Chapter 08

1.1K 48 2
                                    




Chapter Eight
Partnership


Two months ago.

Just two months ago, sinampal ko ng napakalakas si Charles sa harap ng maraming tao sa loob ng isang mamahaling restaurant and I didn't regret it. Mas masaya pa nga ako dahil nagawa ko iyon sa kanya, teaching him a lesson through a freaking humiliation.

Napabuntong hininga na lamang ako habang naghahalo ng mixture para sa cake na ibe- bake ko ngayong araw. Inihanda ko na yung tray kung saan ko ilalagay yung isa pang mixture para naman sa cupcakes na gagawin ko.

Anniversary ngayon ng parents ni Luther and I want to have a special gift for them, syempre yung gawa ko naman para mas special. Nang mailagay ko ang mixture ay inilagay ko na yun sa loob ng oven, I just have to wait for it to be ready bago siya lagyan ng icing at iba- ibang toppings.

Speaking of Luther, two months ago simula nung hindi kami natuloy sa supposedly dinner date namin ay naging extra sweet siya. Natuwa naman ako dahil doon, ever since he became free from work ay sa akin niya lahat tinuon ang oras niya. I missed it, na- miss ko pala talaga ang Luther na lagi kong nakakasama. Yung Luther na free from stress and work, yung magaan lang kasama dahil walang iniintinding iba o trabaho man.

I leaned on the wall and crossed my arms over my chest, waiting for the exact time para malabas ko na ang mga cupcakes mula sa oven. Isusunod ko na yung cake after, ang dami ko pa pala talagang gagawin.

I sighed and massaged my temples for a couple of minutes nang biglaan namang mawala ang concentration ko sa pagpapahinga sa sarili ko nang magring ang telephone sa living room. Agad akong pumunta doon at sinagot ang tawag.

"Yes, hello?" magalang na ani ko.

"You're so polite, Celine." sa pagtawag pa lamang sa aking pangalan ay nalaman ko na agad kung sino ang tumawag.

Napasimangot ako bago siya binabaan ng telepono. Wala akong oras para sa kanya. Paalis na sana ako ng living room at babalik na sa kusina nang magring na naman ito. Napairap ako at sinagot muli ang tawag niya.

"What do you need?!" pasigaw kong tanong.

Nanlaki ang mata ko ng ibang boses na ang sumagot sa akin, "Oh. Bad mood ka ata hija?" nanay 'to ni Luther. My lips were pressed together at saka ko to hinampas- hampas ng paulit ulit.

Napangiwi ako, "A-ah, hindi po. I'm sorry tita, akala ko po kasi tumawag na naman yung kanina pang tumatawag sa'min eh. I'm sorry po." wika ko bago hinampas ng paulit- ulit ang aking noo. Mamaya kung ano na ang isipin sa akin ni tita, paano na 'to?

"Oh, is that it? Then it's okay, Jancel. I just want you to know na may celebration mamaya sa bahay for our anniversary, pumunta ka sana ha? Luther and the whole family wants you to be here later." saad nito.

Lumuwag naman ang aking paghinga, ngumiti ako kahit hindi niya nakikita bago ako sumagot. "Opo. Happy anniversary po pala." bati ko.

"Thank you, hija." sagot ni Tita.

---

Matapos ang ilang oras ng paghahanda ay natapos ko din dapat lahat ng tapusin. From the cake to the cupcakes at yung isa ko pang regalo, handa na ang lahat ng ibibigay ko. Yung magbibigay na lang talaga ang hindi, which is ako.

Tumingin ako sa orasan at nanliit ang aking mga mata, I still have one hour. Kaya ko pa to. Tumakbo ako pataas para maligo at mag-ayos ng sarili. Kailangan ko maging maganda at presentable, hindi naman porke't matagal na kami ni Luther at matagal na akong kilala ng mga magulang niya ay hindi na dapat ako maging handa lagi.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon