Chapter Thirty- Five
Between The Lines"Anong gusto mong gawin?" tanong ni Charles pagsalubong na pagsalubong ko sa kanya. He reached out for me and immediately held my hand.
I smiled, "Kahit ano. Ikaw naman yung kasama ko eh..."
He nodded, "Thank God it's already Christmas break. Have you packed your things?" nakangiting tanong nito sa akin, his innocent eyes staring at me.
My forehead creased, "Packed my things? Hindi ba't magde- date lamang tayo?" nalilitong tanong ko sa kanya.
He nodded again saka sumagot, "Yeah. Magde- date nga tayo baby pero it's for three days. Just you and me..." he swiftly kissed my lips and my forehead saka ako nginitian na naman. "I already told your parents and they already agreed. They told me just to keep them updated."
Napanguso ako, "Kailan mo pa ako ipinagpaalam?" tanong ko saka siya bahagyang kinurot sa kanyang ilong.
"Last week pa and this is the perfect time para makapagdate tayo for three days na tayong dalawa lang. Better call it vacation right?" kinindatan pa ako nito saka ako inakbayan and he pulled me closer to him.
Charles went inside the house with me. Kinausap niya muna si daddy and si mommy naman ay sinamahan ako sa pag- iimpake ng mga damit at gamit ko na good for three days.
"Darling, you take care of yourself habang naandoon ka at kamasa siya, alright?" paaalala ni mommy saka inilagay ang huling damit sa bag.
I smiled and nodded, "Sure thing, mommy. I'll enjoy his company and gusto niyo po bang mag- uwi ako?"
Ngumiti si mommy at tumango, "Kung ano ang mabibili mo doon na alam mong pwede sa amin ng daddy mo. Then yun na lang ang i- uwi mo sa amin..."
"Sige po mommy. Thank you..." saad ko saka kinuha na ang bag ko at lumabas ng kuwarto. There I found Charles on the living room sitting on the sofa.
"Charles!"
Biglaang siyang humarap sa akin na para bang nagulat. He looked uneasy at hindi ko alam kung ano ang rason pero gusto kong malaman kung bakit. Ilang araw na kasi siyang ganyan sa totoo lang.
"H-hey..." untag ni Charles sa akin saka matipid na ngumiti saka ito tumingin kay tita, "Hi po tita..."
"Mag- enjoy kayo doon, okay? Ingatan mo ang anak ko." ngumiti si mommy saka tinapik sa balikat si Charles at iniwan kaming dalawa sa living room.
He just nodded at sinundan ng tingin si mommy. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa at hindi niya maibuka ang kanyang bibig. It's like he's really uneasy, parang may bumabagabag sa kanya.
I cupped his cheeks and looked at him sincerely, "Do you have a problem, Charles?" nag- aalalang tanong ko sa kanya.
He blinked a few times before holding my hand and showed me a little smile, "I'm okay. I'm really fine. Tara na?" he held my hand saka nagpaalam pa kami ng isang beses sa mga magulang ko at tuluyan ng lumabas ng bahay.
Charles and I were just talking habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin but we were shock nang may makita kaming isang malaking puting van sa harapan ng bahay namin.
"Kaninong van 'to?" takang tanong ko saka kumunot ang aking noo. Ang tanging alam ko lang naman kasi ay kaming dalawa lang, hindi buong barangay!
Charles shrugged and was about to speak nang biglang bumukas ang pintuan ng van at sumulpot doon si Tryzer.
"Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" saad ni Tryzer habang pinapalapit kami sa kanila.
Napamura si Charles saka patakbong lumapit kayla Tryzer at sininghalan ito, "What the hell are you doing here?" parang iritado pang tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...