Chapter 10

1K 50 8
                                    




Chapter Ten
Jump Shot


"What happened to you at hindi ka nagdala ng payong? You didn't use your car? Mayaman ka, dapat may sasakyan ka na magagamit whenever you get out of your house, hindi ba?" sunud- sunod na tanong ni Charles sa akin habang nagmamaneho siya.

I glared at him "I thought hindi mo na ako bubulabugin?" masungit na tanong sa kanya.

He raised his one hand a sign of surrender and kept his mouth shut saka nagpatuloy sa pagmamaneho, itinuon na lamang ang kanyang atensyon sa kalsada.

"I have a shirt at the back of the car, kung gusto mong magpalit you can. Sa likuran na lang ng kotse." kampante na saad niya habang seryosong nakatingin sa akin.

My mouth formed an 'O' shaped, "You expect me to change clothes at the back of your car?" taas- kilay akong nagtanong sa kanya.

He smiled and nodded, "Yes. Do you have any problem with that?"

Napanganga naman ako lalo, ibinato ko sa mukha niya yung tuwalya na pinahiram niya sa akin pagkapasok ko sa sasaknyan para tuyuin ang sarili at ang aking buhok. Tinanggal niya naman agad iyon at pasigaw akong tinanong bago niya ni- park ang kotse sa isang gilid ng kalsada.

"What the hell are you thinking, Celine? I'm driving tapos babatuhin mo ako ng tuwalya sa mukha? Fuck, basa pa yang tuwalya ha! Paano na lang kung maaksidente tayo? Nag-iisip ka ba?" inis niyang sambit sa akin.

Naningkit ang aking mga mata, "Eh ikaw ba? Nag-iisip ka nung sinabi mo sakin na pwede akong magbihis sa likod ng sasakyan mo? Tinted ba 'tong sasakyan mo para sabihin 'yon sa'kin, at parang hindi ka sisilip? Mag-isip ka din kaya muna diba, Montero?" balik na sagot ko sa kanya.

Matagal siyang napatitig sa akin na bahagyang nanlalaki ang kanyang mga mata. I creased my forehead, "What? Ano bang problema mo, Montero? May sapak ka ba sa utak?" naiirita kong tanong sa kanya.

Bigla na lang siyang tumawa ng napakalakas sa loob ng kotse at walang tigil hanggang sa maubusan na siya ng hininga. Maluha- luha na din siya nang pinilit niyang pigilan ang kanina niya pang pagtawa, wala rin siyang tigil sa paghawak sa kanyang nananakit na daw na tiyan.

"C-Celine... HAHAHAHAHA!" tumawa na naman siyang muli.

I just shook my head and crossed my arms over my chest, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon habang kasama ko si Charles dito sa loob ng sasakyan. Ilang saglit pa ay tumigil na rin siya.

Finally, he stopped from laughing so loud. Tumingin siya sa akin habang nagpupunas ng kaunting mga luha mula sa kanyang mata, he spoke.

"First of all, Celine? You look really funny when you shouted back at me, hindi ka nakakatakot eh. You were more like a comedian nang sumisigaw ka, walang matatakot sa'yo kapag ganyan. Damn, hahaha. Second, heavily tinted ang sasakyan ko kaya naman walang makakakita sayo kung magbibihis ka man sa likod ng sasakyan ko, pati ako dahil panghuli Celine, hindi kita bobosohan. Wala naman atang makikita sa'yo."

Marahas akong lumingon sa kanya bago siya sininghalan, "Napakakapal talaga ng mukha mo Charles para pagsalitaan ako ng ganyan!" inis kong sabi sa kanya.

Kinuha niya ang t-shirt at ibinigay ito sa akin bago siya nag-angat ng tingin at deretsyong tumitig sa aking mga mata, "Seriously, Celine. Hindi kita sisilipan dahil sa totoo lang? In my eyes, I don't find you desirable. In my eyes, I don't find you pretty kaya h'wag kang mag-alala, wala akong pakealam sa kung anong magiging itsura mo when you're already naked." nawalan ng ekspresyon ang kanyang mukha bago inalis ang tingin sa akin at bahagyang pinalo lamang ang steering wheel.

"Kung magbibihis ka, magbihis ka na para maihatid na kita sa inyo. Go, hindi kita titignan. Even in the rearview mirror, wala kang dapat ipagalala." seryosong sabi nito bago tumingin sa labas ng bintana.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon