Chapter 33

737 31 5
                                    

Chapter Thirty- Three
Second Warning

Napakunot ang noo ko habang paulit- ulit kong binabasa ang nakasulat sa itim na papel na yon gamit ang puting tinta. Napabuntong hininga ako saka mariin na ipinikit ang aking mga mata bago nilukot ang papel na iyon.

Umupo ako sa dulo ng kama nang biglaang pumasok sa isipan ko si Jade. Kinagat ko ang pang- ibabang labi ko bago huminga ng malalim, no please.

H'wag naman ngayon kung kailan na maayos na ang lahat at masaya na ako.

Or so I thought.

Agad kong kinuha ang cellphone ko saka ni- text si Charles at mabilis na nagtipa ng mensahe.

Ako:
Nasa bahay ka na ba?

Wala pang ilang sandali ay dumating na rin ang reply niya.

Charles:
Malapit na. Why? Na- miss mo agad ako huh ;)

Hindi ako napangiti sa sinabi niya dahil kahit pilitin ko naman, alam kong ang sarili ko ang lolokohin ko kapag ganoon. I heaved a heavy sigh once again saka nag- type ng reply sa kanya.

Ako:
Nag- aalala lang. Wag mo ng replyan to, just focus on driving okay?

At ang makulit nag- reply pa kahit sinabi niyang nagda- drive siya.

Charles:
Opo ma'am. I love you :*

Ako:
I love you too. Don't reply.

Hindi na ako naghintay ng reply niya at okay naman sa akin na walang dumating dahil baka magalit at mainis lamang ako sa kanya dahil mag- reply pa siya sa text messages ko.

Napahiga ako sa kama habang hawak- hawak ang lukot na papel at unti- unti akong kinakain ng kaba at takot, ayokong mawala sa'kin si Charles.

Pero paano kung hindi ito si Jade? Paano kung ibang tao pala ang gumawa ng mensaheng ito? Pero sino naman at ang naalala ko ay ang pagkausap sa akin ni Jade sa girls' comfort room at inutusan niya pa akong lumayo noon kay Charles na hindi ko rin naman sinunod.

Bakit ko naman siya susundin, hindi ba?

Tumayo na lamang ako at itinapon ang papel saka ito ipinagwalang bahala. Sana naman ay walang mangyaring hindi maganda, masaya na kami ni Charles at sa wakas ay maayos na ang relasyon naming dalawa.

Sana naman ay wala ng manggulo pa.

Baka kasi isang araw na gumising ako, natatakot ako na baka lahat ng masasayang panahon na meron ako ngayon ay ipinahiram lang pala sa akin ng mapaglarong tadhana para kuhanin rin agad.

Natatakot ako.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Hindi rin naman kasi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip kung si Jade nga ba talaga ang nagpadala ng mensahe o ibang tao, hindi ko naman alam at lalong hindi ko naman iyon sigurado.

Hindi ko rin naman kilala si Jade para mag-isip ng ganoong kasamang bagay na konektado siya, ayokong manghusga at ayokong sabihin ito kahit kanino hanggang ako mismo, ay hindi alam ang katotohanan.

Bumaba ako bago dumeretsyo sa kusina kung saan panigurado ay naandoon sila mommy at daddy. Tanging si mommy lang naman ang nakita ko doon, napakaaga naman atang umalis ni daddy.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon