Chapter 31

756 33 1
                                    

Chapter Thirty- One
Hopeless

Nakatitig pa rin ako sa phone ko habang nakaupo at katabi si Yuan sa isang bench sa quadrangle ng school.

Hinihintay kong magreply si Jessica pero wala namang dumadating na text messages galing sa kanya. I pouted and frowned, alalang- alala na talaga ako doon sa babaeng 'yon eh.

"Where are you, Jess?" bulong ko saka tumungo at bumuntong hininga, I need to talk to her. Hindi na naman siya nago- open sa akin. I'm really worried about her situation right now, mukhang may di na naman sila pagkakaintindihan ni Calum.

Hindi ko nga alam kung ano ng meron sa kanila eh. Kung partners lang ba sila para sa ICAL na siyang tapos na ngayon o may ibang namamagitan na sa kanila.

Mahirap magsalita lalo na kung hindi mo alam ang totoong storya na nangyayari, mahirap magbitaw ng mga ideya, tanong at opinyon. Lalo na kung yung taong nasa ganitong sitwasyon kagaya ni Jessica ay hindi pa nagpapaliwanag at nagku- kwento tungkol sa totoong nangyari.

I tried to text her again and I hoped na sana naman this time ay mag- reply na ang best friend ko.

Ako:
Jessica, ni isang messge ko ay hindi ka naman nag- reply. Please do, naga aaalala ako sayo. Hindi kita nakita ngayon pagkatapos nung nakita ko sa library, alam kong may problema ka.

Ako:
H'wag mo naman akong pagtaguan. Best friend mo ako. I'm really worried about you. Please, Jessica.

"Ano ba talagang nangyari kay Jessica?" tanong ni Yuan saka itinago ang kanyang phone sa bulsa ng pantalon niya.

I turned to him and shook my head, "Hindi ko nga alam eh. Basta ang nakita ko lang kanina ay yung pagsampal niya kay Calum. I was about to call her name that time though..." paliwanag ko saka bumagsak ang aking balikat, gusto ko na talagang makausap si Jess.

"Oh." his lips formed a thin line and nodded. "Maybe there is something between them..." wika nito saka tumingin sa malayo.

"Hindi ko alam. Wala naman ako sa posisyon nila para sagutin yan, gusto ko lang naman talaga ay kausapin ako ni Jessica tungkol doon. I'm her best friend after all." paliwanag ko saka bumuga ng malakas na hininga.

He leaned on the bench saka siya humalukipkip at saglit na tumahimik pero nagsalita rin si Yuan pagkatapos, "Hindi naman porke't best friend ka ay ganoon na dapat, hindi naman porke't best friend, dapat malaman mo agad. Sometimes, people need space."

I creased my forehead and looked at him, "What do you mean?" tanong ko sa kanya.

He flashed a little smile and answered, "Maybe she needs space,  baka hindi niya pa kayang sabihin sa'yo. Let her think, ganoon lang iyon Jancel. As much as you want to know what's going on inside her head, hayaan mo munang ayusin niya ang sarili niya." litanya ni Yuan habang nananatili pa ring nakatingin sa akin.

Saglit akong natahimik at tumingin sa malayo, napabuntong hininga ako. Tama naman si Yuan kahit papano, as much as I want to talk to Jessica about what happened, hindi naman pwede. Ayoko siyang pilitin, bago lalong bumigat lang ang naaramdaman niya.

"Don't force her to tell you everything, Jancel. Dahil bilang best friend mo naman siya, I'm sure in time she'll tell you all of it. Do you know what to do?" tanong ni Yuan pero hindi ito nakatingin sa akin. Kagaya ko ay nakatingin lang rin lamang siya sa malayo.

I nodded and a small smile was plastered on my lips, "I'll wait. Ganon naman talaga ang ginagawa ng mga totoong kaibigan, hindi ba?" I tried to sound calm and it was effective, forcing myself to stop worrying was effective. Kahit papaano naman ay gumaan ang aking loob. Nabawasan ng onti yung pag-aalala ko.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon