-21-

97 4 3
                                    

Ara's Point of View

Pagkamulat ko ng aking mata, muntik na akong mapatili dahil bumungad ba naman sa akin ang isang napakagwapong mukha ni Thomas na nakatopless. Kakatapos niya lang maligo. Nakangisi siya sa akin. Napapikit ako nang biglang naalala ang mga nangyari kagabi. Oh my gosh! Nakakahiya. Nagtalukbong ako ng kumot. Hindi ko yata kayang makita si Thomas ngayon.

"Hey!" Tumatawa niyang sabi. Inalis niya ang kumot sa katawan ko. Mabuti na lang at may damit ako. "Are you okay, now?" Tumango ako pero may sakit akong nararamdaman doon sa baba. Hindi ko sinabi sa kanya.

"Good morning. Maliligo na ako!" Patakbo pa akong pumunta sa CR. Hiyang-hiya talaga ako.

Binilisan ko ang pagligo. Wala akong pinagsisihan sa nangyari sa amin kagabi. Mahal ko si Thomas, mahal na mahal. Pagkalabas ko ng CR ay wala na siya roon. Mabilis akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Gutom na ako. Pumunta ako kaagad sa kusina. Nakaupo na si Thomas at Kuya, mukhang inaantay ako.

"Oh, bat ganyan ang mukha mo Kuya?" Tinaasan ko siya ng kilay. Parang hindi siya natulog. Mukha siyang bangag.

"Hindi ako nakatulog sa ingay niyong dalawa. Kumain na nga tayo!" Napatakip ako ng mukha. Narinig ko pang tumawa si Thomas. Inirapan ko siya.

Wala kaming imikan habang kumakain. Nagpaalam agad si Kuya pagkatapos naming kumain. Matutulog raw siya dahil napuyat sa ingay namin. May training ako ngayon kaya sumabay ako kay Thomas pumunta sa Taft, may klase din kasi siya.

"About last night, Ara. I'm sorry!" Umiling ako. Ayaw kong pag-usapan yun eh pero ni-bring up niya pa.

"It's okay, Thomas. Ginusto ko naman yun. Atsaka kung may mabuo man, alam ko namang hindi mo ko tatakbuhan" Tumingin ako sa may bintana. I can't look at him. Hindi ko alam kung saan ako nagkalakas ng loob para sabihin yun sa kanya.

"Thank you for trusting me. Damn, you're my first and I'm your first. I won't ever let you go. I love you so much, Ara" Hinalikan niya ako sa noo, napapikit ako.

"I love you too, Thomas. Tara na nga!" Tumawa ako. Sobrang lakas na naman kasi ng kabog ng puso ko.

Dumiretso ako sa dorm para makapagpalit ng pangtraining. Late na ako. Patay ako kay Coach Ramil nito. Pagpunta ko sa Razon ay nag-i-stretching na sila.

"Good morning, Coach. Sorry po na-late ako!" Tumango lang siya. Hindi niya ba ako papagalitan or something?

"'Wag na 'tong mauulit. Pumunta ka na doon!" Tinuro niya ang teammates ko.

Nakangiting sumalubong sa akin sina Mika.

"Musta, Victonara?" Si Mika.

"Naaalala mo ba ang ginawa niyo ni Thomas sa dance floor? Tinalo niyo kami ni Jeric ah!" Si Ate Kimmy.

Umirap ako sa kanila at hindi pinansin. Ewan ko sa inyo. Pagkatapos ng training umuwi na ako ng dorm. Ang sakit ng katawan ko. Matutulog na muna ako.

"Mika, huminahon ka, okay? Pupuntahan na natin si Jeron!" Napabangon ako sa kama, kinusot ko ang mata ko. Humahagulgol si Mika, pulang-pula ang mata niya.

"Anong nangyari, Ate Kim?" Dinaluhan ko si Mika at hinagod ang likod niya.

"Sinugod si Jeron kagabi sa ospital. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising" Naluluha na rin si Ate Kim pero hindi niya pinapahalata dahil kay Mika. Kinagat ko ang labi ko. "Pupunta kami ngayon sa ospital. Gusto mo bang sumama?" Tumango ako. Pinunasan ko ang luha ni Mika.

SWEET LOVE (Victonara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon