Chapter SeventeenAll We Know
"Sorry, pinaghintay ka Jancel, buong araw lang talaga kailangan kong gawin yung mga pinapagawa. Nakakapagod. Ugh, I'm so exhausted." sabi ni Jess saka umupo sa tabi ko. Bumalik lamang ako sa ulirat ko nang marinig ko ang boses ni Jessica na ilang beses na pa lang tinatawag ang pangalan ko.
"Are you okay?" tanong nito saka iwinigayway ang kamay sa harapan ng aking mukha. Bahagya akong napanganga saka itinikom muli ang aking bibig bago inikot ang aking mata sa paligid saka tumingin ng diretsyo sa kanya. Maya- maya pa ay nagbunga ako ng isang malalim na hininga.
"Yeah, I'm fine." pinal na sagot ko saka inayos ang buhok ko at pekeng tumuwa. Pinagtaasan ako ng kilay ni Jessica habang mabuti akong tinitignan, para bang inoobserbahan ako.
"You look pale, what happened? May nakita ka ba dito or something? Dinaig mo pa ang nakakita ng multo." tatawa- tawang sabi nito habang inaayos ang mga libro na nakapatong sa kanyang mga hita.
Tumawa na lamang ako sa kanyang sinabi, hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil lang sa isang tao ay medyo nawala ako sa sarili ko. Mamaya ay kung ano pa ang isipin ni Jess.
May boyfriend din ako.
Tumayo ako at inayos ang pagkakalagay ng strap ng bag ko sa aking balikat saka ko nilingon si Jessica, "Let's eat? Kahit sa Max's lang tayo or sa McDo. I'm really hungry, Jess." sabi ko saka hinaplos ang aking tiyan at ngumuso.
Seriously, I feel really hungry. I'm starving.
"Libre mo?" biro nito saka sabay na nagtataas babaan ang parehas niyang kilay.
Napairap na lamang ako at ngumisi, "Maybe yes, maybe no. Tara na kasi! Kain na tayo!" hinila ko siya patayo hanggang sa palabas ng school.
Ang bruha kasi nagpapabebe pa, ayaw pang sumama dahil baka siya na naman daw ang magbayad katulad noong last time na sabi ko babayaran ko pero hindi ko na nagawa, counted na lamang daw 'yon as libre niya sa'kin.
"Di nga, Jancel? Your treat?" naniningkit ang mga matang tanong nito sa akin, umaas nga namang manlilibre ako ngayong araw.
"Oo na, oo na! Ililibre na kita ngayon, Jess. Tara na nga! Di ko na talaga kaya yung gutom!" hinila ko siya saka kami dumiretsyong dalawa sa fast food na kakainan namin.
Nang makarating kami sa loob ng McDonalds ay humanap na agad si Jessica ng upuan pero siya rin naman na ang nag-volunteer na mag-order basta sa akin daw galing ang pera. Umupo na ako sa upuan at inilapag yung gamit ko sa table na nahanap namin ni Jess.
I took my phone out and my eyes widened a bit when I saw a text message from Charles that I received three hours ago.
Charles:
Bakit hindi ka na nag-reply? :((Charles:
Celine?Charles:
Okay. Maybe ayaw mo talaga akong kasabay.
Charles:
Uhm, sorry for bugging you.Charles:
:)Napangiwi na lamang ako. I cringed, ewan ko pero iba yung pakiramdam ko kapag ganito nagte- text si Charles sa akin and I don't know why I see his text messages in a sweet way. In his own sweet way pero ayoko talaga itong makita sa ganoong paraan, ayoko talaga.
Hindi ko na lamang siya ni-replyan dahil kanina pa naman yon at sigurado na akong nasa school na rin siya, nakita ko pa nga siya kanina hindi ba? I scrolled through the rest of my messages and saw texts from Karsten and from Kylie.
BINABASA MO ANG
The Equation of Us (COMPLETED)
Teen Fiction[Written in Filipino] Elementary, high school, and until college - Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero never parted ways. Jan Celine, considered as the beauty and the brains of the engineering department is also the candidate for being a c...