Chapter 38

869 35 4
                                    

Chapter Thirty- Eight
Kalimutan 

Pain, when it strikes, it really cuts you deep.

"Merry Christmas!" sigaw ng pinsan kong si Keira saka itinaas ang kanyang baso na puno ng wine. She's a lot younger than me pero kung makainom ng wine akala mo ay wala ang mga magulang niya dito sa bahay.

Napatingin ako sa kanya at umismid, "Seriously? Ilang beses mo ng sinabi iyan kanina, Kei. Walang tigil?" medyo naiirita ng tanong ko sa kanya dahil paingay na siya ng paingay.

Humaba ang kanyang nguso at biglaang napasimangot habang nakatingin sa akin, "Ate Jan, it's Christmas! Dapat talaga ay mag- ingay tayo at magparty! Tapos na naman tayo magdasal and tapos na natin i- greet si Lord, hindi pa rin nagbabago ang mood mo?" nakataas kilay nitong tanong saka mas tinitigan pa akong mabuti.

Napairap na lamang ako at sumagot, "Yeah right. Enough with your explanation..." sabi ko saka sumandal sa sofa at sumimsim ng kaunti sa wine.

"You shouldn't drink that much, you know..." puna ni Keira sa akin saka niya ibinaba ang baso ng red wine na hawak- hawak at iniinom niya kanina.

Sarkastiko akong natawa bago napatingin sa kanya, "I should be the one telling you that. You're just fifteen, Keira." matigas kong saad saka inagaw ang baso ng wine sa kanya.

"Pero ate, gusto ko lang naman matikma-" dahilan niya sana pero agad ko na iyong pinutol nang magsalita ako.

Pinandilatan ko siya ng mga mata saka siya sinabihan, "No Keira. Nagamit mo na 'yang rason na yan noon, wala na bang iba?" I smirked saka tumayo.

Nang napadaan si Zeus, ang kuya niyang kasing edad ko lamang ay nagsumbong siya. "Kuya Zeus, si Ate Jancel inagawa yung wine ko!"

Napaawang ang bibig ni Zeus saka sinakop ng kanyang kamay ang ibabaw ng ulo ni Keira saka niya ito pinagsabihan, "Wow ha? You're just fifteen, Keira. Wala kang karapatang magsumbong na inagawan ka ng wine dahil in the first place, wala ka rin namang karapatan na uminom 'non."

Ngumuso si Keira bago tumayo at madaliang kumapit sa braso ni Zeus na para bang isa siyang koala, "Pero kuya. Just this once..."

Napairap si Zeus saka tinanggal ang kamay ng kapatid na nakapulupot sa kanyang braso, "You told me that too last Christmas. Hindi kita papayagang uminom, isusumbong kita kaynila daddy. Sige ka!" banta ni Zeus kaya naman napaatras si Keira at napapadyak.

"Ang unfair!" sabi nito saka humalukipkip at parehas kaming inirapan ni Zeus. Napatawa na lamang ako bago umiling at dumeretsyo sa kusina.

Nadatnan ko doon si Mommy na kausap ang mga katulog. Ang plano ko lang sana ay tahimik kong mailagay ang baso at ang plato ng pinagkainan ko sa sink pero mukhang hindi ko iyon magagawa dahil napalingon si mommy sa akin at matagal akong tinitigan. Tumango na lamang ako at mabilis na tumalikod para sana umalis na ng kusina pero tinawag pa ako ni mommy ng biglaan.

"Anak, Celine..." tawag nito sa akin. Napalunok ako bago napabuntong hininga. Ano pa bang magagawa ko? Of course when a parent calls his or her child, kailangan ay haharapin mo ang magulang mo bilang pagbibigay respeto. My lips formed a thin line at tumahimik lamang ako bago ako humarap sa kanya.

Hindi ako nagsalita, hinihintay ko ang sasabihin ni mommy sa akin.

Ipinagpag ni mommy ang basa niyang kamay saka madaliang lumapit sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata ko na para bang may gusto siyang malaman, hindi ako umimik. Ano ba ang sasabihin niya? Napakunot ang noo ko dahil ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring sinasabi si mommy sa akin.

The Equation of Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon