Chapter 07

1K 57 3
                                    




Chapter Seven
Substitute 



Sayang.

'Yan ang paulit- ulit na salita na tumatakbo sa isipan 'ko. Walang tigil, paikot- ikot na lang. Nang makarating ako sa tapat ng restaurant ay humanap na ako ng parking place bago bumaba. Ako na lamang ang kakain mag-isa, hindi naman ibigsabihin na hindi kami tuloy ni Luther ay hindi na ako pwede lumakad at gumala mag-isa.

Napatigil ako nang maramdaman 'kong nag-vibrate ang aking cellphone. Agad 'kong binuksan ang aking bag bago kinuha yung cellphone ko. I unlocked my phone and saw Luther's message.

Luther:

I'm sorry again, baby. Promise, babawi na ako sa susunod.

Agad akong nag-type ng reply bago ito ni-send sa kanya.

Ako:
Ayos lang. No need to worry, sige na. Magfocus ka na sa work mo.

Pinatay 'ko na ang phone ko pagkatapos. Baka kasi mawalan ako ng gana sa pagkain kapag patuloy pa akong nakatanggap ng text sa kanya, hindi ko gusto ang sabihin na ako ang dahilan kung bakit nadi- distract siya at nai- istorbo sa trabaho. Ayokong magkaron ng issue once na bumisita ako sa office nila ng daddy niya.

Inayos ko ang suot kong dress at chin up na pumasok sa loob ng restaurant. Pwede naman akong magunwind na lang muna ngayon, hindi naman porke't mag-isa ako ay kailangan ko ng malungkot. Being alone is a pathetic reason to be used just for you to be sad.

"Welcome, Ma'am. May reservation po ba kayo?" tanong nung waitress na sumalubong sa'kin. Naalala 'ko na dapat pala ay dinner date ito ang kaso ay hindi lang natuloy so I supposed na nagpa- reserve si Luther para sa aming dalawa sana.

"Yes," I nodded. "May nagpa-reserve bang Luther dito?" tanong 'ko. Ngumiti sa akin ang waitress bago kinuha ang isang folder, mistulang naghanap siya ng pangalan doon. Binalik niya ang tingin niya sa akin bago itinuro ang table kung saan ako uupo at pwedeng kumain.

"This way po, ma'am." saad niya sabay sinamahan ako patungo doon. Nagulat ako nang umakyat pa kami ng isang palapag, meaning ay nasa second floor pa ang pwesto namin dapat ni Luther? I shook my head. Nagpasalamat na lamang ako bago umupo. It was beside the glass window of the restaurant kaya naman kitang- kita ang city lights malapit sa aking pwesto pati na ang mga dumadaang sasakyan sa kanilang top view, ang mga tao naman ay parang maliliit na langgam lamang na naglalakad at nagkakasalubungan.

Napangiti ako, somehow the view is so soothing and relaxing. I sighed while staring at the view outside. Minsan, naiisip 'ko paano kaya nagkakakilala ang taong nakatadhana para sa isa't- isa. Araw- araw sa iba't ibang parte ng mundo at iba't- ibang klase ng tao ay may nagaganap at nangyayari, it's amazing how love can change your life and turn your world around in a split second.

And how it would shatter and break you at the same freaking time.

Naalala 'ko yung una naming pagkikita ni Luther. I didn't expect something like this would happen, yung tipong magiging kami at tatagal ang relasyon namin ng taon despite the age gap and all the things na kailangan naming ilagay sa top priority. Mahirap naman talaga kapag nagboyfriend 'ka ng mas matanda sa'yo ng dalawa hanggang tatlong taon pero I think it's worth it when it comes to the time na malalaman mong siya pala talaga ang para sa'yo.

Pero paano pala kapag hindi?

My eyes slowly widened, ano ba naman itong iniisip 'ko? I wildly shook my head to push away the thought, hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganoon.

"Ma'am, here's your food." tuluyan na akong bumalik sa realidad nang inilapag ng waiter ang tray ng pagkain sa harapan 'ko at inilagay ang iba pa sa ibabaw ng lamesa.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon