DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.•••••
"you're the salt in my wound, but you're also the air in my lungs. you make it all hurt so badly, but you still keep me alive."
– – – – – – – – – – – – – – – –
Elementary, first honor ako. Siya naman ay second honor. From grade one to grade six ay hindi kami nagkakahiwalay dahil parehas kaming matalino, kahit sobrang kulit ni Charles ay hindi siya mailipat- lipat sa Section B dahil nga matalino siya at sa kadahilanang magagalit ang mga magulang niya. Bias, hindi ba?
High school, section A pa din kami parehas. Doon naman nabaliktad ang lahat, ako ang naging salutatorian at siya naman ang valedictorian. Buong akala 'ko nga noong grade 10 na kami parehas ay ako pa din ang mangunguna and sa nakasanayan ay mananatili siya sa kanyang pwesto at titolo, na laging pumapangalawa lamang sa akin pero mali ako na minaliit 'ko ang isang Charles Ivan Montero.
College, same course and same school. Buti na nga lang sa dami ng estudyante ay hindi na kami naging magkaklase, nung isang taon lamang pero isang beses lang dahil ang balita 'ko nagiba siya ng subject. Ewan 'ko ba doon sa lalakeng 'yon, ang arte. I am considered as the beauty and the brains of the class habang si Charles naman ay varsity at ang team captain ng Southern College basketball team pero kahit ganoon ay name- maintain niya pa din ang kanyang pag-aaral.
Ngayong college, babawiin 'ko yung pwestong dapat ay akin noon pang high school kaming dalawa. Kailangan 'ko magsikap, hindi pwedeng pumangalawa na lang ulit ako sa kanya. Dahil noong naging una siya? Sobrang lumaki ang ulo niya at lalong yumabang now I'm gonna take my crown back.
Ako ang una, ako lagi ang una. Tignan lang natin, Montero.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...