Chapter Twenty- Four
Remember"Southern Colleges, all your answers are correct!" the emcee said while holding the microphone and the card. I smiled and breathed heavily, buti na lamang!
Tumingin ang host kay Charles saka ito nagsalita, "Get ready, Mr. Montero. You will answer the next question for Southern Colleges, wait for your turn."
Kumabog ang dibdib ko ng malakas. Hindi matanggal- tanggal ang kaba ko, kung matatanggal man ay kaunti lang pero hindi ito tuluyang mawawala, pakiramdam ko ay masuuka ako any minute.
Sunud-sunod na tinanong ng host ang mga nakahilerang contestants sa stage at nasa harap ng mga podium. Hanggang sa makarating ito sa SLU. Ang school nila Jade.
"You are correct! Mukhang mahigpit ang labanan natin ngayong taon, huh?" puno pa din ng energy ang host.
Napatingin ako kay Charles na siya pa lang nakatingin na sa akin. He genuinely smiled at me at nagpakita ng two thumbs up, telling me that it's all gonna be okay in the end.
Pinilit kong ngumiti sa kanya bago mabilisang tumango.
Humarap na ulit ako sa audience at doon ko nakita sila mommy at daddy sa crowd. They were all smiles, titig na titig sila sa akin at parang nagsusumigaw ng 'Kaya mo yan, anak' kahit hindi naman.
My dad raised his fist in the air saka ito naging thumbs up. My mom sweetly smiled at me, kahit papaano ay gumagaan naman ang loob ko.
Tumingin ako kay Jade na malapad ang ngiti dahil tama ang kanyang sagot. Napatitig ako sa kanyang mga mata na para bang sumisigaw ng sobrang saya at pagka-inis dahil na rin sa iba pang kalahok.
Sa hindi malayo ay nakita ko sila Karsten, Kylie at Miguel na nakatayo sa kani-kanilang podium. I secretly smiled, gusto ko na ulit sila makausap na tatlo ng pangmatagalan.
Lord, let this be a good day for me, please.
Pumikit ako ng mariin bago saglit na nagdasal. A little prayer can help me lighten up my mood, wala rin namang mawawala kapag nagdasal ako. Baka maging magandang araw pa ito sa akin pati na ang mga susunod pa.
"Maganda ang laban ngayon! Mahigpit mga manonood, mukhang mahihirapan silang talunin ang isa't-isa. Ano sa tingin ninyo?" itinapat ng host ang microphone sa audience na ngayon ay naghihiyawan at kanya-kanyang chant mula sa kani-kanilang school ang naririnig.
Muli akong tumingin kay Charles at nakatingin na siya sa crowd. Hinanap ko, pilit kong hinanap kung nasaan ang tinitignan niya at doon ko nakita ang pamilyar na mga mukha.
Yun ang pamilya niya and there was his twin brothers. Clyde Ignatious and Calyx Irvin. Bakit ko alam? Close ko talaga yung kambal na kapatid ni Charles it's just that, kami ang hindi okay before. Nakilala ko lang yung dalawa dahil sa ilang beses na pagpunta ko sa bahay nila Charles para sa project.
I remembered that day when I first entered their house. Natatandaan ko pa hanggang ngayon ang sinabi ni tita sa akin, that Charles always talked about me with them. Lagi daw niya akong ikinikuwento kaynila tito at tita, si tito naman ay sinabing may crush daw sa akin si Charles.
Charles whined and cried after hearing what his parents told me, inaway niya pa ako noon. Sinabihan akong uto-uto dahil naniwala daw ako sa parents niya. Sinabi ko din naman sa kanya noon na hindi ako naniwala dahil 'enemies' kami and I would never gain a liking towards him, siguro magbabago na ngayon.
Ewan ko.
"And your answer is correct!" sigaw ng host. Nanlaki ang mata ko nang sumigaw si Charles at tumalon- talon dahil sa saya. Napatingin ako sa kanya ng mas matagal, kanina pa ako nakatulala?
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...