naman oh.
"Baliw!" pabiro ko siyang pinalo sa braso.
Pabebe lang muna akis. Charot lang!
"Baliw sa'yo." he chuckled. "Uwi na ko ng dorm. Sige see you girls lalo ka na Ara." paalam niya.
Hinatid ko siya hanggang gate. Ang bait ni Thomas, sweet pa. Kaya palaisipan talaga sa akin kung bakit siya iniwan ng ex niya.
"Sige na, Ara. Pumasok ka na." tumango lang ako.
Magtutuos kami ng Bang na yan. Sarap niyang kaladkarin palabas ng dorm. Feel na feel ni ate girl.
"Tara na, Bang!" may halong pagkairitang tawag ko sa kanya.
Napatingin naman sa akin mga teammates ko. I'll explain na lang sa kanila mamaya.
"You're surprising me huh." malambing niyang sabi. Pucha.
Nginitian ko lang siya.
"May kotse ka?" I asked
"Oo meron. Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Tara sa MOA." nauna na kong pumasok sa kotse niya.
Hindi ko siya kinausap habang nasa biyahe. Wala akong pakealam sa kanya. Sapakin ko 'to eh.
"So, bakit tayo nandito?" tanong niya.
"Anong kailangan mong babae ka?" sigaw ko.